Chapter Seven

2082 Words
Maingat ako na lumabas ng bahay. Hindi na ako nag abalang magpalit pa ng pajama ko. Basta ko na lang din itinali ang buhok at hindi na nag abalang magsuklay. Ang mahalaga sa akin ay makausap si Vince. Nagmamadali akong maglakad papunta sa park dahil baka magbago ang isip niya at bigla na lang itong umalis. Nang malapit na ako sa park.Tanaw ko agad si Vince na nakaupo sa swing habang hawak ang gitara niya. Nakatalikod siya sa akin. Dahan dahan akong lumapit. Hindi ko alam pero habang papalapit ako ng papalapit sa kanya ay mas lalong bumibigat ang paghakbang ko. God how i miss him. Gusto ko siyang yakapin pero hindi ko maigalaw ang mga braso ko. Anumang oras ay babagsak na naman ang mga luha ko. Kaya bumuga ako ng hangin para iwasan ang pagtulo nito. Pinaglayan ko pa ang mata ko na parang mapapatigil nito ang pagbabadya ng mga luha ko. Kinusot ko ang mata ko at maingat na umupo sa isang swing na katabi ni Vince. Nakayuko lang siya. Nilalaro ang d**o sa paanan niya. De javu. "Bakit mo ako gustong makausap?" lakas loob na tanong ko sa kanya. Ako na ang bumasag ng katahimikan dahil feeling ko mahirap para sa kanyang gawin iyon. "Bumalik si Bea." Ouch! So ito na iyon. Hinawakan ko ang dibdib ko dahil feeling ko ano mang oras ay bibigay iyon. "He wants me back. She explain to me everything na kaya niya lang nagawa ang mga bagay na iyon dahil na diagnosed siya ng Leukemia. Na natakot siya na baka hindi na siya makabalik after her operation kaya mas mabuting hiwalayan na lang niya ako para mas madali sa aking kalimutan siya. Magaling na siya ngayon. At mahal pa din niya ako." mahabang paliwanag niya. Hindi pa din inaalis ang tingin sa mga d**o sa paanan niya. Pero nakikita ko kung paano humihigpit ang hawak niya sa gitara niya. " So anong problema?" Pilit kong pinalalakas ang loob ko para hindi bumigay ang emosyon ko. Kahit pa ang sakit sakit na ng dibdib ko. "Balikan mo siya kung gusto mo. Hindi ka naman pala talaga niya niloko. Valid naman pala ang reason niya. Bakit pinapahirapan mo pa ang sarili? What stopping you?" "Ikaw. Paano ka?" tanong ba iyon. O gusto niyang sabihin na ako ang hadlang sa pagbabalikan nila. "I'm fine. I'm okay. Kasunduan lang naman kung anong meron tayo di ba? Saka pumayag naman ako maging rebound mo. Wala kang kasalanan. Kaya balikan mo na siya. I'm happy for both of you. Iyon lang ba?" I'm wondering kung paano ko pa nakakayang umastang okay lang habang wasak na wasak na ang puso ko. Any moment I know I'll break down. Tumango lang si Vince. That's it! "So paano? Break na tayo. Friends?" nakangiting inabot ko ang kamay ko sa kanya. "Bestfriends?" aniya. Iniangat niya ang tingin niya at tumingin sa akin. "I want my bestfriend back. Please." hinawakan nito ang kamay kong nakapatong sa mga binti ko. Binawi ko ang kamay ko. Tumayo na ako at tumalikod sa kanya. Nag simula ng manlabo ang paningin ko. Hindi ko na makita ang paligid ko dahil sa sunod na sunod na pagtulo ng luha ko. "Vince, I'm sorry. Hingin mo na ang lahat. Pero ayoko ng maging bestfriend mo." pinipilit kong magsalita ng maayos pero nabasag pa din ang boses ko dahil sa pag iyak. Tumayo siya at niyakap ako. Bumagsak ang gitara niya sa damuhan at mukhang nasira ito. Parang puso ko ngayon. Pira piraso. Inalis ko ang braso niyang nakayakap sa bewang ko. Humarap ako sa kanya. Umiiyak siya. And it hurts more seeing him crying. "Please, Katniss. We can work this out. We can still save our friendship." "But i can't. Vince, listen. I have a confession to make. I love you. I love you more than my bestfriend. Minahal kita ng higit pa sa kaibigan, Vince. Kaya hindi maaring maging bestfriend mo pa din ako dahil Vince, hindi na pwede iyon. Dahil sa tuwing makikita kita na kasama siya siguradong masasaktan lang ako. I'm inlove with you since first year highschool. half of my life Vince, half of my life. Kaya hayaan mo na lang muna ako. Please." "Kat, I'm sorry. Hindi ko alam." "Okay lang. Hindi mo kasalanan na hindi mo ko nakita. Hindi mo kasalanan na hindi mo naramdaman. Hindi mo kasalanan na hindi mo ko mahal ng higit pa sa pagiging kaibigan mo. At hindi mo kasalanan kung bakit ako nasasaktan ngayon. Alam mo kung bakit ang sakit sakit, kasi alam kong kasalanan ko, kasi umasa ako na baka kapag naging girlfriend mo ako makikita mo na ako. Na sa wakas may chance na baka sakali mahalin mo din ako. Na maiparamdam ko saiyo na nandito lang ako. Na hindi mo na kailangan pang humanap ng iba na magmamahal sa iyo kasi nandito naman ako. Pero hindi naman natuturuan ang puso di ba? Kaya nga siguro kayo pinagtagpo ulit ni Bea, na kaya siya gumaling ay dahil para talaga kayo sa isa't isa. Mahirap pala talagang kalaban ng tadhana." ngumiti ako ng mapakla. Pinunasan ko ang mga luha ko. Pinipilit kong patigilin ang mga ito sa pag agos. Pero hindi ko kaya. Dahil ang sakit, sobrang sakit. Hiniwakan ang mukha niya gamit ang dalawang palad ko. Then i smile. Iyong ngiting alam kong gustong gusto niyang nakikita. Iyong ngiting siya lang iyong naging dahilan. "I'm sorry if i can't stay anymore. But i want to know that whatever happened your still my bestfriend. And hindi ako lalayo kasi gustong tapusin kong tapusin iyong pagkakaibigan natin. Lalayo ako kasi gusto kong kalimutan iyong nararamdaman ko. Dahil hanggat nakikita kita. Hanggat nandiyan ako sa tabi mo. Aasa at aasa ako. Patuloy kong paniniwalain iyong sarili ko na darating iyong araw na mamahalin mo rin ako. And I had enough, Vince. Kotang kota na ko sa sakit. Naawa na ko sa sarili ko. Dahil alam ako deserve ko din maging masaya. Deserve kong maging masaya kahit hindi ikaw iyong dahilan. I'm sorry. But i have to let go. I have to let go because i want to move on." Inalis ko ang mga palad ko sa pisngi niya. Tumalikod ako dahil nanghihina na ako. Para akong kandilang nauupos. Natutunaw at nauubos. Naririnig ko ang bawat hikbi niya. Alam ko katulad ko nasasaktan din siya. Pero this time, sarili ko namanang pipiliin ko. Ako naman. Nagsimula akong humakbang papalayo sa kaniya. Kahit bawat hakbang ay parang may kutsilyong sumasaksak sa akin. Pinapaniwala ko ang utak ko na tama ang itong ginagawa ko. Pero hindi ko magawa sa puso ko. But still i want to continue. "Paano kung ikaw ang piliin ko? Paano kong gusto kong tayo na lang? Would you still leave?" sigaw ni Vince. Tumigil ako sa paglalakad. Pero hindi ako humarap sa kanya. Kung sana ganoon lang kadali. Kung sana pwedeng oo. Kung sana sapat nang dahilan iyon para manatili. "I'm sorry, Vince. But I can't. Choosing me will never be an option for me to stay. Because I want you to love me. Dahil sa mahal mo ko. Hindi dahil sa kailangan mo lang ako." Nagpatuloy na akong humakbang palayo. Palayo sa kaniya. Palayo sa sakit at pangamba. This time I decided to move on. Not because i have to. But because i want to. Hindi ko alam paano ako nakauwi ng bahay dahil sobra talagang nanghihina ang tuhod ko. Hilam sa luha ang mga mata ko. At sobrang sakit ng nararamdaman ko. Pagpasok ko ng gate nakita ko si Mommy na hinihintay ako sa labas ng pinto. Naglakad ako papalapit sa kanya. "Mom, ang sakit. Ang sakit sakit." Niyakap niya ako. At para akong batang umiiyak sa kaniya. Para akong batang nagsusumbong dahil inaway ako ng kalaro ko. I found comfort in her arms. "Iiyak mo lang baby. Let go of the pain. And after dealing with it. Saka mo simulan lumimot. I'm just here baby. Mommies here." ______ Isang linggo na ang nakalipas simula ng maghiwalay kami ni Vince. Nag social media break ako. Inunfriend ko siya at lahat ng taong may kinalaman sa kaniya. Nagbago ako ng phone number. At sa tuwing makikita kong makakasalubong ko siya sa campus ay ako na mismo ang unang iiwas. Hindi dahil ayoko na siyang makita. Kundi dahil baka kapag kinausap niya ako ulit. Gustuhin kong bumalik. Gustuhin kong bumalik kami sa dati. Gustuhin kong magpakatanga ulit. Kaya mas mabuti pang umiwas. Ayokong biguin ang sarili ko this time. Nakatambay ako ngayon sa field kung saan kami madalas nila Aya at Mich. Kanina pang 5pm natapos ang klase ko. Pero nagdecide ako na mag stay muna dito. Dahil kapag umuwi ako at magkulong sa kwarto ay iiyak at iiyak lang ako. Ayokong marinig ulit ni Mommy ang pag iyak ko. Dahil alam kong nasasaktan siya kapag nasasaktan ako. Biglang nag ring ang phone ko. Tinatamad na sinagot ko ito. "Hello." bati ko sa kabilang linya. "Asan ka?" si Aya. "Bakit?" tanong ko. "Asan ka nga?" tanong nito ulit. "Nasa field." tinatamad na sagot ko. "Umuwe kana. Tapos magbihis ka. May pupuntahan tayo." utos niya. "Saan naman tayo pupunta? Saka kung gagabihin tayo di ako papayagan ni Mommy." "Pinagpaalam na kita. Kaya umuwi kana. Magbihis. At aalis tayo. Susunduin ka namin ni Mich." "Paladesisyon?" "Oo. Dahil puro mali ang desisyon mo sa buhay!" "Realtalk ah." sagot ko. G*ga ka! Masakit iyon a. "Sorry, sorry. Bilisan mo na kasi. Sunduin ka namin ng 7pm. Byiieee!" pinatay na nito ang tawag. Tumayo na ako at pinagpagan ang palda ko. Saan na naman kayang lupalop ng mundo ako dadalahin ng dalawang iyon. ______ Nagsuot ako ng plain neon pink croptop shirt and highwaist white short. Tinernuhan ko ito ng white ankle boots. Liptint lang ang nilagay kong kolorete sa mukha ko at bumaba na din ako. Pagbaba ko ay andoon na si Aya at Mich sa sala at iniintay ako. Kausap nila si Mommy. "Tara " yaya ko sa kanila. Humalik ako sa pisngi ni Mommy. "Alis na kami, Mom. Uwi din po ako agad." "Enjoy baby. Take care." bilin nito. "Babaye po Tita Macy. Alis na po kami." paalam ni Aya. "Bye po Tita." ani Mich. "Sige. Mag iingat din kayo. Kayo nang bahala sa baby ko." bilin ni Mommy. "Yes po." sabay na sagot nila. Lumabas na kami ng bahay at sumakay sa kotse ni Aya. Hindi na nila pinadala ang kotse ko para magkakasama na lang daw kami sa isang sasakyan. At para daw makapag chismisan. Mga marites talaga. "Saan ba talaga tayo pupunta?" tanong ko sa kanilang dalawa. Si Aya ang nagdadrive. Habang katabi naman nito si Mic sa unahan. At ako lang syempre dito sa backseat. "Magwawalwal! Brokenhearted ka diba? Iiinom natin iyan." nakangising turan ni Aya. Nakatingin siya akin sa rearview mirror. "Buti pumayag si Mommy?" tanong ko habang nakatingin sa labas ng bintana. "Yes! At bilin ni Tita Macy lunurin ka namin. Iyong gagapang kana pauwi." nagtawanan ang dalawa. Sarap pag untugin! sabi ko sa loob loob ko. Pagkalipas ng isang oras na pagdadrive ni Aya ay nakarating na kami sa lugar kung saan daw kami magwawalwal. Pagkababa ko ng kotse ay parang naistatwa ako ng makita ko ang pangalan ng bar na pinuntahan namin. Of all the places, sa bar pa talaga ni Kuya Carlo. Hanep! Gusto ko na sanang umuwi pero ayokong sirain ang gabi nila Aya at Mich. Wala naman siguro siya dito ngayon. Kung nandiyan man siya, edi deadma. Talaga self a! Easy easy. Pumasok kami sa loob at pumwesto malayo sa madaming tao. Doon kami sa bandang likot para hindi masyado pansinin. Inilibot ko ang mata ko sa loob ng bar. Sana wala silang gig tonight. Please lord! Kahit ngayon lang. Nagsimula ng umorder ng inumin at pulutan si Aya at Mich. Puro lady's drink lang ang inorder nila. Sa dami nito ay mukha ngang gagapang kami pauwi. Hindi man lang naisip na wala kaming driver. Husay! Tatalino talaga! . Nagyayang sumayaw ang dalawa pero tumanggi ako. Pumunta sila sa dance floor at parang mga batang nakawala sa kulungan habang sumasayaw doon. Natatawa ako habang tinitingnan sila. Pero ng mapagawi sa entrance ng bar ang tingin ko ay parang tumigil ang t***k ng puso ko. I saw Vince enter the bar. But not only himself, nakahawak sa braso niya si Bea. At masayang nagbubulungan ang mga ito. Wow! Suprise. Mapapamura ka na lang talaga. Inisang tungga ko ang Vodka na inorder ni Aya para sa kaniya. I badly need this.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD