Chapter Four

2026 Words
Vince POV Nagmamadali akong bumalik sa loob ng bar pagkakuha ko ng gitara sa kotse. Ayokong iwan ng matagal doon si Katniss dahil hindi naman iyon ang crowd na nakasanayan niya. Pagkapasok ko ng exit door ay wala siya doon. Inikot ko ang mga mata sa loob ng bar pero hindi ko makita si Katniss dahil sa dami ng tao ngayon. Sabi ko antayin ako dito e. Pasaway talaga kahit kailan! Kastigo ko kay Katniss sa loob loob ko. Tinawagan ko ang cellphone niya pero out of coverage ito. Asan ka na ba? Tinawagan ko si Nathan dahil baka bumalik lang ito sa kwarto namin. "Pare andyan ba si Katniss?" tanong ko agad pagkasagot niya. "Di ba kayo ang magkasama? Bakit sakin mo tinatanong?" anito. "Iniwan ko kasi siya dito sa exit door malapit sa backstage kaso biglang nawala pagbalik ko. Di ko macontact iyong cellphone niya. Kaya tinawagan kita dahil baka bumalik siya diyan." "Wala siya dito. Labas na din kami. Tulungan ka naming maghanap." Binaba na nito ang tawag. Pupunta na sana ako ng entrance door ng biglang may nahagip ang mata ko sa taas ng stage. Katniss? Anong ginagawa mo diyan? "Hello! Good evening everyone! Alam namin na nag eenjoy kayo ngayong gabi. Kaya mag enjoy pa tayo lalo!" bati ng babaeng bahista na kasama ni Katniss sa stage. "So anong gusto niyong tugtugin namin ngayong gabi?" Kitang kita kung paano mailang si Katniss habang nasa entablado. Mahiyain talaga siya kahit noon pa man. Kahit pa pakantahin niyo siya sa family gatherings nila ay hindi mo talaga ito mapapakanta. Kahit nga ako ay hindi ko pa naririnig itong kumanta. Wala daw siyang talento sa pagkanta o kahit ang pagsayaw. "Okay para sa unang kanta. Pagbibigyan namin kayo. Ang dami palang blinks dito a." natatawang wika ulit ng babaeng bahista. Lumapit ito kay Katniss at may ibinulong. Napakamot si Katniss sa ulo at halatang problemado, nakanguso pa habang umiiling sa kausap niya. Parang bata talaga! "Pare!" tawag nila Nathan at Chris sa akin. Lumapit ang mga ito sa pwesto ko. "Bakit nasa stage si Katniss?" tanong ni Francis. "Hindi ko din alam." naguguluhang sagot ko din. Nagsimula ng tumugtog ang banda. Puwesto si Katniss sa gitna at huminga ng malalim. Come a little closer 'cause you looking thirsty I'ma make it better, sip it like a Slurpee Snow cone chilly Get it free like Willy In the jeans like Billie You be poppin' like a wheelie "Pare! Di ko alam na kumakanta pala si Katniss." ani Francis na katulad ko ay hindi din makapaniwala. Hindi pa din palagay si Katniss sa stage, nililingon niya ang mga kasama niya, kaya makikita mong sinasabihan siya ng mga ito na kaya niya iyan. Dalawa silang kumakanta. Iyong bahista ang kumakanta ng rap part ng kanta. Even in the sun, you know I keep it icy You could take a lick but it's too cold to bite me Brr, brr, frozen You're the one been chosen Play the part like Moses Keep it fresh like roses (oh) Look so good yeah, look so sweet (hey) Lookin' good enough to eat Coldest with the kiss, so he call me ice cream Catch me in the fridge, right where the ice be Habang tumatagal na nasa stage si Katniss ay napapalagay na ito sa entablado. Nag eenjoy na din ito, dahil sumasayaw na din ito habang kumakanta. Siguradong nakadagdag sa confidence niya ang crowd. Nagsisigawan at sumasayaw ang mga ito. At higit doon ay parang may koreana talagang kumakanta sa entablo. Dahil mukha talagang koreana si Katniss. Alagang alaga kasi ito ni Tita Macy. Sabi ni Katniss ay nagtayo si Tita Macy ng skincare line dahil daw sa kanya dahil sensitive ang balat ng dalaga. Kinalabit ako ni Nathan. "Pare! After nito kunin mo ng bokalista iyan si Katniss. Mukhang gustong gusto siya ng crowd." natatawang anito. "After nito, wala ng susunod." sagot ko. Habang hindi inaalis ang tingin kay Katniss. "Damot! Pre girlfriend mo lang iyan, di mo siya pag aari. Akong kakausap sa kanya mamaya." anito. Hinarap ko ito at binatukan. "Subukan mo lang, aalis ako sa banda mo." Inismiran ako nito na kala mo ay babae. Keep it movin' like my lease up Think you fly, boy, where your visa? Mona Lisa kinda Lisa Needs an ice cream man that treats her (hey) Na na na na na Na na na na na (hey) Ice on my wrist, yeah, I like it like this Get the bag with the cream If you know what I mean Ice cream, ice cream Ice cream, chillin' Na na na na na Na na na na na (hey) Ice on my wrist, yeah, I like it like this And I'm nice with the cream If you know what I mean Ice cream, ice cream Ice cream You really enjoying the night baby. And your really beautiful up there. Nakatingin si Katniss sa crowd na parang may hinahanap. Nang mapatingin siya sa direksyon namin ay kinawayan ko siya. Kumaway siya pabalik at nag peace sign. Ngayon lang ako naalala. Hanep! _______ Katniss POV "Ang galing mo pala e!" sabi ni Tintin sa akin, iyong bahista nila na kumakanta kasama ko kanina. Nginitian ko siya at nagpasalamat. Naalala ko si Vince. Malamang hinahanap na ako non kanina pa. Luminga linga ako sa mga tao sa loob ng bar. Hanggang sa may mapansin akong kumakamaway sa akin sa bandang kaliwa ng entablado. Nakangiti siya sa akin. Nag peace sign ako dahil alam kong lagot na naman ako mamaya. Hindi dahil sa kumanta ako sa stage at nagperform, kundi dahil malamang hinanap ako nito kanina. At baka nag alala ito sa akin. Kinalabit ako ni Tintin kaya nilingon ko siya. "May boyfriend ka na daw ba sabi ni Kuya pogi?" tanong nito at tinuro ang isa sa mga lalaki na nasa baba ng stage. Pinaakyat ni Tintin ang lalaki at binigay sa lalaki ang mikropono nito. "Am, kinakabahan ako." Nagtawanan ang mga nanonood sa tinuran ng lalaki. Para kasi itong teenager na natotorpe sa nililigawan niya. "Miss, may boyfriend ka na ba? Na love at first sight yata ako." Nagsigawan ang mga tao. Ang iba naman ay nagtawanan. Tumingin ako sa direksyon ni Vince, at mukhang sumama ang timpla nito. Dahil kahit malayo ay kita ko kung paanong halos magsalubong ang mga kilay nito. Selos yarn? Sasagutin ko na sana ang lalaki ng biglang marinig ko ang boses ni Nathan na sumigaw. "Eto pare ang boyfriend niyan." sabay turo nito kay Vince na hanggang ngayon ay magkasaluong pa din ang kilay. "Basted kana agad." natatawang turan ni Nathan. Siraulo talaga! Nagtawanan tuloy ang mga nanonood sa amin. Nabasted na nga napahiya pa. Gunggong talaga tong Nathan na to. "Wala pa man brokenhearted na agad ako." nakanguso pang litanya ng lalaki. Iniabot ko ang kamay ko sa kanya. Nagulat siya. Napapakamot sa noong tinanggap niya ang pakikipag kamay ko. "Sorry." hinging paumanhin ko sa lalaki. "I'm Katniss, i can't be your girlfriend, but i can be a friend." "Brix. Nice meeting you. Sayang, ngayon lang kita nakilala. Well i guess, I Love you, Goodbye." Umakto pa itong kunwaring nasasaktan at nakahawak sa dibdib nito. Kumaway ito sa mga nanonood bago bumaba ng entablado. Tumingin ako sa direksyon ni Vince. Nang magtama ang paningin namin ay ngitian ko siya. Ngumiti din ito. "Dahil sa broken hearted ka, let Katniss sing a song for you, Brix." wika ni Tintin. Natawa naman ako dito. Inayos ko ang sarili ko at hinintay tumugtog sila. Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan Pipilitin ba ang puso kong hindi na masaktan? Kung hindi ikaw ay hindi na lang Pipilitin pang umasa para sa 'ting dalawa Giniginaw at hindi makagalaw Nahihirapan ang pusong pinipilit ay ikaw Hindi ko alam kung kinakanta ko ito para kay Brix, o para sa sarili ko. Ito kasi iyong hugot song ko noong malaman kong inlove na si Vince kay Bea. Halos araw araw akong parang wala sa sarili ko noon. Gabi gabing umiiyak. I'm happy for him, but it really hurts so much. Iniwasan ko siya, palagi akong nagdadahilan sa twing yayayain niya akong lumabas kasama nila. Mahal ko siya pero syempre mahal ko din ang sarili ko. Hindi ako ganoon ka masokista. Pero sa huli, mas nangibabaw pa rin sa akin iyong gusto ko siyang makasama, iyong manatili sa tabi niya kahit bestfriend lang ako. At iba ang mahal niya. Kung 'di rin tayo sa huli Aawatin ang sarili na umibig pang muli Kung 'di rin tayo sa huli Aawatin ba ang puso kong ibigin ka? Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan Pipiliin bang umiwas nang hindi na masaktan? Tumingin ako sa direksyon kung nasaan si Vince at ang mga kabanda niya. Kumakaway si Nathan sa akin. Si Chris naman ay pumapalakpak na animo ay tagahanga ko. Si Francis ay nag thumbs up naman sa akin. And there is Vince, nakangiti siya sa akin. He is saying something pero hindi ko maintindihan. Kung hindi ikaw ay sino pa ba Ang luluha sa umaga para sa 'ting dalawa? Bumibitaw dahil 'di makagalaw Pinipigilan ba ang puso mong iba'ng sinisigaw? Now that I've given a chance para maging girfriend niya. Kahit alam kong umpisa pa lang talo na ako. Gusto ko pa din subukan. Dahil kahit masaktan man ako sa huli, atleast naranasan ko kung paano mahalin ng isang Vince Montecillo kahit kunyari lang. _______ "Thank you, Katniss." ani Tintin. "You save us tonight. Magaling ka naman pala kumanta, pang recording hindi pang banyo." natawa kaming lahat sa tinuran niya. Andito na kami sa backstage dahil tapos na ang performance namin. Aabutan niya sana ako ng pera, iyon daw iyong share nong dapat na papalit kay Jane. Pero dahil ako ang umakyat sa stage, sa akin na daw iyon. "Huwag na, Tin. Nag enjoy naman ako e. Sapat na sakin iyon." tanggi ko sa binibigay niya na pera. " Sumali ka na lang kaya sa amin." aniya. "Hindi pwede." Umakbay sa akin ang nagsalita na iyon. Hindi ko na kailangan lingunin pa dahil alam kong si Vince iyon. "Sorry pero iyon na iyong last time na gagawin niya ulit iyon. Hindi siya para sa pagpeperform." anito. "Ganon ba? Okay lang. Atleast kami ang first and last people na nakasama niya sa stage. Thank you ulit, Kat! Una na kami." paalam nito. Nagpasalamat din ang ibang kasama nila sa banda. Kumaway ako sa kanila noong lingunin nila ako ulit. "Ikaw babae! Sino naman nagsabi sa iyong umalis ka doon sa pinag iwanan ko sa iyo. At mas malala nag perform ka pa talaga." ani Vince. "It was just a mistake. Napagkamalan lang ako. Nakiusap sila Tintin sa akin, wala na akong nagawa. Hindi na kasi sila makakatugtug dito kung di sila magpeperform ngayong gabi. Alam mo naman ako, i have a heart for the needy." sabay ngiti ng malaki. Hinawakan ko iyong mga kamay niya. "Ang saya saya ko kaya kanina. Hindi ko alam ganoon pala pakiramdam ng magperform sa stage. Tapos iyong isang guy, ano nga iyong pangalan non, Ah Brix! Na love at first sight daw siya sakin. Imagine? Feeling ko tuloy mas gumanda ako ng sampong paligo pa." "At tuwang tuwa ka pa talaga. Ipapaalala ko lang sayo Ms. Katniss Louise Mariano, may boyfriend ka na." "Bakit sinabi ko bang wala? Saka bawal na ba akong kiligin? Nakakakilig kaya iyong ginawa niya kanina. Feeling ko nag propose siya sa akin sa harap ng madaming tao." kunyari pang nagdaday dream ako habang nakatingin sa kanya. "Ang sweet di ba?" "Tsk! Sweet na iyon sayo." Tinalikuran niya ako at umakyat na ng entablado. Tinawag ko siya. Lumingon siya habang isinasabit ang guitar strap sa leeg niya. "Sweet di ba? Dun ka sa Brix mo." "Sungit!" nagmartsa ako papunta ng harapan ng stage. "Baka kung san san ka na naman pumunta." Liningon ko siya. "Puntahan ko di ba? Watch me." Binelatan ko siya. "Katniss! Isa!" akmang bababa na siya ng stage ng pigilan siya ni Francis. "Tsk!" Nagsimula na naman mag ingay ang mga tao sa bar ng lumabas ng stage sila Vince at ang banda niya. At karamihan sa tumitili ay mga babae. Mukhang ako ang mababadtrip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD