Chapter Ten

2216 Words
"Ma'am Katniss may naghahanap po sainyo." tawag ni Marie sa akin. She's my secretary. Andito ako ngayon sa opisina namin sa Makati dahil madami akong kailangang pirmahan na papeles. Kailangan ko rin asikasuhin ang mga samplers namin na para sa bagong product na irerelease namin. "Sino daw?" tanong ko. Itinabi ko muna ang mga papeles na pinipirmahan ko. "Aya Villaverde daw po. Nasa receiving are po siya ma'am." aniya. "Okay papasukin mo na lang siya dito, Marie. And please bring us something to drink or eat." utos ko sa kaniya. "Sige po ma'am." sagot nito. At lumabas na ng opisina ko. Kinuha ko ang pocket mirror ko. At tiningnan ang mukha ko sa salamin. Naglagay ako ng konting powder. At nag apply ng liptint. Hindi na kasi ako nag abalang mag ayos bago pumunta dito sa opisina. Hindi din naman kasi ako sanay maglagay ng kolorete sa mukha kahit noon pa man. Ganoon siguro talaga kapag maganda. GGSS! "Katniss!!" tili ni Aya. Nagmamadali itong lumapit sa kinauupuan ko. Tumayo naman ako para salubungin ito. Niyakap niya ako ng mahigpit. "Aya, hindi ako makahinga." reklamo ko. Bumitaw ito sa pagkakayakap. Kapagkuwan ay sinimangutan ako. "Anong mukha naman iyan?" "Parang hindi mo naman ako namiss. Samantalang ako miss na miss kita." nagtatampong wika niya. "Miss naman kita. Pero kung makayakap kasi kakapusin ako ng hininga. OA naman nito!" "Hmmp!" Tinalikuran ako nito at umupo sa couch. I have a couch in my office. Like what you see on korean dramas. Dahil sa hilig ko talaga sa mga korean series. Pati ang interior ng opisina ko ay hinalintulad ko sa mga desenyo sa mga napapanood ko sa korean series. Neutral colors ang ginamit ko sa opisina ko. And mostly coral and nude. Nilagyan ko din ng mga dried flowers para mas pleasant tingnan at nakakarelax. "Bakit ka nga pala nandito? May usapan ba tayo?" tanong ko sa kaniya. Umupo ako sa tabi niya. Inismiran ako ulit nito. With matching flip hair pa. "Samahan mo ko. May fitting ako ng gown ko ngayon e. Busy si Mich." aniya. "Hanggang ngayon paladesisyon ka pa din e 'no." naiiling na sagot ko sa kaniya. "Hoy babae madami kang utang sa akin. Tandaan mo two years ka nawala. Wala ka pa noong engagement ko. Kaya bumawi ka dapat." sumbat niya sa akin. Pinandilatan pa ako ng mata. "May mga tatapusin kasi akong mga papeles na need for approval ko and for signatures din. Si Nathan ba?" "May meeting siya. Sige na please. May food tasting din akong kailangan puntahan. Hindi ka ba naaawa sa akin. Baka ma stress ako. Papangit ako. Gusto mo ba iyon pangit ako sa mismong kasal ko." wika nito. Nag bubeautiful eyes pa ito. Pinagdaop niya ang mga palad niya at ngumit sa akin ng pagkatamis tamis. O mas tamang sabihing nakakaloko. Napailing na lang ako. At tumango. "Sige na, sige na. Give me ten minutes. Tatapusin ko lang pirmahan iyong mga iyon. Then aalis na tayo. Happy?" Niyakap niya ako. "Thank you, thank you. Alam ko naman hindi mo ko matitiis e. Ay natiis mo na pala ako. Two years pa nga." Inirapan ko siya. "Sorry. baka baiwien mo pa pagsama mo sakin e." aniya. Dumating si Marie na may dalang coffee and sliced of cheesecake. "Thank you, Marie. Pakicancel iyong mga appointments ko this afternoon. Pagbibigyan ko muna itong lokaret na 'to." "Ang ganda kong baliw no." ani Aya kay Marie. Sumubo ito ng cheesecake. "Ang sarap nito. Saan niyo nabili?" "Si Ma'am Katniss po ang nag bake niyan ma'am Aya." ani Marie. "Nagbabake ka? Don't tell me negosyo mo din ito." "Hobby lang." Bumalik ako sa lamesa ko. "Sige na Marie, pakiasikaso na iyong inuutos ko sayo." "Sige po ma'am." Nagpaalam ito kay Aya at lumabas na din ng opisina ko. Tinapos ko na ang dapat ko pang tapusin habang kumakain naman si Aya habang may kachat sa cellphone niya. After 20 minutes ay natapos na ako sa mga pinipirmahan ko. Niyaya ko na umalis si Aya. Pinuntahan ko lang si Marie saglit sa table niya at binilin ang mga dapat asikasuhin para bukas sa distribution of samplers. Pagkatapos ay bumaba na kami ni Aya sa parking lot. "Dito ka na sa kotse ko." yaya niya akin. Umikot pa ito sa passenger seat at binuksan ang pinto. "Paano ako uuwi mamaya kung hindi ko dadalhin iyong kotse ko." tanong ko. "Di ihahatid kita." "Hello! Sa tagaytay pa ako umuuwi." "Dito lang kita ihahatid sa opisina mo. Ano ka chicks? Ihahatid pa kitang tagaytay." Baliw talaga! Lumapit na ako sa kotse niya at sumakay sa passenger seat. Pumunta na rin ito sa driver seat. Pagkasakay nito ay pinaandar niya agad ang sasakyan. ____ Aya POV Excited na akong masukat at makita ang wedding gown ko. Pero mas excited ako sa plano namin ni Nathan. Balak naming pagkitain si Vince at si Katniss ngayong araw sa wedding boutique. Ang balak namin ay magpapasama ako kay Katniss. Pagkatapos ay tatawagan niya si Vince para kunyari ay samahan ako sa boutique dahil may biglaan siyang urgent meeting. Inalam na namin ang schedule ni Vince mula sa sekretarya nito at ayon dito ay wala naman itong prior commitments ngayong araw. So ang mangyayari ay magkikita ang dalawa. And hopefully ay magkausap sila. For old times sake. At para na din mawala ang uneasiness nila sa araw ng kasal namin ni Nathan. Nang makarating kami ni Katniss sa Bloom Wedding Boutique ay mabilis akong nag park. Nagtext na kasi sa akin si Nathan na on the way na daw si Vince. Nang maipark ko ng maayos ang sasakyan ay bumaba na kami ni Katniss. Pagkapasok namin sa gusali ay sinalubong agad kami ng isang staff nila. "I have a schedule today. Gown fitting." sabi ko ng makalapit ang babae sa amin. "May i know your name ma'am?" tanong nito. "Aya Villaverde." sagot ko. "This way ma'am. Kanina pa po kayo hinahantay ni Ms. Celine." aniya. Tinuro niya ang daan papunta sa fitting room. Pagpasok namin sa fitting room ay suot na ng mannequin na nasa platform ang wedding gown ko. Nakita kong nakaupo si Celine sa couch habang may kausap sa telepono. Nakita niya kami kaya binaba na nito ang tawag. "Hi!" bati nito. "Are you ready?" tanong niya. Lumapit ako sa mannequin. "Gown ko na ba ito?" balik tanong ko. It's a Willowby "Lainie" Inspired Dress. An ethereal vision in layers upon layers of floaty tulle. An illusion bodice allows for just a peek without showing off too much. Loosely scattered floral motifs round out the lush silhouette and airy display. "Yes dear. I hope you like it." "I love it. Ang ganda." saad ko. "Kat, what do you think?" She smile. "Very pretty. For sure maiinlove lalo si Nathan saiyo. At ikaw ang pinaka magandang bride sa araw ng kasal mo." aniya. "Let's go, Aya. Sukatin mo na para makita natin iyong fitting at kung may dapat pang iadjust." ani Celine. "Katniss right?" baling nito kay Kat. "If you want pwede ka din magsukat ng gowns." bumaling ito sa staff na nag assist sa amin. "Jen, paki assist si Ms. Katniss." utos niya dito. " Nako huwag na. I'm fine." tanggi ni Katniss. Nilapitan ko ito at Hinila papunta sa hilera ng mga wedding gown displays. "Sige na Kat. Para di ka din mainip kakaintay." "Oo na. Basta pag nakasira ako ikaw magbabayad a." biro nito. "Oo na. Naturingan na CEO, kuripot naman. Hmmp!" "Bunganga mo. Kahit kailan talaga. Magsukat kana don." Binelatan ko siya. "Ikakasal na lang isip bata pa din." "Magsukat ka diyan. Tapos patingin ako." Tumango lang ito. Tinalikuran ko na siya at sumama kay Celine para sukatin ang wedding gown ko. _______ Vince POV "Andito na ko pre. Kung makapagmadali ka sa akin parang ako iyong groom." saad ko. Bloom Wedding Boutique. Pinakiusapan ako ni Nathan na samahan si Aya para sa fitting ng wedding gown niya dahil may importanteng biglaang meeting daw ito. Kahit ayaw ko ay wala akong nagawa. Gamitin ka ba naman ng blackmailing techniques nito. Hindi ka talaga makakahindi. Pinark ko lang ng maayos ang sasakyan ko. Nahuli ako ng dating dahil inutusan pa ako ni Nathan bumili ng bulaklak para kay Aya. Panuhol daw dahil wala siya. Sinulit talaga akong alalay. Kinuha ko ang bouquet of tulips sa backseat. At lumabas na ng kotse. Pagkapasok ko ng gusali ay sinalubong agad ako ng isang staff nila doon. "Hello sir. May appointment po kayo?" aniya. "I'm with Aya Villaverde." "She's inside sir. This way po." aniya. Tinuro niya ang daan sa fitting room. Pagkapasok namin sa loob ay nakita ko kaagad si Aya. She's standing in the flat form wearing her wedding gown. Lumapit ako sa kaniya at iniabot ang bulaklak dito. "Your beautiful." saad ko. "Thank you. Kadarating mo lang?" tanong niya. "Oo. Natraffic a--" "Ma'am Aya, look at her po." May staff na lumabas sa isang extension room sa loob ng fitting room. At kasunod niya ay isang babaeng nakasuot din ng wedding gown. A classic 'Fairy Tale' princess wedding ball gown. My heart skipped a bit. I recognized her even i can't see her entirely. And she's dammed gorgeous. "Ang pretty mo!" tili ni Aya. Nagulat ako ng bahagya ngunit hindi ko pa rin maalis ang tingin ko kay Katniss. Nang bumaling ito sa amin ay umiwas ako ng tingin. Tumalikod ako at kunyaring tumipa sa cellphone ko. Damnit! "Vince, is she beautiful too?" untag ni Aya sa akin. Humarap ako at ibinulsa ulit ang cellphone ko. "Ah yeah. She is." "Hi! Long time no see." ani Katniss. She's walking towards us. Showing her best smile. Nang nasa harapan na namin siya ay mas lalo akong humanga sa kagandahan niya. The ever beautiful Katniss Louise Montecillo. My bestfriend. My Ex-girlfriend. No, my Rebound girl. I guess. F*ck boy indeed! "Hi! I'm fine. Ikaw?" balik tanong ko. Mukhang nakamove on na nga siya. She's back like what she was before i f*cked up. "I'm good. Bakit ka nga pala nandito? Magsusukat ka din?" tanong niya. "Tinawagan ako ni Vince. Samahan ko daw si Aya. I thought wala siyang kasama so pumunta ko dito. But i guess, she doesn't need me na." sagot ko. "Am.. actually kailangan pa kita, Vince. Both of you pala. Hindi kasi ako makakapunta ng food tasting namin. Tumawag si Carol, my secretary. Urgent meeting." ani Aya. "Mahilig kayo sa urgent meeting 'no? Bagay talaga kayo ni Nathan." ani Katniss na ikinatawa ni Aya. Is there an inside joke about what she said. Hindi ko naintindihan kasi. "Sige na please. Di kasi pwede ireschedule iyon. Andito naman kayong dalawa. Might as well kayo na lang pumunta for us." anito. "Baka hindi niyo magustuhan iyong mapipili naming foods para sa guess niyo. Tapos kami pagbayarin mo." ani Katniss. "Don't worry, bilyonaryo naman si Vince. Kayang kaya niya iyan." biro ni Aya. Inirapan lang siya ni Katniss at Naglakad pabalik sa extension room. "Saan ka pupunta?" "Magpapalit. Alangan namang nakawedding gown ako sa food tasting di ba? Mindset girl! Kaka urgent meeting mo iyan." aniya. Nagtawanan lahat kaming nasa loob ng kwartong iyon. She's still amazingly cute. Kung sinoman ang lalaking pinakasalan mo, napakaswerte niya. _______ Katniss POV "Shall we?" Nagulat ako sa tanong na iyon ni Vince. Ngunit hindi ko pinahalata sa kaniya. Nasa labas na kami ng Bloom Wedding Boutique. "Alam mo ba kung saan iyon? Let's wait for Aya first." sagot. Naiwan pa kasi ito sa loob dahil may diniscuss pa si Celine sa kaniya regarding with entourage gowns and suites. Tumango lang ito at sumandal sa kotse niya. Pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas na si Aya. "Sorry natagalan. I'll text you the address na lang Vince. Then kayo na ang bahala." bumaling ito sa akin. "Sis, i trust your taste. Don't worry di kita pagbabayarin " aniya. Inirapan ko lang siya. Nag beso ito sa akin at pumunta sa driver seat ng kotse niya. Kapagkuwan ay bumaling ito kay Vince. "Am, Vince. Pakisabay na lang si Aya. Wala nga pala siyang dalang sasakyan." aniya. Sh*t! Oo nga pala. You really pay for this Aya. I know what your doing. "And pakihatid na din siya pagkatapos sa opisina niya. Baka mapagod ka pa kasi kung sa Tagaytay mo pa siya ihahatid. She's living there na." anito. "Okay. Ako ng bahala kay Katniss. Go baka malate ka pa sa meeting mo." ani Vince. "Thank you. Byiieee!" paalam nito. Nag flying kiss muna ito sa akin bago sumakay ng sasakyan niya. Humanda ka talaga sa akin after ng kasal mo. Hmp! "Tara na. Baka malate din tayo." anyaya ni Vince sa akin. Umikot ito sa passenger seat para pagbuksan ako ng pinto. No choice. Alangan naman sa back seat ka umupo girl, ginawa mo namang driver. Gwapong driver. Stop it Katniss. Kung ano ano na namang naiisip mo. Sawa'y ko sa utak ko. Sumakay na ako sa passenger seat. Pagkasara ng pinto ay sumakay na din ito sa driver seat. Hindi ko alam pero kinakabahan talaga ako. Hindi ako mapakali. I guess hindi pa ko ready talaga para dito. Confrontation is not my thing. Pinakalma ko ang sarili ko. "Seatbelt please." untag ni Vince sa akin. Kinabit ko ang seatbelt ko. Nang maayos ko at komportable na ako sa pagkakaupo ko ay pinaandar na nito ang sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD