Prologue
Lingid sa kanyang kaalaman may nakamasid sa kanya habang siya ay naglalakad pauwi.
Pagkabukas niya ng pintuan tumambad sa kanyang mga mata ang amang nakagapos ang mga kamay at paa.
Agad niya itong pinuntahan para pakawalan ito sa pagkakagapos.Pero bago pasiya makalapit may dalawang lalaking matangkad ang humarang sa kanya at hinawakan ang kanyang mga braso.
"Let's go"Malamig na boses ng lalaki ang kanyang narinig sa likuran niya.
Akala niya nag-iisa nalang ang kanyang ama sa kanilang bahay.Pero nagkamali
siya.Hindi niya nakita kanina sa pagbukas niya ng pintuan ang dalawang tao sa gilid ng pintuan.Tanging nakita niya lang ay ang ama niya na nakagapos.
"Bitawan ninyo ako"Sabe niya sa mga ito.Habang hinihila siya ng dalawang lalaki.
"Anong gagawin mo?"Takot na tanong niya dito ng makitang may nilabas ito sa bulsa na panyo.
"Ang ingay mo kaya papatulogin kita muna"Sabi nito sa malamig na boses.
"Pakawal-
Hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil tinakpan na nito ng panyo ang kanyang ilong na ramdam niya ng antok.
Nagising siya sa madilim na kwarto,nakita niya ang lalaki naka-upo sa sofa.
"You awake,"Tumayo ito at lumapit sakanya."I need you to sign this"Hawak nito ang isang papel naikina kunot noo ni Florina.
Binigay ng lalaki sa kanya ang hawak na papel namay kasamang ballpen.
"Permahan mo yan"
Tiningnan niya ang papel at nagulat siya sa nabasa.
"Kasal?"Gulat na tanong niya
"Yes,At lahat ng utang ng iyong ama ay mababayaran."
"Pinagluluko mo ba ako"
"No,kaya permahan mo na dahil ang oras ko ay binibili."Bumalik ito sa sofa.
"Pero kong ayaw mo?Pwede naman buhay ng iyong ama ang kukunin ko."Sumandal ito sa sofa.
Hindi na siya nag-isip pa,agad niya ito penermahan,nang marinig ang sinabe ng lalaki.
"Good girl"Sabe nito ng makitang penermahan na niya."You are now my wife."Pagkatapos sabihin nito ay lumabas na ito sa kwarto.