Chapter Five

2207 Words
Vince POV Inayos ko ang pagkakasabit ng guitar strap ko sa leeg ko habang hinahanap ko kung saan pumunta si Katniss. Nang makita ko siyang umupo sa may pang isahang table ay nagsimula na akong icheck ang gitara ko. "The night is still young! Are you still enjoying the night?" ani Nathan. Nagsigawan ang crowd. Ang iba ay pumapalakpak. Madaming babae ang nasa baba ng stage. Halos lahat nga ay kababaihan. Hindi naman sa pagyayabang, pero kami talaga ang dinarayo ng mga kababaihan sa bar na pag aari ni Carlo. "So let's get started! In one, two, three!" Si Nathan ang bokalista namin, siya ang mostly kumakanta every gig namin. It's either him o kaya si Chris. Ayoko kasi ng sobrang attention lalo na sa mga kababaihan na fans namin. Anim ang kanta na hinanda namin ngayong gabi. Sa pang anim na set namin ay kinausap ko si Nathan. "Pare, paubaya mo na sakin iyong pang huling kanta." tinapik ako nito sa balikat at nginitian ako. Hinanap ng mata ko si Katniss, nakita ko siyang kinakalikot ang cellphone habang uniinom ng juice. Pumwesto na ako sa gitna ng stage kung saan nakapwesto si Nathan kanina. Nilagay niya ang mikropono sa stand nito para makatugtog pa rin ako ng gitara. "Sound check." Tumingin ako sa direksyon ni Katniss. "Babe, mamaya na iyang cellphone. Babe time muna please?" Muntik niya ng mabitawan ang cellphone niya. Tiningnan niya ako ng masama. Eksakto namang tumapat ang spotlight sa kanya, kaya kitang kita ng mga audience ang ginawa niya. Nagtawanan ang mga audience. Nahihiyang tinakpan niya naman ang mukha niya ng mga palad niya. "Don't be shy babe, kumanta ka nga sa stage kanina. Andito pa ba iyong na love at first sight sa girlfriend ko kanina? Pasensyahan pre' sa akin nainlove e." Nagtawanan ang mga nanonood. Hindi alam ni Katniss kung paano niya itatago ang sarili niya. Parang gustong lumubog nito sa kinauupuan nito. Sigurado akong pulang pula ang mukha nito ngayon. "Actually hindi talaga ako ang kakanta ng huling kanta namin para ngayong gabi. Pero dahil doon sa lalaking na love at first sight daw sa girlfriend ko, i want to sing a song for my girlfriend tonight, papatalo ba naman ako?" "Hindi!" sigaw ng mga audience. Tumingin ako ulit kay Katniss. "So this song is for you babe. And for all the people na inlove ngayon." Inistram ko ang string ng akong gitara. "Babe, listen." ______ Katniss POV Hindi ko alam kung paano ko itatago ang mukha ko sa kinauupuan ko. Hanep sa trip talaga! Aisssh! Inayos ko ang pagkakaupo ko at inayos ko ang buhok ko. Tumingin ako sa stage ng magsalita siya ulit. "Babe, listen." aniya. Do you remember When we were young you were always with your friends Wanted to grab your hand and run away from them I knew that it was time to tell you how I feel Titig na titig siya sa akin habang kumakanta. Parang kami lang sa lugar na iyon. Inggit na inggit ako dati kay Bea noong kinantahan siya ni Vince ng magpropose ito sa kanya. Iniisip ko kung anong pakiramdam. But now, it's happening to me. So I made a move, I took your hand My heart was beating loud like I've never felt before You were smiling at me like you wanted more I think you're the one I've never seen before I want you to know I love you the most I'll always be there right by your side 'Cause baby, you're always in my mind Just give me your forever (give me your forever) Sinenyasan niya akong umakyat sa stage. Pero umiling ako. Dito pa nga lang di na ako makahinga ng maayos sa kilig, tapos palalapitin mo pa ko diyan, ano to suicide? I never knew It would be possible For you to be with me 'Cause you loved someone else back in '73 I was so jealous seeing you with him Oh baby, I know that I can treat you better back in those nights Oh, you wouldn't cry from his stupid lies Oh baby, I was there watching wishing you to be mine Tinanggal niya sa stand ang microphone. Bumaba siya ng stage. At naglakad papunta sa direksyon ko habang kumakanta. Habang papalapit siya ng papalapit ay parang mas lalong hindi ako makahinga. Para akong nakasakay sa Vikings at naiiwan ang puso ko habang gumagalaw ito. Isang hakbang at nasa harapan ko na siya. Tatlong spotlight na ang nakatutok sa amin. Dumilim ang paligid at tanging ang spotlight na lang at ang stage light na parang mga bituin na iba't iba ang kulay at natitirang ilaw sa loob ng gusaling iyon. Pagkalapit niya sa akin ay binigay niya sa akin ang tatlong pulang rosas na hawak niya. Hindi ko napansin kung saan niya iyon nakuha. O dala niya na ba iyon kanina. Kinuha ko ang bulaklak sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko na walang hawak na bulaklak. Tinitigan niya ako at kinanta ang lyrics ng kantang nagpatigil ng pagtibok ng puso ko. I want you to know I love you the most I'll always be there right by your side 'Cause baby, you're always in my mind Just give me your forever (give me your forever) Unti unting tumutulo ang luha sa mga mata ko. Nakita ko kung paano halos maiyak din ang mga nasa kabilang table malapit sa amin. I want to believe every lyrics of the song his singing for me. But to be honest, i don't want to think of anything. I just want to enjoy what I'm feeling right now. I want to believe that he loves me. That I'm the girl he loves the most. And i want to give my forever with him. He hug me tight. Ang palakpakan ng mga taong nandoon ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. He kissed my forehead and say something to me. Pero hindi ko narinig dahil sa lakas ng sounds at ingay ng mga tao sa loob ng bar. Kung panaginip lang to, tuloy tuloy mo lang lord! Willing ako matrap dito. Please. ______ Araw ng lunes. Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makamove on sa nangyari noong weekends. Sunday ay may gig pa din sila Vince pero hindi na niya ako sinama dahil paniguradong mapupuyat na naman daw ako. Gusto kong magtampo pero alam ko naman na maaga ang pasok ko ngayon. Pero lahat ng tampo ko ay nawala ng pag gising ko kaninang umaga ay si Vince agad ang unang nakita ko. Natutulog ito sa loob ng kotse niya. 3am na daw natapos ang gig nila kaya nagdecide siyang antayin na lang ako para ako daw ang unang makita niya bago ako pumasok sa University. Gusto niya sana ako ihatid pero pinauwi ko na siya dahil alam kong may pasok pa siya mamayang 1pm. Dumiretso na ako sa room namin para sa unang subject namin. Nakita kong andoon na si Aya at Mich. "Mukang ang saya saya natin a!" ani Aya ng makalapit ako. Umupo ako sa tabi nito. "Sobra pa sa too much!" nilabas ko ang cellphone at nagtext kay Vince. Bilin niya kasi ay itext ko siya kapag nasa University na ako. "Babe, sweet. Pero preno preno tayo girl a! Guard your heart. Baka sa sobrang saya mo, dobleng sakit ang kapalit niyan. Pinapaalalahanan lang kita. Lahat ng sobra nakakasama." aniya. "Easy. Alam ko naman iyon 'no. Pero gusto ko lang talaga namnamin iyong sweetness niya. Kasi matagal kong pinangarap iyon. Pero hindi ko pa din naman nakakalimutan na rebound lang ako." parang bigla na lang ako nalungkot. Hindi ko alam pero bumigat talaga ang pakiramdam ko. "I'm sorry girl. Alam mo namang ayaw lang namin masaktan ka. Ulit." paumanhin ni Mich. Niyakap niya ako kapagkuwan. Niyakap ko din siya pabalik. Naiintindihan ko naman sila. Alam kong concern talaga sila sa akin. At siguro kailangan ko din talaga ng mga taong magpapaalala sa akin kung ano lang ako sa buhay ni Vince para hindi ako masyado umasa. At sa bandang huli ay masaktan ulit. Dumating na ang professor namin kaya umayos na kami ng pagkakaupo. Mabilis tumakbo ang oras. Hindi namin namalayan na 1pm na pala at lunch time na namin. May tatlong oras na vacant ulit kami bago ang susunod na klase namin. Pumunta muna kami sa canteen para kumain ng lunch. Sila Mich at Aya na ang umorder para sa akin. Ako naman ang humanap ng pwepwestuhan namin. May nakita akong bakante malapit sa entrance ng canteen. Doon ko napagdesisyonan na pumwesto kami. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan kung may text o tawag ba si Vince sa akin. Wala man lang siyang reply maski sa text ko sa kanya kaninang umaga. Baka nasa klase na iyon ngayon. Dumating na sila Aya at bitbit ang lunch namin. Kwinento ko sa kanila ang mga nanyari noong weekend sa akin habang kumakain kami. Nagtatawanan kami ng biglang may umupo s tabi ko. "Hi girls!" ani Nathan. Ngiting ngiti ito. Kasunod nito si Chris at Francis. Lihim kong hinanap si Vince pero hindi nila ito kasama. "May kinausap lang saglit iyong boyfriend mo. Wala kaming professor kaya pumunta na lang kami dito kasi alam ni Vince na break niyo. Susunod din iyon." anito. "Hi Papa Nathan!" impit na tili ni Aya. Dead na dead talaga ito kay Nathan. Ayon sa kanya super crush lang daw niya si Nathan unlike daw sakin na super love. "Dito na kayo umupo a! Subuan kita." Hinila ni Mich ang buhok ni Aya ng akmang yayakapin nito si Nathan. "Ano ba yan, Aya! Maghunus dili ka nga. Nakakahiya ka." anito. "Mich naman e. Inggitera." ani Aya. "Hindi ko crush iyan. Saka mas maganda ko sa iyo. Inggitera your face!" Inirapan nito si Aya. "Hey girls! Wag niyo kong pag awayan. Easy." ani Nathan. Pumagitna pa ito sa dalawa na akala mo referee. "Mangarap ka! Feelingero. For your information mas guwapo pa iyong daddy ko sa iyo 'no" pang aasar ni Mich. Humagalpak ng tawa si Chris at Francis. "Wala ka pala pare e. Mahinang nilalang." ani Francis. "May narinig kayong nagsalita? May duwende ata dito. Tabi tabi po!" sabay hawi kay Francis. Patola talaga 'tong babaeng 'to! "Oy! sobra ka na a. 5'5 ako 'no." ani Francis. "Still matangkad pa din ako sa iyo. Kaming tatlo." ani Mich sabay turo sa amin ni Aya. Hindi na nakaimik si Francis dahil alam niyang tablado na siya. Sa aming tatlo si Mich ang patola talaga. Sobrang malakas din itong mang asar kaya quiet na lang kami dahil baka kami pa ang asarin nito. Minsan kasi realtalk ang mga banat nito e. "Tama na iyan! Order muna kami girls." ani Chris sabay yaya sa dalawang binata. Hihirit pa sana si Nathan pero pinigilan na ito ni Chris. "Tama na. Lika na!" Naglakad na sila papunta sa mga food stalls. "Ikaw nga Aya magdahan dahan ka nga sa kilos mo. Di mo ikinaganda iyan." pangangaral ni Mich kay Aya. "Yes sister. I'm sorry po." ani Aya. Nag antanda pa ito na parang nagdadasal. Katulad nong mga madre na nakita namin sa isang palabas kapag nakagawa ng kasalanan. "Nang aasar ka pa?" hamon ni Mich. "Biro lang. Init ng ulo. Meron ka 'no?" inismiran lang siya ni Mich kaya bumalik na lang ito sa pagkain. Nakabalik na sila Chris sa table namin pero wala pa din si Vince. Gusto ko na siyang tawagan pero baka sabihin naman nito ay ang clingy ko masyado. Nagpatuloy na lang kami sa pagkain. Nagkwekwento si Francis habang kumakain kami. Binabara naman siya ni Mich madalas pero kwento pa din siya ng kwento. Kahit walang enta. Bad, Katniss. Hinihintay namin si Nathan sa entrance ng Canteen dahil umihi ito saglit ng may biglang yumakap sa akin galing sa likuran ko. Hinalikan niya pa ang batok ko. Kaya napaigtad ako sa gulat. "Hoy PDA iyan! Bitawan mo nga si Katniss." ani Aya habang tinatanggal ang braso ni Vince na nakayakap sa bewang ko. Pero imbes na alisin ni Vince ay mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. "Wala akong pakialam sa kanila. Tita ko may ari ng school na 'to." ani Vince. "Attitude." ani Mich. "Asan na ba iyang kaibigan niyo. Tagal tagal mag CR, kala mo babae." naiinis na wika nito. Nilingon ko si Vince habang nakayakap pa din siya sa akin. Ipinatong niya ang baba niya sa kanang balikat ko. "May problema ba babe?" tanong ko sa kaniya na kami lang dalawa ang nakakarinig. "Inaantok lang ako. Kumain ka na?" Tumango ako. "Sinong kinausap mo? Sabi nila Nathan may kinausap ka daw." Humigpit lalo ang pagkakayakap nito. "Babe, baka naman mabali ang buto ko sa higpit ng yakap mo." biro ko sa kaniya. "Ang sarap mo kasi yakapin." Niluwagan noto ng konti ang pagkakayakap sa kin. "Kinausap ko lang iyong dati kong kaibigan." sagot nito. "Kumain ka ba ng lunch?" "Doon kami sa fastfood sa tapat ng University nag usap kaya kumain na din kami." "Mabuti naman. Bumitaw kana, andiyan na si Nathan. Pupunta kami sa field gusto mo doon ka na lang muna matulog." Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin. Kinuha niya ang mga libro na hawak ko tapos ay hinawakan niya ang kamay ko. "Tara." aya ni Vince. Something is bothering you. Pero ano?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD