Katniss POV
Apat na linggo na ang lumipas simula ng pumayag ako sa kasunduan namin ni Vince. Noong mga unang linggo ay smooth ang naging pagsasama namin. Pero itong nakaraang linggo ay parang nagbago si Vince. Hindi na niya ako hinahatid sundo kahit alam kong sabay naman ang uwian namin. Madalas na din siyang hindi tumawag o magtext sa akin. Kapag niyaya ko naman ito nitong weekend ay busy daw ito at may gig sila. Nung sinabi kong sasama na lang ako ay dalawang bar daw tutugtugan nila sa isang gabi kaya baka mapagod lang daw ako. Hindi din daw niya ako maeentertain masyado dahil nagprapractice sila bago sumalang. Hindi na lang ako nangulit at hinayaan na lang siya. Ramdam kong may mali, pero natatakot akong tanungin siya. Dahil parang alam ko na ang sagot pero ayoko lang talaga marinig galing sa kanya.
Nakita kong naglalakad si Nathan sa hallway nasaan kami nagroroom ngayon. Mabilis na pinuntahan ko ito. Nagulat ito ng hawakan ko ang braso niya. "Hi!" hinihingal na bati ko.
"O, Kat, bakit?" tanong nito.
"Tatanong ko lang sana kung pupuntahan mo ba si Vince. Tinatawagan ko kasi siya kanina pa kaso nakapatay iyong phone niya e."
"Hindi e. May lakad kasi ako ngayon. Baka sila Chris kasama niya."
"Pwede ko bang makuha number ni Chris saka ni Francis. Tatanungin ko lang sila." nahihiyang tanong ko.
"Oo naman. Akin na phone mo ako na magsasave." Inabot ko ang phone ko. Ayoko sana dahil picture namin ni Vince ang wallpaper ko. Pero kailangan ko talaga siyang makita e. Pagkatapos niyang malagay ang mga number ng mga kaibigan nito ay iniabot niya na sa akin ang phone ko. "Nilagay ko na din diyan ang number ko, para kapag may kailangan ka pwede mo din ako tawagan."
"Salamat."
"Wala iyon. Una na ako a. Ingat ka!" paalam nito. Bumalik na din ako sa room ko dahil nakita kong papalapit na ang professor ko. Sana makita na kita Vince. Para malaman ko kung anong nangyayari. Di ako nag aksaya ng oras pagkaupong pagkaupo ay tinext ko na si Chris at Francis.
______
Vince POV
"Alam mo pare kung ayaw mo na kay Katniss mabuti makipaghiwalay kana sa kanya kaysa ganyang iniiwasano siya. Nakakaawa iyong tao." ani Nathan.
Andito kami sa bahay dahil kailangan namin mag practice para sa anniversary ng bar ni Carlo.
"Oo nga pare. Kahapon pa text ng text si Katniss sakin. Hindi ko naman alam isasagot ko. Kaibigan kita pare, pero naaawa na din ako sa tao." pag sang ayon pa ni Chris.
Tinigil ko ang pagtipa sa gitara ko at umupo sa sahig ng studio ko. "Pare, nalilito na kasi ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Alam ko kasalanan ko ito. Kasi ako ang nagpasok kay Katniss sa sitwasyon na 'to. Bestfriend ko pa siya kaya mas lalong mahirap. Ayoko siyang saktan. Ayokong masira iyong friendship na iningatan namin." napabuntong hininga ako. Isang linggo na akong hindi makatulog ng maayos kakaisip. Hindi ako makapag concentrate sa school kaya halos muntik muntikan na akong bumagsak nung mid-term exams.
"Ikaw ang lumampas sa boundary niyo ng inaya mo siyang maging girlfriend mo. Tapos kapag ganiyang may problema na parang siya pa ang may kasalanan. Alam mo pare, madali lang naman sana ang buhay kung di mo ginawang komplikado." ani Francis.
"Kung ako sa iyo pare mamili kana ngayon pa lang. Lalong tumatagal mas lalo mo lang sinasaktan si Katniss pati si Bea, pati na din ang sarili mo." dagdag pa ni Nathan.
Two weeks ago bumalik si Bea. Papasok na ako noon sa Campus ng tawagan niya ako. Gusto niya daw ako makausap at nasa Fastfood daw siya na nasa tapat ng University. Nagdalawang isip ako dahil alam kong girlfriend ko na si Katniss. Pag may nakakita sa amin ay siguradong mamasamain nila iyon. At malamang makarating pa sa kaniya. Sa sarili ko sigurado ako na wala na akong mararamdaman kay Bea. Dahil noong mga panahong kasama ko si Katniss ay sobrang saya ko talaga. Feeling ko nga ay unti unti na akong may mararamdaman para sa kaniya. Dahil kasi sa kaniya ay hindi ko na naiisip pa si Bea. Nakakatulog na ako ng maayos sa gabi. At siya na ang namimiss ko. Pero para sa closure at para makapag simula kami ng maayos ni Katniss, pinuntahan ko si Bea.
Nang makita ko siya, ang siguradong meron ako para kay Katniss ay biglang nagbago. Hindi ko alam bakit umusbong ulit iyong pagmamahal na meron ako para kay Bea noon.
FLASHBACK..
"Love, upo ka." ani Bea. Parang pumayat siya. Dati ay chubby ito. Pero kahit ganoon ay bagay dito ang pagka chubby niya. Ang laki ng ipinayat niya ngayon. Umupo ako sa katapat niyang upuan. "Umorder na ako for you. Sana iyan pa din ang paborito mo."
"Yeah. Wala namang nagbago." sagot ko.
"E, iyong nararamdaman mo. Nagbago na ba?" tanong nito. Mataman siyang nakatingin sa akin. Parang binabasa niya kung anong nararamdaman o iniisip ko.
"Bea stop it. Dalawang taon na ang nakalipas. It's your choice to leave me. So don't ask me as if you wamt me to comeback to you."
"I have reasons why i left you. And my reason's are valid." aniya.
"And i don't want to hear your reasons anymore. Let's leave the fast behind. Nakaraan na iyon." Parang biglang nanikip ang dibdib ko. Unti unti kasing nagflaflashback sa utak ko iyong araw na nakipagbreak siya akin at nahuli ko siyang may kahalikang ibang lalaki sa loob ng kotse niya.
"Please Vince, pwede bang pakinggan mo ako ngayon. Cause i want you back. I want to be your girlfriend again. And this time i want it to last a lifetime. I'm here to stay. Forever." naiiyak na usal nito. Hinawakan niya ang kamay kong nasa ibabaw ng mesa. "Please. I still love you. I never stop loving you." tumutulo na ang mga luha sa mga mata nito. Nakikita ko ang sakit na rumirehistro sa mukha nito.
"Sige, magpaliwanag ka. For old time sake." Binawi ko ang kamay kong hawak nito. Bumuntong hininga siya ng malalim bago nagsalita.
"I was diagnose with Leukemia. Stage 3. Sabi ng doctor ko ay kailangan ko ng pumunta ng ibang bansa para magpagamot dahil mas madaming espesyalista doon kumpara dito sa pilipinas."
Shock is written all over my face. "Bakit hindi mo sinabi sa akin? Boyfriend mo ko. Bakit nilihim mo sakin."
"Gustong gusto kong sabihin sa iyo dahil isa ka sa pinagkukunan ko ng lakas para labanan ang sakit ko. Pero naisip ko. Paano kapag namatay ako. Paano ka? Mas natakot ako para saiyo kaysa para sa sarili ko. Alam ko kung gaano mo ako kamahal Vince. At baka mas hindi mo kayanin kapag hindi na ako makabalik. Kaya plinano ko ang lahat ng nakita mo." Naikuyom ko ang mga kamao ko. Gusto kong magwala. Gusto ko siyang sumbatan dahil nagdesisyon siya mag isa ng para dapat sa aming dalawa.
"Gusto kong kalimutan mo ako dahil hindi ako sigurado kung makakabalik pa ba ako after ng operations ko sa state. Nagawa iyon kasi sobrang mahal kita. Gusto ko maging masaya ka."
"But i never was. Hindi ako naging masaya after two years, Bea. Sana sinabi mo na lang sa akin. Sana hinayaan mong ako ang magdesisyon para sa sarili ko. Dahil kaya kong maghintay. Mas gusto kong samahan kang labanan ang sakit mo ng andito ako sa tabi mo. Kung mawawala ka man, mas matatanggap ko na nawala ka ng mahal mo pa rin ako. Kaysa iyong nakipagbreak ka sakin at iniisip ko kung saan ako nagkulang." Hindi ko naiwasang hindi tumulo ang mga luha sa mga mata ko. Ang sakit. Masakit tanggapin lahat ng sinabi niya. Pero masaya pa rin ako dahil kung andito siya sa harapan ko ay ibig sabihin naging successful ang operations niya. Ngunit mukhang huli na para sa aming dalawa.
Katniss.
"Vince, please. I'm really sorry. Mahal na mahal pa rin kita. Nilabanan ko ang sakit ko dahil gusto kong bumalik saiyo. Dahil gusto kong tuparin lahat ng pangarap natin. Vince, please. Hayaan mo kong mahalin ka ulit. Please." pakiusap ni Bea.
Gusto kong subukan ulit dahil ngayon nararamdaman kong mahal ko pa rin siya at mahal pa rin niya ako. Pero kung babalik ako sa kaniya pano si Katniss? Sigurado akong maiintindihan niya ako. Pero baka layuan niya ako. Paano na iyong pagkakaibigan namin? Saka kung mahal ko pa si Bea, ano iyong naramdaman ko kay Katniss noong mga nakaraang linggo. Iyong saya, tuwa, selos, kilig, ano iyon lahat imahinasyon ko lang? Nalilito na ako. Hindi ko alam kung anong gagawin.
"Vince please." untag ni Bea sa akin.
"Bea, let me think of it. Dahil king dati walang ibang masasaktan. Pero ngayon iba na ang sitwasyon."
"May girlfriend ka na? Sino? Kilala ko ba?" sunod sunod na tanong niya.
"Yes, si Katniss." sagot ko. Gulat na gulat ito. At alam ko kung bakit. Si Katniss kasi ang kaisa isnag babaeng pinagseselosan niya noong kami pa.
END OF FLASHBACK..
"Timbangin mong maigi iyang nararamdaman mo pare. Para wala kang pagsisihin sa bandang huli." paalala ni Nathan. "Pano uwi na kami para makapag isip ka ng maayos." paalam nito. Nagpaalam na din si Chris at Francis. Kinuha ko ulit ang gitara ko at tumugtog para ipahinga ang utak ko. Pero kahit anong gawin ko hindi ko maalis sa isip ko ang problema ko. Binato ko ang gitara ko sa dingding sa sobrang frustration ko.
Sh*t!
_______
Katniss POV
Nakahiga ako sa kama at nakatulala lang sa kisame ng biglang mag ring ang phone ko. Nagmamadali ako bumangon dahil baka si Vince na iyong tumatawag. Miss na miss ko na talaga siya. Ngunit nadismaya ako ng makita kong si Aya ang nasa Caller Id.
"Katrina Louise Mariano! Bakit hindi ka pumasok kanina?" sigaw nito sa kabilang linya.
"Aray naman, Aya! Nasira ata eardrums ko sa sigaw mo! Pwede ba." pagtataray ko dito.
"Bakit hindi ka kasi pumasok kanina? May nangyari ba? May problema?"
"Hinanap ko si Vince kanina. Pumunta ako sa bahay nila pero wala siya doon. Pumunta ako sa bar ni Kuya Carlo pero wala din silang gig doon. Nag ikot ikot ako sa Mall kung saan kami madalas pumunta baka matiyempuhan ko siya doon pero bigo pa din ako. Halos three weeks na kasing hindi nagpaparamdam si Vince e. Ni ha, ni ho wala? Gusto ko lang naman malaman kung anong problema? Kung kami pa ba? O ayaw na niya. Para hindi na ako umaasa di ba?"
"Girl, feeling ko naman alam mo na ang sagot sa tanong mo e. Tama ba ako?"
"Oo." Nag umpisang tumulo ang mga luha ko. Noong una ay napipigilan ko pa pero habang tumatagal ay parang may sarili na silang buhay.
"Girl, alam mo naman sa simula pa lang na mas malaki iyong chance na masaktan ka kaysa ang mahalin ka ni Vince. So, dapat prinepare mo na ang sarilo mo dito una pa lang. Hinayaan mo na naman mas malunod ka. Mas lunod kaysa bago mo pasukin itong kalokohan niyo ni Vince."
"Aya, palagi kong sinasabi sa utak ko na panandalian lang ito. Na huwag akong umasa na mamahalin niya din ako. Na malabong makalimutan niya si Bea. Na malabong makita niya ako ng higit pa sa bestfriend niya. Pero kahit anong saksak ko sa isip ko. Kahit paulit ulit kong sabihin na Katniss giard your heart kasi si Vince iyan, si Vince iyan na mahal na mahal si Bea. Pero iyong puso ko masyadong traydor! Mas lalo niya pang minahal si Vince. Mas lalo niya pang hinayaan na mas mahalin ko si Vince kaysa sa sarili ko. Mas hinayaan niya pa akong magpakatanga. Kung certified tanga ako noon. Lalo ko pang minaster ngayon."
Ang tanga tanga mo Katniss. Ang tanga lang! Hindi ka marunong makinig. Puro ka puso.
"Kat, wala na akong masabi. Dahil alam kong alam mo naman ang kailangan mong marinig. Magpahinga ka muna ngayon. Bukas pumasok ka mag usap tayo. Okay? Tahan na." pag aalo ni Aya sa akin. Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil nailabas ko ang frustration ko nitong mga nakaraang araw. Pinatay ko na ang tawag. Dumapa ako sa kama ko at hinayaan ko ang sarili kong umiyak ng umiyak. Kahit ngayong gabi lang.
Naalimpungatan ako sa ingay ng cellphone ko. Tiningnan ko ang orasan s bedside table ko. Alas una na ng madaling araw. Hindi ko namalayan na nakatulugan ko na pala ang pag iyak kanina.
Sino naman ang tatawag ng ganitong oras? tanong ko sa sarili ko.
Sinagot ko ang tawag ng hindi ko man lang tinitingnan ang Caller Id. "Hello."
"Andito ako sa park ngayon sa subdivision. Pwede ka pa kayang lumabas? Mag usap tayo."
Si Vince. Bigla akong kinabahan. Bakit?