Katniss POV
Nakadalawang bote na ako ng Vodka. Umiikot na rin ang paningin ko. At sobrang init na ng pakiramdam ko. Tanaw na tanaw ko sa pwesto ko si Vince at Bea. Mukhang nagbibiro si Vince dahil hinahampas himpas pa ni Bea ang braso nito.
Ikaw kaya hambalusin kong babae ka! Ngudngod kita diyan sa lamesa e. banta ko sa loob loob ko.
Ampalaya. Iyon ako ngayon. Bitter pa sa bitter. Pero anong magagawa ko. Hindi naman ganoon kadaling kalimutan siya. Hindi naman iyon itutulog mo lang tapos pag gising mo forget mo na.
Isang beses ko pa silang tiningnan. They seem so happy. He seems so happy. While me, im not. And I don't know when i will avail to smile and be happy again. Hinanap ng mata ko sila Aya at Mich sa dance floor. Gusto ko ng umuwe. Dahil torture itong ginagawa ko ngayon. Pero di ba sabi nila one way of moving on is torturing yourself. Magalit ka. Dahil mas madaling magpatawad kaysa ang lumimot. Pero bakit ko siya papatawarin. E ako ang may kasalanan. Once again, i look at him. How i miss him so much. Pinikit ko ang mata ko para pigilan ang pag alpas ng luha sa mga mata ko. Tatayo na sana ako para hanapin sila Aya at Mich ng biglang may tumapik sa akin.
"Hi Katniss." ani Tintin.
"Hello. Kumusta? May gig kayo ngayon?" Umusog ako ng pagkakaupo. "Upo ka." anyaya ko sa kaniya.
"Thank you." Umupo siya sa tabi ko. "Break na kayo?" tanong niya. Hindi siya nakatingin sa akin kundi sa table nila Vince. Tumango ako. "I see. That's why my session ka ngayon." saad niya ng nakatingin sa mga alak sa table namin.
"May mga kasama ako kaso hindi ko alam kung nasan sila. Sumasayaw lang sila kanina diyan. Pero hindi ko na alam kung saan na napadpad iyong mga iyon. Ikaw, wala kang kasama?" tanong ko.
"May tugtog kami. 15 minutes sasalang na kami. Gusto mong sumama?" yaya niya.
"Ayoko." tanggi ko.
"Break naman na kayo di ba? So what's stopping you?" aniya.
"Nahihilo na din kasi ako. Saka hindi naman ako nakapag practice." Napapakamot sa batok na sagot ko. Mataman niya akong tinitigan. At ngumiti.
"Alam mo if you want to move on, do the things he didn't want you to do. Kung gusto mong makalaya, gawin mo iyong mga bagay na inayawan mo para sa kaniya dahil mahal mo siya. It's what you call choosing, Katniss. Pinipili mo ang mga bagay dahil iyon ang gusto mo hindi dahil iyon ang gusto niya. Have you ever try doing things that you really want to do?" Tumayo ito at iniabot sa akin ang kamay niya.
"Hindi mo kailangan mag practice. Magaling ka ng mag perform kaya sapat na iyon. Katniss, gawin mo itong part ng pag momove on mo. Tara?" Ngumiti ako at inabot ang kamay niya.
"Baka naman wala ka lang talaga bokalista kaya mo nasasabi iyan." natatawang turan ko.
"Sort of." sabay kaming natawa.
Naglakad kami papunta ng backstage. Naghihintay na ang mga kabanda nito na nagulat na kasama ako.
"Sorry, makikijamming sana ako." turan ko.
Ngumiti ang mga ito at nag thumbs up. Binigay nila sa akin ang mikropono. Inayos ko ang sarili ko. Nilapitan ako ni Tintin at sinuklayan ang buhok ko. Nilagyan pa niya ako ng konting powder.
"Dapat maganda ka lalo pag nakita ka niya. Ilabas mo na lahat. Iparating mo sa kanya ang nararamdaman mo gamit iyang pagkanta mo. Musician kaya maiintindihan niya iyan. Pero after this. Siguraduhin mo na sa susunod na magkita kayo ulit ibang Katniss na ang makikita niya. Okay?" aniya. Nag thumbs up ako at ngumiti ng tipid.
"Cge." matipid na sagot ko. Nauna silang umakyat ng stage sa akin. Inayos nila ang instruments nila. Nang okay na ay aakyat na sana ako ng stage pero pinigilan ako ng bading na napagkamalan ako dati.
"Mamaya na. Grand entrance daw dapat sabi ni Tin." loko talagang babaeng to!
Tumigil ang mga nagsasayaw ng mag sound check ang banda nila Tin. Lahat ay nakatutok na sa kanila sa entablado.
"Tonight will be special. Alam ko madaming nakamiss sa taong ipapakilala ko ngayon. Kahit naman kami namiss namin siya. Madaming nagtatanong sa amin kung bakit hindi na namin siya kasama tumugtog noong mga sumunod na araw. Pero tonight, makakasama natin siya dito sa entabladong ito. Ready na ba kayong malaman kung sino siya?" ani Tintin.
"Jane! Jane! Jane!" sigaw ng audience.
Tinapik ako ni bading. "Mag ready ka na." aniya.
Nagsimulang tumugtog ang banda nila Tin. Sinenyasan niya ako kung saang part ng song ako papasok. Nagthumbs up ako. Huminga ako ng malalim. At nagsimulang umakyat ng entablado.
______
Vince POV
Nandito kami ngayon sa bar ni Carlo. Niyaya kasi kami ni Bea lumabas at magcelebrate dahil sinabi ng doctor na tuluyan ng nawala ang cancer cells sa katawan niya. Nag dinner kami at pagkatapos ay dumiretso na dito sa bar. Wala kaming tugtog ngayon kaya nakakapag enjoy kami. Sa twing pupunta kasi kami dito ay dahil lang sa may tugtog kami kaya hindi kami nakakainom at nakakapag relax. Napansin kong umalis na ang mga sumasayaw sa harapan ng stage. Malamang may banda na natutugtog.
"Vince, gusto mo pa ba ng drinks?" tanong ni Bea. Hindi ito umiinom dahil nag iingat din ito. Juice lamang ang iniinom nito at kumakain ng fries at nachos.
"Nope. Okay na ko dito." At tinaas ko ang bote ng beer na iniinom ko. Ngumiti siya at nagsimulang manood sa bandang performer ngayon. Nagsimulang pumailanlang ang tunog ng gitara sa loob ng gusali na iyon.
"Tonight will be special. Alam ko madaming nakamiss sa taong ipapakilala ko ngayon. Kahit naman kami namiss namin siya. Madaming nagtatanong sa amin kung bakit hindi na namin siya kasama tumugtog noong mga sumunod na araw. Pero tonight, makakasama natin siya ngayon dito sa entabladong ito. Ready na ba kayong malaman kung sino siya?" anunsyo ng bahista at frontman ng banda. May pangalang sinisigaw ang mga tao. Malamang ito ang bokalista talaga ng banda. Ilang segundo ang lumipas ay nagsimula na silang tumugtog.
Cheonjinnanman cheongsungaryeon
Saechimhan cheok ijen jicheo na
Gwichana
Parang kilala ko ang boses na iyon. Saad ko sa isip ko.
Maeil mweo hae? eodiya? babeun? jal ja
Baby, jagi, yeobo bogo shipeo
Da bujireopseo
You got me like
"Let's give a round of applause for Katniss" anunsyo ng bahista at frontman ng banda. Dahan dahan naglakad si Katniss papunta sa gitna ng stage. Naghiyawan ang mga nasa baba ng stage. Madaming sumipol na kalalakihan. At nakita kong malakas na pumalakpak si Nathan, Chris at Francis.
Igeon amu gamdong eomneun Love story
Eotteon seollemdo eotteon euimido
Negen mianhajiman, I'm not sorry
Oneulbuteo nan nan nan
Bichi naneun sollo
Bichi naneun sollo
I'm going solo lo lo lo lo lo
I'm going solo lo lo lo lo lo
"That's my girl." sigaw ni Nathan. Nakatayo na ito sa gilid ko. Hawak ang beer na iniinom niya.
"Si Katniss ba iyan? Iyong bestfriend mo?" untag ni Bea sakin. Tiningnan ko siya at tumango lang ako.
"Ibang iba na siya ngayon." aniya. Mukhang lalo nga siyang gumanda ngayon. Pumayat siya. Na mas lalong bumagay sa kaniya. Mas nagmukha siyang koreana katulad sa kinahihiligan niyang panoorin sa mga korean drama series. Magaling si Katniss magkorean dahil pinag aralan niya ito dahil sa hilig niya sa mga korean actor and actresses.
Sumasayaw siya habang kumakanta sa stage. Nakita ko si Aya at si Mich sa baba ng stage habang sumasayaw kasama ng iba pang audience na nasa dance floor. Malamang silang tatlo ang magkakasama ngayon. Pero paanong nasa stage siya ngayon at kumakanta. Nagbabanda na ba siya ngayon?
Used to be your girl
Now I'm used to being the GOAT
You're sittin' on your feelings
I'm sittin' on my throne
I ain't got no time for the troubles in your eyes
This time I'm only lookin' at me, myself and I
After the relationship, romance, emotion there's
There's break ups, tears, regrets and longing
I like being alone, because I should be true to myself.
Habang kinakanta niya ang part na iyon ng kanta ay nakatingin siya sa gawi ng bar kung nasaan kami. Na parang alam niyang andito ako. At sa akin niya sinasabi ang mga linyang iyon.
Me, myself and I napailing ako sa naisip. Nilagok ko ang isang bote ng beer na kabubukas ko pa lamang.
I can see your happy without me. If that's what you trying to say, Kat. Tiningnan ko siya at nabigla ako ng makitang nakatingin siya sa akin. Ngunit mabilis din niyang binawi. Nag 'Thank you' ito at bumati sa mga audience.
"Nakakailang bote ka na ng beer. Mag dadrive ka pa." ani Bea. Hinawakan nito ang braso ko at mataman akong tinitigan. "May nangyari ba between you and Katniss noong wala pa ako? Parang simula kasi ng bumalik ako hindi ko pa kayo nakikitang magkasama." tanong niya.
"Wala. Iba na kasi ang circle of friends niya. Hindi naman siguro kailangan kami lang ang palaging magkasama." Talaga ba Vince? tanong ko sa sarili ko.
"I see. Akala ko kasi. I mean baka dahil sa akin." aniya. Hindi na ako sumagot. Kumuha na lang ako ng bagong beer at binuksan ito.
______
Katniss POV
"Thank you! Namiss ko kumanta sa stage na 'to. Thanks to Tintin at napilit niya ko kanina." Tiningnan ko si Tin at Nginitian niya naman ako. "Kaso hindi ko kayo mapagbibigyan na kumanta ako para sa buong performance ng banda nila for tonight. Kailangan kasi ni Cinderella umuwi bago mag 12. Baka kasi maging kariton iyong kotseng naghatid sa akin dito. Sayang iyon. Sportscar pa naman iyon, iyong red." biro ko. Nagtawanan ang mga audience. "So my last song for tonight ay para sa kaniya." pasimple akong tumingin sa direksyon nila Vince.
Para kay Bea.
"Hulaan niyo na lang kung sino siya." Nagtawanan ulit ang mga audience. "So Tin, please do the honour. Play it for me please."
Tinipa nito ang gitara. Pumikit ako. Hinayaan kong puso ko ang kumanta. For the last time. I want to sing what my heart really feels. Then I started singing.
Ikaw na pala
Ang may-ari ng damdamin ng minamahal ko
Pakisabi na lang
Na 'wag nang mag-alala at okay lang ako
Sabi nga ng iba
Kung talagang mahal mo siya ay hahayaan mo
Hahayaan mo na mamaalam
Hahayaan mo na lumisan
Nararamdaman kong tumutulo na ang mga luha sa mata ko. Bawat katagang binibitawan ko ay nilalaman ngayon ng puso ko. Part of letting go. Part of letting go ay iyong ipaubaya na kita sa kaniya. Kasi ganoon kapag mahal mo di ba? Hindi maramot. Hindi selfish. Hindi kinukulong. Pinapalaya.
Kaya't humihiling ako kay Bathala
Na sana ay hindi na siya luluha pa
Na sana ay hindi na siya mag-iisa
Na sana lang
Ingatan mo siya
Binalewala niya ako dahil sa'yo
Nawalan na ng saysay ang pagmamahal
Na kay tagal ko ring binubuo
Na kay tagal ko ring hindi sinuko
Dumilat ako. Naglakas ako ng loob na tumingin sa direksyon nila Vince. Tumingin ako sa kanya. He was looking at me. Intently. Alam kong hilam na sa luha ang mga mata ko. But i can see him clearly. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. Ganoon din siya akin. Tumayo siya at akmang pupunta sa akin pero pinigilan ko siya. Umiling ako. At ngumiti ng mapait. Please, don't. I mouted. He stop. Pero hindi na siyang nag abalang umupo ulit.
Binalewala niya ako dahil sa'yo
Dahil sa'yo
Heto na'ng huling awit na kanyang maririnig
Heto na'ng huling tingin na dati siyang kinikilig
Heto na huling araw ng mga yakap ko't halik
Heto na heto na
Heto na'ng huling awit na iyong maririnig
Heto na ang huling tingin na dati kang kinikilig
Heto na huling araw ng mga yakap ko't halik
Heto na heto na
Ingatan mo siya
Tapos na. Pinunasan ko ang mga luha ko. Tumingin ako kay Tintin. And I said thank you. She holds my hand. And mouted Im proud of you. Pagkatapos ay niyakap niya ako. Nagpaalam ako sa mga audience. At muling tumingin kay Vince. Nakita kong magkausap sila ni Nathan. And then I saw Bea. Tinanguan ko siya at kumaway ng paalam.
Ingatan mo siya, Bea.