bc

DBS 2- Chaos' Unknown Obsession

book_age18+
294
FOLLOW
1K
READ
billionaire
HE
kickass heroine
heir/heiress
bxg
lighthearted
lies
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa galit ni Chaos sa ama ay naghanap siya ng babaeng mapapakasalan niya, taliwas sa gusto nun na babae para sa kanya.

He married a scammer, si Amary. He felt safe to marry the girl because she’s definitely not his type. Isa itong pekeng manghuhula sa tabi-tabi, mandurukot at taga iskwater.

He also doesn’t care if Amary is the one catching his father’s rage. Bayad naman ito sa lahat kaya kahit na ikamatay pa nito ang masasakit na salita ng ama niya at ng madla ay okay lang sa kanya, hanggang sa may magkagusto ritong kaaway niya sa negosyo, inaagaw ang komikera niyang asawa at may ginagawa ng kababalaghan ang dalawa kapag hindi niya nakikita, isang malaking sampal sa p*********i niya bilang isa sa pinakakilalang tao sa buong mundo.

chap-preview
Free preview
Introduction
Prologue Amary “Bilisan niyo. Ang dami ng costumer sa labas. Ihanda niyo na ang mga baraha,” napapakamot sa ulo na sabi ko sa dalawa kong kaibigan. Napakababagal naman ng mga peste kong side kicks. Dalawa ang katulong ko sa trabaho kong ito, sina Picolo at Watusi. Sila ay kapwa bente uno anyos at ako naman ay bente. Nagkakilala kami noong mga bata pa kami sa isang basurahan. Namumulot ako ng pagpag at sila ay ganun din, pero binully ako ng ibang mga bata, buti na lang ay ipinagtanggol ako ng dalawa. Ako ay ulila. Pitong taon ako nang mawala ako sa terminal ng bus, kasama ko ang aking ama-amahan para bisitahin ang Mama ko sa Maynila pero nawala ako. Hindi ko matandaan kung paano ako nawala. Gumamit lang ako ng banyo pero sa kasamaang palad, paglabas ko ay wala na ang stepfather ko. Ang pakiramdam ko noon ay iyon na ang katapusan ko sa mundo. May mga humihila sa akin para daw dalahin ako sa istasyon ng pulis pero tumakbo ako. Wala akong tiwala sa kahit na sino. Natatakot ako sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Ilang araw akong pasilip-silip doon dahil sa ama-amahan ko. Nagbabakasakali akong makikita ko iyon pero wala na. Nag-umpisa na akong magpalaboy-laboy sa kalsada. Ang dalawa ko namang kaibigan ay pinangalanan ng tawag sa mga paputok, dahil parehas na biktima ng mga iyon. Si Picolo ay biktima ng paputok na Piccolo, habang si Watusi naman ay nalason nang kumain ng Watusi. O di ba napakatanga niya? Ganun na ba siya kagutom para kainin ang hindi dapat? Anong tingin niya sa tyan niya, imbakan ng pulbura? Pumunta ako sa likurang bahagi ng tent para magsuot na ako ng aking costume. Ako si Madame Lauring, isang magaling na manghuhula. Marami akong pwesto, kung saan ako pwedeng makapanloko. Isa itong raket. Tumingin ako sa salamin. “Ahhhh…” Huh? Agad akong napatitig. May umuungol. May multo siguro sa salamin na ito. Hindi naman ako multo sa huling pagkakatanda ko, kahit na garapal ang make-up ko para hindi ako makilala ng mga tao. Nasundan ang ungol na iyon ng mga kakaibang tunog. Parang may kung anong isinusubo ang tao sa salamin. Sandali. Sa salamin nga ba o sa likod ng tent ko? “If this is the payment for exposing me to a place like this, feel free to swallow me then,” anang boses ng isang lalaki. Hindi nga multo, tao! Wala iyong kontrol sa lakas ng boses. Normal na boses na iyon. Parang wala iyong pakialam kung may makarinig o ano. “Yeah,” mahalay na sagot ng babae at nagpatuloy sa tunog na parang may minumumog. “Uhm s**t,” anang lalaki tapos ay nasundan ng ungol. Diyos ko. Sumilip ako sa butas ng tent ko, at saktong sakto na mukha ng isang napakgwapo at matangkad na lalaki ang nakikita ko. Tumatama ang ilaw ng Ferris wheel sa mukha nun kaya kitang-kita ang kagwapuhang taglay. Anong sinabi ng mga artista sa mukha ng lalaking iyon? Wala, walang-wala! Naka-squat ang isang babae sa harap nito, isinusubo ang p*********i tapos ay dinidila-dilaan pa, parang may sinasaid na kung ano. Hindi ko halos makita ang p*********i nun kung malaki ba. Madilim na kasi sa may parteng ibaba at bandang mukha lang ang maliwanag. Humagikhik ang babae habang hawak iyon sa ulo ng lalaki. Parang bola lang iyon sa basketball kung hawakan ng mamang pogi. “You see, payag ka ng magpahula ako? Bayad na ang oras mo,” hagikhik ng babae habang inaayos ang sinturon ng lalaki. “Let’s go,” anang lalaki. Ingleserong frog ang pogi. Agad akong pumihit at sinenyasan sina Picolo at Watusi na lumapit sa akin. “Target spotted,” ngisi ko sa dalawa na parehas na tumango. “Kikindatan ko ang lalaki. Kung sino ang kindatan ko, yun ang target niyo,” bulong ko pa at tumango muli sila. Isinuot ni Watusi sa akin ang costume ko sa ulo. Para akong Genie na ligaw sa dami ng mga bato-bato ko sa ulo. Violet ngayon ang suot ko kaya ako ngayon si Madame Violet. Ang pakilala ko sa mga customer ay nakadepende sa kulay ng costume ko. Lumabas ako sa tent at naupo sa aking magic silya. Plakadong-plakado ang lahat ng gamit ko. Plakadong-plakado rin ang mukha ko. Tiba-tiba na naman kami nito. “Here, babe, here,” bungisngis ng isang babaeng maikli ang buhok na parang siete pero bagay na bagay dito. Napakaganda ng babae, sukbit ang isang kumikinang na bag. Wow. Bag pa lang ginto na. Napatingin ako sa hinihila nitong lalaki at literL na nanlaki ang mga mata ko pagkakita rito. Ito ang nasa likod ng tent, nagpapasubo ng kanyang hotdog. Tumingin ako kaagad sa dalawa kong alalay sa may harapan ko, tapos ay tumingin ako ulit sa lalaki, kinindatan ko siya. Ang mga mata nitong masungit ay lalong sumungit pero tumaas ang sulok ng labi ko. Awtomatiko naman na naglakad sina Watusi at Picolo sa may pwesto ng lalaki. “Sir, Ma'am, magpapahula po kayo?” nakabungisngis na tanong ni Watusi sa dalawa. “Yes, yes!” bulalas ng babae, “Magpapahula ako kung kailan kami magkakaanak.” Tanga ba siya? Kapag itinigil mo na ang paglunok mo sa semilya ng boyfriend mong gwapo, magkakanaka na kayo. Sa isip ko lang iyon. Hindi naman kasi magbubuntis ang bibig nito sa semilya, buwang. “Lapit na. Huwag ng patunga-tunganga pa. Sayang ang oras ko,” aniya sa dalawa at nakita ko ang pagtiim-bagang ng lalaki. Lalo siyang pumogi sa paningin ko. Abot dito ang amoy niya, napakabango. Postura pa lang niya at tindig, alam kong mayaman na. Sinong pobre ba naman ang magsusuot ng long sleeves at slacks sa peryahan? Sapatos niya ay balat at kahit madilim ay kumikintab. Pasimpleng pumwesto na ang dalawa kong kaibigan nang sulyapan ko. Alam kong madedenggoy na nila ang target. Mukhang makapal ang pitaka ng lalaking yayamanin. Napangisi ako sa isip ko. Baboy na naman ang ulam namin nito, sigurado. Pumormal ako ang hilahin ng babae ang lalaki, papalapit sa akin. Halos bitin ang paghinga ko nang kumilos sina Picolo. kapagkuwan ay pasimpleng itinaas ni Watusi ang pitaka sa ere. Wagiiiii!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
89.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.0K
bc

His Obsession

read
72.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.8K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook