Chapter Nine

2215 Words
Two years later.. Nakatambay ako sa La' Tina Café ng hapong iyon. Kakauwi ko lang galing sa isang business trip sa Japan. Pagkagaling sa airport ay dumiretso agad ako dito. La' Tina Café is situated in a peaceful area of Tagaytay City. This is not a typical Tagaytay café with a view of the Taal Volcano. The peaceful and pleasant atmosphere of this Café is captivating. Bukod doon ay masarap ang pagkaing siniserve nila dito. From classic silog meals to lutong bahay like bulall and sinigang. Kaya ito na ang nagsilbing tambayan ko sa twing drain na drain ako sa trabaho. Sa loob ng dalawang taon ito ang naging hide out at go to place ko whenever i needed a break. My sanctuary indeed. It's been two years since the last time I saw him. Kumusta na kaya siya? Kumusta na kaya sila? Siguro kasal na sila ngayon. Pagkatapos ng gabing iyon sa bar ay nagdesisyon akong umalis ng Manila. Napadpad ako dito sa Tagaytay. Tumira ako kay Tita Beth, na kapatid ni Daddy. Lahat ng mga anak nito ay nagtratrabaho sa ibang bansa. Si Tita Beth at si Tito Bads na lang ang nakatira sa bahay nila. Kaya naman noong nagsabi si Mommy sa kanila ay agad na pumayag ang mga ito. Nagdesisyon din akong lumipat ng school. Ayaw ni Daddy noong una. Hindi ko alam kung anong dinahilan ni Mommy kay Daddy. Dahil kalaunan ay pumayag na din ito s gusto ko. All out ang support sa akin ni Mommy noong mga panahon na iyon. Dahil pagkatapos ng gabing iyon ay nakita ni Mommy kung gaano ako nasaktan ng husto. And she wanted me to move on. And be happy. Kaya kahit alam long labag sa kaniya ang desisyon ko ay sinuportahan pa rin niya ako. Ginawa ko ang lahat ng paraan para kalimutan si Vince. Siniguro kong palagi akong busy para wala akong oras para isipin siya. Habang nag aaral ay nagtrabaho ako. Hindi para sa pera, kundi para lang maging busy ako. Nagtrabaho ako bilang barista dito sa La' Tina Café. Sa bahay, school, café lang iikot ang buong araw ko. I also did a social media break. Dineactivate lahat ng social media accounts ko. At binura lahat ng social media app ko sa cellphone ko. Nilayo ko ang saril ko sa kahit anomang makakapagpaalala sakin kay Vince. Even Aya and Mich. And I'm thankful for both of them dahil naiintindihan nila ako. For two years, I was able to move on. One year of struggling, and the other is accepting. Masasabi ko ngayon na okay na ako. Alone. But happy. Pero alam kong sooner kailangan kong harapin silang lahat ulit. And I'm ready. I guess. Biglang nag ring ang phone ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng bag ko. It was mom calling me. Sinagot ko ang tawag. "Yes, Mommy?" "Are you home baby?" tanong nito. "I arrived already. But I'm not yet at home. I'm here in La' Tina. Enjoying my hot chocolate." sagot ko. "I see. How's everything?" "Everything is settled, Mom. Our new product is great. And the packaging is cute. Very feminine like you always wanted. May mga dala akong samples para may ipamigay tayo sa mga regional distributors natin. Ready for releasing na siya. Pero gusto ko muna itry mismo ang product para makita ko mismo ang effectivity niya, Mom." sagot ko. Humigop ako ng hot chocolate. Heaven! "That's great. Baka next week pa kami umuwi ng Daddy mo. Balak pa naming pumunta ng Paris." aniya. He sounds so excited. "It's okay, Mom. Enjoy with Daddy. I know kung gaano niyo inasam ang magkasama ng matagal. And I'm happy for both of you." "Thank you, baby. So, paano kailangan ko ng ibaba itong tawag. Chineck lang talaga kita. You take care okay? I love you baby." paalam nito. "I love you too, Mom." Six months ago ay nag retired si Daddy sa pagiging Kapitan. He said that he want to spend the rest of his life enjoying travelling with Mom. Matagal nilang hinintay ang pagkakataon na ganito. Dahil sobrang responsible ng parents ko. Siniguro nila na magiging maayos muna kami ni Kuya Andrei bago nila ienjoy ang isa't isa. Kaya pagkagraduate ko ay ako na ang umako ng negosyo ni Mommy. I'am now the CEO of Louise Skincare & Cosmetics. And in one year of being a CEO masasabi kong mas napalago ko ang negosyo ni Mommy. Dahil hindi na lang sa buong pilipinas kilala ang produkto namin kundi sa ibang bansa din. We start importing products kung saan may mga pinoy. Kaya mas lumaki ang market namin. Nakapagpatayo na din ako ng sarili naming office sa Makati at dito sa Tagaytay. Hindi na lang through online ang transactions namin sa mga distributors namin. Nagpatayo din kami ng mga bagong warehouse dahil mas lumaki ang demand ng mga produkto namin. Sa ngayon masasabi kong may magandang naidulot din ang mga nangyari sa akin. Inuubos ko na lang ang hot chocolate at aalis na sana ng may tumawag sa pangalan ko. "Katniss? Ikaw ba iyan?" aniya. "The one and only. Kumusta Nathan?" bati ko sa kanya. "Okay naman. Mas lalo kang gumanda a. Kumusta ka?" tanong nito. Umupo ito sa katapat na upuan ko. "Okay naman. Anong ginagawa mo dito? Soul searching?" natawa ito sa tinuran ko. "Hindi ata sa akin bagay iyon. Wala daw akong kaluluwa sabi ng kaibigan mo e." Napatigil ako sa pag higop ng tsokolate ko. Si Vince ba ang tinutukoy niya. "Si Aya, si Aya ang may sabi. Girlfriend ko na siya ngayon. Actually fiancée na. Kakapropose ko lang sa kanya two months ago." aniya. Madami na ngang nagbago. Madami na akong hindi alam sa kanila. Mukhang nailayo ko talaga ng tuluyan ang sarili ko sa kanila. "Congratulations. Kumusta na si Aya? Wala na kasi akong balita sa kanila. Nawalan kasi kami ng communication s e." "Yeah. Nakwento niya naman sa akin iyan. At naiintindihan niya. Me as well. Okay naman siya. Sigurado ako matutuwa iyon kapag nakita ka niya. Can we take a picture? Isesend ko sa kanya." anito. "Sure. No problem." Tumawag ito ng waiter para kuhaan kaming dalawa. Ayaw niya daw ng selfie style. Para daw makita kung gaano ako kaganda. Bolero ang hanep! Tumayo kami at pumwesto sa mga flower ornaments and hanging plants sa gilid ng café. Para daw instagrammable ang kuha. Pagkatapos kaming kuhaan ay nagselfie shot pa din siya. Para naman daw close up at makita ang glow up ko. Daming alam ng mokong! "Send ko sa kaniya ito siguradong matutuwa iyon. Punta ka sa kasal namin a. Sa June na iyon." aniya. So ito na iyon. I'm dwelling now with my past. I have to go back now. And face them once again. "Pwede naman. Kaso ichecheck ko ang schedule ko if wala akong commitments." Nagpipindot ito sa cellphone niya ng bigla niyang iharap sa akin ang cellphone at mukha ni Aya ang nakita ko. "Katniss! My god! Ikaw nga. Saang lupalop ka ba ng mundo at hindi kita nahagilap. Bakla ka! Miss na kita. Buti na lang nakita ka ni Nathan." mahabang litanya niya. "Ang daldal mo pa din! Mag aasawa ka na lang para ka pa ding teenager." "At least dahil sa kadaldalan ko, nakuha ko ang lalaking gusto ko. Simula ng umalis ka, walang choice itong lalaking ito kundi kausapin ako. Naging friends kami ni Mich sa kanila. Lagi kasi silang nakikibalita tungkol sayo. E wala naman din kaming alam after mo magpaalam sa amin. Kaya ayon dikkt sila ng dikit sa amin. Baka daw makasagap kami ng whereabouts mo. Lagi nga kaming nasa bar ni Carlo dahil baka bigla ka na namang manggulat e. Pero bilib ako sa galing mong magtago. Naperfect mo iyon." natawa akong inismiran siya. "Iyan ang namiss ko saiyo. Iyang mga chika mo. And I'm sorry." saad ko. "Okay lang iyon. Di ba sabi ko naman saiyo bago ka umalis naiintindihan ka namin. Pero dahil nahanap na kita. Wala kang choice kundi pumunta sa kasal ko. Hindi pwedeng hindi!" aniya. "Love, kunin mo ang number ng babaing iyan. Pati address ng bahay at opisina niya. Di pwedeng makatakas iyan ah." "O narinig mo iyon, Katniss a." ani Nathan. "Oo na. May kawala pa ba ko? E kinorner niyo na ako dalawa e." "O siya babye na muna. May meeting pa kasi ako. Tawagan kita later a. Sasabihin ko ito kay Mich siguradong maloloka din iyon. Byieee!" paalam nito. "So paano? Kunin ko na ang number mo. Baka di matuloy kasal ko pag di ko sinunod si fiancée e." aniya. Iniabot nito sa akin ang phone niya. Idinial ko ang number ko at pinaring ang phone ko. "Satified?" sabay balik ko ng phone sa kaniya. "Thank you. It was nice seeing you again, Katniss. Kailangan ko ng umalis. May client lang ako na imemeet dito sa Tagaytay. And I'm glad na nag crave ako ng coffee at nakita kita. Ingat ka." "Drive safely. Bye!" paalam ko din sa kaniya. Kumaway pa ito sa akin bago sumakay ng kotse niya. And i wave back. _______ Vince POV Papunta ako ngayon sa bar ni Carlo. I have to cancel my meeting because it's friday night. Simula ng makagraduate kami sa kolehiyo ay bibihira na lang kami magkitang magkakaibigan. Busy na kasi kami sa pagpapatakbo ng mga kompanya ng pamilya ng bawa't isa. I'am now the CEO of Montecillo Engineering Enterprise. Pagkagraduate ko ay itinuro na lahat ni Daddy sa akin ang mga dapat kong malaman sa kumpanya. Humawak din ako ng iba't ibang proyekto para mafamiliarize ako sa field. Matiyaga kong inaral ang lahat sa loob lamang ng maikling panahon. Wala kasing interest si Ate Shammy sa negosyo namin. She's an Obstetrician Gynecologist. Mas gusto niya daw magpaanak kaysa ang magtayo ng gusali. Kaya wala akong choice kundi ang patakbuhin ang negosyo. At gampanan ang responsibility na nakaatang sa akin. Napagkasunduan namin na magkakaibigan na tuwing Friday night ay magkikita kita kami sa bar ni Carlo. Para makapag catch up at makapag unwind kahit papaano. Kaya kahit pagod ako ngayon sa tambak na trabaho at papeles na dapat pirmahan sa opisina ay nandito pa rin ako sa loob ng kotse at tinatahak ang daan papunta sa bar. Pagkatapos ng isang oras na pagmamaneho ay narating ko din ang bar. Mabilis akong nag park at dumiretso sa loob. Pagpasok ko ay hinanap agad ng mga mata ko sila Nathan, Chris at Francis. Sa bandang likod sila nakapwesto at may pinagkakaguluhan. Lumapit ako sa kanila. Kaagad kong inagaw kay Chris ang cellphone na pinagkakaguluhan nila. "Hoy!" sigaw nito. "Vince, pare." aniya. Nagkatinginan ang tatlo kapagkuwan. "Ano ba tong pinagkakaguluhan niyo?" Tiningnan ko ang kanina pa nila pinagkakaguluhan. Picture. And what surprises me, ay hindi ko inaasahan kung sino ang kasama ni Nathan sa litrato na iyon. He's with Katniss. Medyo malayo ang kuha pero makikita mo pa din ng maigi ang kabuuan niya. Kung dati ay kahawig lang niya ang korean actress na si Park Min-Young, ngayon ay papasa na silang magkapatid dahil halos magkamukha na sila. She is wearing a blazer coat in blush nude with skirt coordinate. She's really beautiful even before. But she's even more beautiful today. Sa sumunod na larawan ay mas malapit ang kuha. It was a selfie. Hinahangin ang buhok niya na ang ibang hibla nito ay tumatakip sa mukha niya. Pero mas nakadagdag lang ito para mas mag mukha siyang modelo. A worth to stan. Binalik ko kay Chris ang cellphone. At umupo sa tabi ni Francis. Kumuha ako ng beer at ininom iyon. "Hindi ako makapaniwala nakita mo si Katniss, Pre." basag ni Chris sa katahimikan. "Oo, pre. nagulat din ako ng makita ko siya doon sa Tagaytay." ani Nathan. "Pupunta siya sa kasal namin ni Aya." "Talaga. Buti pumayag. E diba ayaw niya ngang magpakita." wika ko. Sabay kuha ulit ng panibagong bote mg beer. "Kinulit ni Aya e. Kaya hindi na siya nakatanggi." anito. "May boyfriend na ba daw siya?" tanong ni Francis. "Kasama niya iyong asawa niya. Ang sweet nga nila e. Di lang nakasama sa picture kasi umoorder siya ng lunch nila." sagot ni Vince. "Good for her." komento ko. "Yeah. She seems very happy. Deserve naman niya iyon di ba?" ani Nathan. Tumango lang ako. Pero hindi ko alam kung bakit nawalan ako ng gana. Parang nabagot at nayamot ako bigla. Hindi ko namamalayan na nakakaapat na bote na pala ako ng beer. "Uhaw na uhaw pre a." ani Francis. "Oo. Daming tambak na trabaho sa opisina e." Nagtuloy lang sila sa pagkwekwentuhan. Tungkol sa negosyo, mga bagong kliyente, at mga babae. Hindi naman siguro mawawala iyon. Dahil certified babaero itong si Chris at Francis. Kung hindi nga lang naging si Aya at Nathan baka nahawa na rin ito. And me, malabo. One woman man ako e. Nagtagal lang kami ng dalawang oras sa bar at nagpasya na ding umuwi. Ayoko din masyado magpuyat at maaga pa ang meeting ko bukas. Kaya pagkadating ko sa condo ay naligo agad ako. Dumiretso sa kama at humiga. Naalala ko ang litrato ni Nathan at Katniss kanina. Naalala ko kung gaano siya kaganda. Ang mga ngiti niya na nakakawala ng pagod. Pumikit ako. At naging mas malinaw pa sa akin ang imahe niya. Masaya akong masaya ka na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD