Chapter Eleven

2253 Words
Habang binabagtas namin ang daan papunta sa Casa Biztro Catering ay wala kaming imikan ni Vince. Ginawa kong abala ang sarili ko sa kakalikot ng ipad ko. Tiningnan ko ang mga dapat kong gawin para bukas. Ipinasa na kasi ni Marie ang itinerary ko para bukas. Samantalang si Vince ay tutok naman sa pagmamaneho. Actually ay nagugutom na ako. Hindi ako nagbreakfast sa bahay bago pumunta sa opisina. At hindi na naman ako nakakain sa opisina dahil kinaladkad ako ni Aya. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na mag drive thru muna kami. Kaso naisip ko ay food tasting ang pupuntahan namin. Kaya titiisin ko na lang muna. Napabuntong hininga ako ng malalim. "Something wrong?" tanong ni Vince. Nasa harap pa rin ng kalsada ang mga mata niya. Talent? Nakita pa niya iyon. "Wala naman. Nagugutom kasi ako." sagot ko. Tinago ko na ang ipad ko sa bag ko. At inayos ang pagkakaupo ko. Sobrang init ng panahon ngayon. Ang init pa naman ng blazer ko at ramdam kong pawis na pawis na ang mga hita ko dahil sa skinny high rise jeans na suot ko. #Tiisganda "Gusto mo mag drive thru tayo?" aniya. "Hindi na. Food tasting naman ang pupuntahan natin. Doon na lang, libre pa." wika ko na ikinangiti niya. Hindi na talaga ako nakatiis sa init na nararamdaman ko. Hinubad ko ang blazer ko. Meron naman akong damit panloob. I'am wearing a crisscross tied backless cami crop top. Pagkatapos ay naghanap ako ng pwede kong ipantali sa buhok ko. Ngunit sa kamalasmalasan ay wala akong makita. "Merong ponytail diyan sa compartment. Hiramin mo na lang." ani Vince. "Baka magalit girlfriend mo pag hiniram ko." Sus iyong mga ganyan kunyare ka pa, inaalam mo lang kung nagkatuluyan sila ni Bea e. sabi ng kabilang parte ng utak ko sa akin. Siya na mismo ang kumuha ng ponytai sa compartment at ibinigay sa akin. "Kay Serene niyan. Anak ni Ate Shammy. Tito's girl kasi iyon kaya madami siyang naiiwan na gamit dito sa kotse ko." aniya. Tumango tango lang ako. Pagkalipas ng ilang minuto ay nasa harap na kami ng Casa Biztro Catering. Pinark lang ni Vince ang sasakyan ng maayos at lumabas na kami. "Aren't you gonna wear that?" turo nito sa blazer ko. "Nope. Ang init e." sagot ko. Nauna na akong maglakad sa kaniya. Ngunit mabilis siyang nakasunod. Binuksan niya ang etrance door ng restaurant. At pinauna akong makapasok. May lumapit na server agad sa akin ng makita ako. "Hi ma'am. Hi sir." bati nito sa amin. "Table for two po?" anito. "I'm sorry pero andito kami para sa food tasting for the wedding of Nathan Samaniego and Aya Villaverde." pagtatama ko sa kaniya. "Okay ma'am. Ms. Brielle our general manager is waiting for you at the gazebo. This way ma'am and sir." sinundan namin siya. At paglabas sa likod ng gusaling iyon ay andon ang gazebo. May mahabang lamesa na puno ng pagkain. Napakaganda ng paligid dahil nilagyan ito ng mga disenyo na parang katulad sa reception ng totoong kasalan. "I'm Brielle, the general manager of Casa Biztro Catering. And together with me is Chef Ryan our executive chef. And Chef Maine our pastry chef." pakilala nito. Nakipagkamay ako sa mga ito. At ganoon din si Vince. "So, can I call you Mr. and Mrs. Samaniego now? Tutal malapit na naman ang kasal." Nagkatinginan kami ni Vince. At isa lang ang sigurado ako. Namumula ang mukha ko. So akala nila ay kami so Nathan at Aya. "Sorry, pero hindi kami iyong ikakasal. Busy kasi sila today. So kami ang pinapunta nila dito. I'm Katniss. And this is Vince." "I'm very sorry ma'am. I thought kayo po sila. Bagay po kasi kayo." nag init lalo ang pisngi ko. Siguradong parang kamatis na ang mukha ko. Dagdag pa ang sikat ng araw na mas lalong magpapapula dito. Kapag naarawan kasi ako ay nagiging mamula mula ang balat ko. "Gusto mo sabihin ko sa loob na lang tayo? Pulang pula na likod mo." ani Vince. Umiling ako. Kapakuwan ay iniabot niya sa akin ang panyo niya. "Punasan mo iyong mukha mo. Pawis na pawis ka na." "Hindi na. Tissue na la--" Hindi ko na tapos ang sasabihin ko dahil siya na mismo ang nagpunas ng mukha ko. Pagkatapos ay pumwesto siya likod ko at iniangat ang buhok ko para punasan ang batok ko. Pakatapos ay likod ko. Para akong nakukuryente kapag dumadampi sa balat ko ang kamay niya. "I'm sorry Ms. Brielle, pero can we do this indoor. I really appreciate your efforts pero maalinsangan kasi dito sa labas kahit mahangin." anito. "No problem sir." Prince please assist them inside, sa loob na lang natin gagawin ang food tasting." "This way ma'am, sir." ani Prince. "Thank you." pasasalamat ni Vince. Iniumang niya sa akin ang mga palad niya. "Alalayan na kita. Baka bigla ka mahilo diyan. Matumba ka bigla." aniya. Inabot ko ang kamay niya. Kaya magkahawak kamay kaming pumasok sa loob ng restaurant. Alam ko iniisip niyo. Walang malisya iyan. Itong mga marites na 'to. Mabilis na natapos ang food tasting dahil naka prepared na ang menu list nila Nathan and Aya. Ang kailangan na lang talaga namin gawin ay tikman ang mga ito para kung di namin magustuhan ay mapapalitan agad. At dahil nasa restaurant na din naman kami. Nagdesisyon si Vince mag early dinner. Sumang ayon na din ako sa kaniya dahil hindi sumapat sa gutom ko ang mga tinikman naming pagkain. Mabilis lang kaming kumain dahil hindi ako pwede gabihin ng husto dahil sa Tagaytay pa ako uuwi. Nasa loob na kami ng sasakyan ni Vince ng magsalita ito. "Ihatid na kita sainyo." aniya. "Sa office ko na lang. Andoon naman ang kotse ko." wika ko. "I insist. Gusto rin sana kita makausap." aniya. Ngunit nag iwas siya ng tingin at sa manibela niya ito binaling. "Tungkol saan?" tanong ko. Pero alam ko naman ang sagot. "Us." maikling sagot niya. "Kaso iyong kotse ko kasi maiiwan sa opisina ko. Wala akong gagamitin sasakyan bukas pag balik ko sa Makati." "I see. Sige ihatid nalang kita sa office mo." aniya. Inistart niya na ang sasakyan at nagmaneho. Dahil walang traffic ay wala pang isang oras ay narating na namin ang opisina ko. Bumaba siya ng driver seat at pinagbuksan ako ng pinto. . "Thank you." "Welcome. So paano alis na ako. Thank you for today. It was nice seeing you again." aniya. "Yeah. Me too. Mauna na ako sa iyo." paalam ko sa kaniya. Pumunta na ito ng driver seat. "Wear your blazer. Baka pulmunyahin ka niyan." bilin niya. Mabilis na lumulan na ito sa kaniyang sasakyan. _______ Katniss POV The Farm at San Benito. Dito nakacheck in lahat ng guess nila Aya at Nathan. Pagdating ko dito kanina ay humanga talaga ako sa lugar. Dahil parang probinsyang probinsya ang vibes dito. Marami pa silang amenities na talagang makakapagparelax ng katawan at isip mo. Ngayong araw ang kasal ni Aya at Nathan. Sa ngayon ay abalang abala ang lahat dahil kailangan ng pumunta ng simbahan. "Katniss! Sumabay ka na samin papuntang simbahan." ani Mich. "Dala ko iyong kotse ko. Susundan ko na lang kayo." sagot ko. "Magdadrive ka pa. E pwede namang hindi na. Tara na! Sayang iyang pagown mo." pangungulit nito. "Oo na! Oo na! Ang kulit." Naglakad na ako papunta sa kung saan nakaparada ang sasakyan ni Chris na maghahatid sa amin sa simbahan. Pagdating namin ay andoon pa ang ibang mga guest na papaalis pa lang sa The Farm para pumuntang simbahan. "Chris, sasabay na din si Katniss sa atin." ani Mich pagkalapit kay Chris. "E sasabay na sakin iyong tatlong pinsan ni Nathan. Tapos ikaw sa passenger seat. Hindi na kayo kakasya." ani Chris. "Okay lang, Chris. Dadalhin ko na lang kotse ko." wika ko. Papunta na ako sa pinagkakaparadahan ng kotse ko ng biglang may humawak sa braso ko. Lumingon ako para tingnan kong sino. And it was Vince. The ever stunning Vince Montecillo. Gwapo talaga e! Ano ba itong naiisip ko. Erase! Erase! "Sa akin ka na sumabay." aniya. "Hindi na. May sasakyan naman ako." tanggi ko. At dahan dahang binawi ang braso ko na hawak niya. "Sayang pa sa gas. Mahal ang gas ngayon." "Mayaman naman ako. Gusto mo ipafull tank pa kita e." pabirong saad ko dahil nagririgudon na naman ang t***k ng puso ko. Sh*t! Same effect! Same person! Katniss naman saad ko sa isip ko. "I can manage. Mas mayaman ako sayo. Saka di ako nagpapalibre sa babae." aniya. Joke iyon sira! Gwapo nga. Hina naman pumick up! Slow amp* kantiyaw ko sa kanya sa isip ko. "Never been heard of joke, Mr. Montecillo? Tara na nga! Masyadong seryoso. Ikakamatay mo ng maaga iyan." saad ko. Pumunta na ako sa passenger seat ng sasakyan niya. Di na ako nag abalang hintayin pa siyang pagbuksan ako ng pinto. Dahil ramdam ko na naman ang abnormal na t***k ng puso ko. Dahil hindi pa din sumasakay si Vince ay ibinaba ko ang bintana ng pinto sa driver seat. "Hoy! Tayo ba ikakasal? Baka mauna pa sila Nathan at Aya satin. Nakakahiya naman." untag ko sa kanya. Nilingon ako nito at mabilis na sumakay sa driver seat. "Hindi na tayo pwede ikasal. Hindi kana pwede." bulong niya na hindi ko masyado maintindihan. "Ano? Pinagsasabi mo?" asik ko sa kanya. "Wala. Mag seatbelt ka na." aniya. Inayos ko ang seatbelt ko mabilis niyang pinaandar ang sasakyan. Makalipas ang trenta minutos ay dumating na kami sa simbahan. St. Thomas Aquinas Parish Chrurch. Nang maayos na ni Vince ang pagpark sa sasakyan ay lumabas na ako. Napakaganda ng simbahan. Punong puno ng mga bulaklak ang loob at labas ng simbahan. Pero mas nakakamangha ang mga sunflower na nakalagay sa lalakaran ng bride. Para siyang manmade garden na nilagyan din ng mga ilaw. Hindj ko maiwasang hindi kumuha ng litrato. "Manghang mangha a. Di ba niya binigay iyong dream wedding mo?" ani Vince. Hindi ko napansin na nakasunod pala siya sa akin. Nakatayo siya sa likod ko. Habang nakapamulsa. "Pinagsasabi mo?" tanong ko. Nakataas pa ang kilay ko. Dahil di ko alam ang pinagsasabi ng mokong na ito. "Your husband. Di ba niya binigay iyong dream wedding mo?" aniya. Mas lalong tumaas ang kilay ko. At kumunot na din ang noo ko. Dream wedding? Husband? Tumawa ako ng malakas. Hawak ko pa ang tiyan ko. So he thinks I'm married! Gunggong! Hirap na hirap nga ko mag move on sayo. Papakasal pa ko. Tungeks ka din e! sumbat ko sa isip isip ko lang. Syempre di ko kaya iyon isatinig. Saka na. "Sino naman nagpasok sa kukute mo na kasal na ko? May nakikita ka bang wedding ring?" itinaas ko pa ang kamay ko para makita niyang maigi. "Wala di ba?" "Sabi kasi ni Nathan. May kasa--" "Papaniwalain ka kasi." putol ko sa sinasabi niya. Tinalikuran ko na siya at nagmartsa papasok ng simbahan. Hindi naman ako kasama sa entourage kaya hindi ko kailangan maghintay sa pinto ng simbahan. Tinatawag ako ni Vince pero hindi ko na siya nilingon. Kasama ito sa entourage kaya hindi na nito magagawang sumunod sa akin. Umupo ako sa upuang nakareserve para sa akin. Hindi ganoon karami ang guests nila Nathan at Aya. Hanggat maaari ay gusto ng dalawa ay malalapit lang sa kanila ang iimbitahan nila. Ilang saglit ay nagsimula ng tumugtog ang piano. Nakapwesto na ang pari sa altar. Nagsimula ng maglakad si Nathan. Sumunod ang mga magulang nito. Si Chris na tumayong bestman ni Nathan. At sumunod na din ang ibang abay at kasali sa entourage. Biglang nag iba ang musika ng si Aya na maglalakad sa papunta sa altar. Beautiful in White. Tandang tanda ko noong nasa kolehiyo pa kami ay iyon na ang gusto niyang tugtog sa araw ng kasal niya. Her dream wedding. Tinupad iyon ni Nathan. Habang naglalakad si Aya ay umiiyak ito. Napakaganda niya sa wedding gown niya. Siguro ganoon talaga. Lalong gumaganda ang babae sa araw ng kasal niya. Ako kaya? tanong ko sa isang parte ng utak ko. Kung ano iniisip mo Katniss. Kilabutan ka nga! saad naman ng kabilang parte ng isip ko. Umiiyak na sinalubong ni Nathan si Aya. Magkaharap na sila sa altar. Nagsimula na ang seremonyas ng kasal nila. Naging maayos ang lahat. At ngayon ay nag eexchange of wedding vows na silang dalawa. "Nathan, una pa lang naman alam mo ng crush na crush kita. Iyong tipong all out papansin ako saiyo. Kulang na nga lang mag circus ako sa harapan mo." ani Aya. Nagtawanan ang mga tao sa loob ng simabahan even si Father. "Nalulungkot ako na hindi mo ako napapansin noon at todo bara mo pa sa akin. Pero look at us now? Ikinakasal kana sa akin. Tumatalab pala talaga iyong gayuma no?" dugtong nito na ikinatuwa ulit ng mga bisita. "I don't know if i should say this, pero nagpapasalamat ako kay Katniss dahil noong nag alsa balutan siya nagkaroon ako ng tsansa saiyo. Oh wait! walang gusto si Nathan sa bestfriend ko. Baka may mga marites dito e. I mean, siya iyong naging tulay kung bakit kami nagkalapit ni Nathan." aniya. Tumingin siya sa direksyon kung saan ako nakaupo. Nginitian niya ako ng matamis. Ngumiti din ako sa kaniya. Masaya ako na may magandang naidulot iyong pag alis ko. Hindi man para sa akin. Ngunit para sa taong mahalaga para sa akin. "You may kiss the bride." ani Father. Nagpalakpakan ang lahat ng halikan ni Nathan si Aya. Kitang kita ang kasiyahan sa mukha ng dalawa. I'm happy for you, Aya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD