NAABUTAN ni Elyes na nanonood ng TV si La Fiona. Agad siyang lumapit dito at niyapos ang baywang nito. "Hey, baby," bulong niya sa tainga nito, saka hinalikan ito sa baba pababa sa leeg. "Where are we?" Itinuro nito ang TV. "Nanonood ako. Ikaw? 'Tapos ka nang makipag-usap kay Yleena?" Napakalamig ng boses ni La Fiona at ng pakikitungo nito sa kanya. He knew something was up and this had something to do with Yleena. Kaya ayaw niyang naglalalapit kay Yleena. Ayaw niyang mapunta sa wala kung ano man ang mayroon sila ngayon ni La Fiona. No. Never. "Baby." Hinaplos niya ang braso nito. "Wala naman kaming ginawang masama." "Alam ko." Pero may pagdududa pa rin sa mga mata nito. "Hindi naman kayo siguro makakapag-s*x sa labas. Oh, wait. May kotse sa garahe." Napabuntong-hininga siya, saka hi

