Andito na ulit kami sa The Farm para sa reception. Kila Chris na ako sumabay papunta rito dahil sa iba na sumabay ang mga pinsan ni Nathan. Ayoko din kasing makasama ulit sa sasakyan si Vince pagkatapos ng conversation namin kanina. Hindi ko rin alam anong sasabihin ko sa kaniya o ano bang gusto niya pang sabihin sa akin. I hate confrontation. So much. Pero talagang mapaglaro ang tadhana, or dapat bang sabihing si Aya. Dahil ang makakasama ko sa table ay si Vince, Chris, Francis, Mich at si Elias, pinsan ni Aya. Kumuha muna ako ng pagkain ko bago umupo sa nakareserve na upuan sa akin. At sa kamalas malasan ay katabi ko talaga si Vince. Kumakain na ito. Andoon na din ang ibang makakasama namin sa mesa.
"Hi Katniss!" ani Francis ng makita niyang paupo na ako sa upuan ko.
"Hi!" bati ko sa kaniya. Tumayo si Vince sa pagkakaupo niya. At pinaghila ako ng upuan. "Thank you." pasasalamat ko.
"Kayo ba?" biglang tanong ni Elias. Napatuwid ako ng upo sa tanong niya. Pasimple kong nilingon si Vince para tingnan ang reaksyon nito ngunit patuloy lang ito sa pagkain. Gutom na gutom brad? Hanep talaga tong taong 'to. nakaismid na wika ko sa utak ko. Sabay subo ng malaking portion ng pasta. Ramdam kong nagkalat ang sauce ng pasta sa bibig ko. Kukuha na sana ako ng tissue sa bag ko ng maunahan ako ni Vince. Gamit ang panyo nito ay pinunasan niya ang gilid ng bibig ko.
"Parang bata kumain. Tanda tanda mo na ganiyan ka pa din kumain ng pasta. Kung ganyan ka sa harap ng manliligaw mo sigurado matuturn off mga iyon sayo." anito.
"Excuse me Mr. Montecillo, wala akong paki sa mga manliligaw na iyan kung maturn off sila. Sak--"
"Di din ako papayag na maligawan ka ng iba." putol ni Vince sa sinasabi ko. Literal na nanlaki ang mata ko sa sinabi nito. Tapos na itong punasan ang labi ko. At binalik na nito ang panyo sa bulsa ng pantalon niya.
"Naks! Pumapunchline kana pre!" kantyaw ni Chris.
"Tsk." inismiran ni Vince si Chris. "Kumain ka na lang diyan. Iyong katabi mo nga di mo madiskartehan." anito.
"Hoy! Bibig mo pasmado." ani Chris. Kita kong pulang pula ang pisngi ni Mich.
So may namamagitan sa dalawang ito. Lumalovelife!
"Ikaw totoy, ano naman sa iyo kung kami ni Katniss o hindi?" anito kay Elias.
"Anong totoy? 19 na ko no!" ani Elias. Inayos nito ang amerikana nito. At sumandal sa upuan nito."Crush ko si Katniss. Tingin ko nga nalove at first sight pa ko e." titig na titig ito sa akin. Ramdam kong uminit ang mga pisngi ko.
Bagets lang sis? Highschool ang peg.
"Love at first sight. Tsk. Mawawala din iyan. Saka gumalang ka matanda iyan sayo!" ani Vince.
Ay g*go! Realtalk iyon a. mura ko kay Vince sa isip ko.
"Bakit ko siya tatawaging Ate? Kung gusto ko siyang maging girlfriend. Di ang awkward 'non."
"Mas awkward iyong sasapakin kita kahit pinsan ka ni Nathan at mas bata ka sakin." ani Vince. Binitawan nito ang kubyertos nito. At sumandal na din ito sa upuan nito. Habang nakahalukipkip ang mga braso.
"Anu ba iyang pinagsasabi mo Vince!" awat ko dito. Bumaling ako kay Elias. "Pasensya ka na. Mainit kasi panahon ngayon. Kaya tinotoyo si Kuya Vince mo." paghingi kong paumanhin sa kaniya.
"Mas kapani paniwala kung sasabihin mong nagseselos siya Katniss. Kasi mukhang puro pasa na ang mukha ko sa isip niya e. Bugbog ma bugbog na siguro ko." natatawang ani Elias.
"Siya tama na iyan. Mag uumpisa na iyong program oh." awat ni Mich.
"Oo nga pala Vince. Tutugtog pa tayo para sa bagong kasal. Halika na." yaya ni Francis.
Nagulat ako ng biglang hawakan ni Vince ang kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. "Mag uusap tayo mamaya pagtapos ng party. Wag mo kong tatakasan." anito. Tumango ako dahil hindi ko alam ang isasagot sa kaniya. Kanina ko pa kasi hindi maintindihan ang mga kinikilos at sinasabi niya. Naguguluhan na din ako. Binitawan nito ang kamay ko at bumaling kay Elias. "Ayus ayusin mo desisyon mo sa buhay."
Ano daw? tanong ko sa isip ko. Baliw na ata to e! May sapak talaga.
Pagkatapos ng kasiyahan ay unti unti na ding nagsisibalik ang mga bisita sa kaniya kaniya nilang mga villa. Nauna na ako kila Mich at Nagpaalam na din ako kay Aya na mauuna na sa villa ko. Sobrang kating kati na kasi ang mukha ko sa make up. At init na init na din ako sa gown na suot ko. At higit sa lahat ay iniiwasan ko din si Vince. Buti na lang ay hindi kami nagkita habang paalis ako ng party Pagkadating ko sa villa ko ay naligo agad ako. Pagkatapos makapagbihis at makapagpatuyo ng buhok ay humiga na ako sa kama. Nanood ako ng movie sa netflix at nakatulugan ko na iyon.
________
Ala singko ng umaga ng magising ako kinabukasan. Gumayak ako agad at nag empake ng mga gamit ko. Nag desisyon akong umalis ng maaga dahil araw ng lunes ngayon. Madami akong dapat asikasuhin sa opisina. Kanina ay nagtext na ako kay Aya na aalis na ako dahil sa nakatambak ko pa na trabaho. Nagreply naman ito at nauunawaan naman daw niya ako. At mag ingat sa biyahe. Hila hila ko ang maliit kong maleta ng may mapansin akong nakaupo sa hood ng kotse ko. At ng lubos na makalapit at maaninag ko kung sino. Bigla ko ng mabitawan ang maleta ko ng makita kong si Vince iyon.
Suprise? At this time talaga? Pangit ka bonding e.
"Anong ginagawa mo diyan?" tanong ko pagkalapit ko sa kaniya. Tiningnan ako nito nang parang bagot na bagot.
"Di ba sabi ko mag uusap tayo pagtapos ng party? Bakit nawala ka agad? Tapos ngayon lalayas ka ng pagkaaga aga. Ala singko talaga? Para ano? Para iwasan ulit ako?" sunod sunod na tanong nito.
"Huwag kang feeling, Mr. Montecillo! Umalis ako ng maaga pagkatapos ng party dahil gusto ko ng matulog. At aalis akong maaga ngayon dahil kailangan kong pumunta sa opisina dahil madami akong nakatambak na gagawin doon. Hindi lahat tungkol sayo okay?" sagot ko. Tinaasan ko pa ito ng kilay para intense.
"Fine. Pero ngayon mag uusap tayo." aniya.
"Hindi mo ba ako narinig? Sabi ko kailangan kong pumunta sa opisina dahil madami akong nakatambak na trabaho doon."
"Fine! Fine! Sasama ako sa opisina mo. Hihintayin kitang matapos sa mga tambak na gagawin mo. After non mag uusap tayo. Okay na?" naiinis na wika nito.
"Anong? Hindi pwede. Hoy Mr. Montecillo! Baka nakakalimutan mong may kompanya ka ding pinapatakbo. Pwede ba hindi ko kailangan ng bodyguard sa opisina ko. Tatawagan kita kung kailan ako free."
"Isa pang tawag mo sa akin ng Mr. Montecillo hahalikan talaga kita." aniya. Seryosong seryoso ang mukha nito. Inirapan ko ito. At bumuntong hininga.
I hate confrontations talaga. Nakakadrain e. Tigas pa ng mukha nito.
"Okay ganito na lang. Mag usap tayo mamaya after office hours. 6pm tonight? Okay na ba iyon sayo?" tanong ko sa kaniya.
Iniabot sakin nito ang cellphone niya. Taka ko siyang tiningnan. "Anong gagawin ko diyan? May cellphone ako no. Hindi ko kailangan iyan."
"Ganda lang pero may pagkatanga." pabulong na aniya. Pinipigilan pa niya ang tawang gustong kumawala sa bibig niya.
Hinampas ko ang braso niya. "Hoy narinig ko iyon!" naiinis na saad ko.
"Mapanakit ka na ngayon a. Ilagay mo number mo para matatawagan kita mamaya." aniya. Hinablot ko ang cellphone sa kamay niya at sinave ang number ko. Binalik ko sa kanya ang cellphone nito. Tinalikuran ko siya at pumunta sa driver seat ng sasakyan ko. Ngunit nanatili itong nakaupo sa hood ng kotse ko.
"Hoy! Galaw galaw. Ano pang ginagawa mo diyan? Aalis na ko." pagtataboy ko sa kaniya.
Tumayo ito sa pagkakaupo. Kapagkuwan ay naglalakad papunta sa kinatatayuan ko. Nang nasa tapat ko na siya ay bigla niya akong niyakap. Sa una ay maluwag lang. Ngunit habang tumatagal ay humihigpit. "I miss you Katniss. Sorry, kung hindi ko kasi ito gagawin ngayon hindi ako makakapagtrabaho ng maayos mamaya. And worst baka puntahan lang kita sa opisina mo at guluhin kita doon. I'm sorry." aniya. Gusto kong yumakap pabalik. Pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong pagtaksilan ang sarili ko this time. Nangako ako na uunahin ko na ang sarili ko. At hindi na bibigay basta basta sa emosyon ko.
"A-ano bang ginagawa mo?" nauutal na tanong ko.
"Doing what I wanted to do the first time i saw you." aniya. Hindi pa rin niya ako binibitawan. He even smells my hair. At ipinatong ang baba niya sa ulo ko. "Feels home." he said.
Ayokong pansinin kung anumang damdamin ang bumabangon sa puso ko. Kaya kahit alam kong mahirap ay unti unti kong kinalas ang pagkakayakap niya sa akin.
"I'm sorry but I have to go. Baka matraffic pa kasi ako." wika ko sa kaniya pagkatapos kong makaalis sa pagkakayakap niya.
"Okay. Mag iingat ka." pagkawika niya noon ay lumulan na ako sa sasakyan. Bumisina ako at kumaway sa kaniya. Mabilis kong pinaandar ang sasakyan. As if na hahabulin niya ako. Kailangan kong mabilis na makaalis sa lugar na iyon dahil hindi na normal ang t***k ng puso ko. Ganoon din ang paghinga ko.
Inhale, Exhale! Ano bang nangyayari saiyo Katniss? Isang yakap lang? Isang yakap lang nakalimutan mo na lahat iyong katangahang pinaggagawa mo noon. Baliw ka na ba talaga! galit na litanya ko sa isip ko. Hinampas ko ang manibela sa sobrang inis ko.
Ano bang ginagawa mo Vince? Ano bang laro to?
________
Pagdating sa opisina ay inasikaso ko lahat ng mga trabahong naiwan ko. Hinayaan kong maging busy ang sarili ko para hindi ko maisip si Vince. Ni hindi ko na inabala ang sarili ko para kumain. Mabilis na tumakbo ang oras. Hindi ko napansin na Ala singko na pala. Kung hindi pa nagpaalam si Marie ay hindi ko pa mapapansin ang oras.
"Ma'am hindi pa po ba kayo uuwi?" tanong nito.
"Aalis na din ako. May pupuntahan din ako tonight. " sagot ko.
"Mukhang may date ka ma'am ah. Ang swerte naman niyan kung sinoman siya." nanunuksong wika nito.
Buti kung date nga. Kaso di naman date na matatawag iyon.
"Sige na umalis ka na. Pag nagbago isip ko mag OOT tayo."
"Ito na nga ma'am e. Isasara ko na po iyong pinto. Bye ma'am. Ingat po."
Inayos ko na ang mga gamit ko at pinatay ang laptop ko. Nang biglang may tumawag. Sinagot ko ang tawag ng hindi tinitigan kung sino ito.
"Hello." bati ko sa kabilang linya.
"Susunduin ba kita diyan?" si Vince.
"May kotse ako. remember? Saan ba tayo magkikita?" tanong ko.
"Saan mo ba gusto?" balik tanong niya.
"Magtatanungan na lang ba tayo dito?"
"Sungit. Sa condo ko na lang." aniya.
"H-hoy Mr. Montecillo! D-disente akong babae. Kung anoman iyang binabalak mo. Tigilan mo na." nauutal na naiinis na wika ko.
"Pasalamat ka at hindi tayo magkasama. Isa pang Mr. Montecillo, Katniss. At kung anoman iyang kalaswaan sa utak mo. Alisin mo na iyan. Madaming babaeng nagkakandarapa sa akin para lang ibigay ang sarili nila sa akin." mayabang na wika niya.
"At proud ka pa talaga. Ewww nakakadiri ka!"
"Nawala ka lang ng dalawang taon umarte ka na. Ano? Saan tayo magkikita?"
"Sa seaside na lang tayo. Sa Moa." sagot ko.
"Sunduin na lang kita diyan. Baka mahirapan pa tayo mag park kung dalawang kotse gagamitin natin." aniya.
"Sige." sagot ko.
"Okay. Wait for me. Bumaba ka na ng office mo. Antayin mo na lang ako sa harapan mg building niyo. "
" Sige. Ingat." paalam ko. Kinuha ko na ang gamit ko at bumaba na. Wala pang kalahating oras ay nasa tapat na ng building ang sasakyan niya. Magkakasunod na bumisina ito.
This is it Katniss. This is it.