CHAPTER 5

1363 Words
Pawis na pawis si Ze habang nagbabasa ng bagong update ni Kisses. Mainit kasi ang tagpo ng mga bidang sina Zion at Abby sa bathtub ng bahay ng lalaki. Panay ang ungol ng dalawa habang nagniniig at sinusubukan ang iba't-ibang mga paraan kung paano paliligayahin ang isa't isa. "Oh, my… ang galing niyang gumawa ng story. Sobrang nakaka-wet ito," bulong ng dalaga. Hanggang sa bigla n'yang na-imagine si Dwien na hinahalikan siya. Napapikit siya sa labis na pananabik na sana tulad ni Abby ay paglaruan din ang katawan niya ng kan'yang kababata. Ngunit saglit lang iyon. Bigla kasing tumunog ang cellphone niya kaya nagising siya sa katotohanan na hanggang pangarap na lang ang lahat. Kalaunan ay sinaway n'ya rin ang sarili. Tingin n'ya kasi ay nagiging mahina na siya pagdating kay Dwien. Muntik n'ya na ngang hilingin na halikan siya ng kababata n'ya ng agawin nito ang cellphone niya "How do you find my update?" Laman ng chat ni Kisses. "Ang sarap. Este, ang hot ng update mo today. Na-imagine ko ngang ginagawa namin iyon ng bwisit na bakla kong kaibigan," sagot ni Ze sa chat ni Kisses. Nang ma-realize niya ang sinabi ay agad niyang binura ang reply n'ya sa manunulat pero huli na dahil nabasa na iyon ni Kisses. Sumagot ito sa kan'ya ng emoji na puno ng puso ang mga mata. Ang hindi alam ni Ze ay halos magiba ang papag na higaan ni Dwien. Panay ang suntok nito sa hangin habang tumatalon siya sa sobrang tuwa. Nang araw na 'yon ay nagkita ang dating magkaibigan sa munisipyo. Si Dwien ay masayang-masaya samantalang nakasimangot naman si Ze. Ngunit nawala ang sigla ng binata nang makita nila si Simon. Ang nakasimangot kasi niyang kababata ay biglang naging excited. "Good morning, sir," bati ni Ze sa mayor. Agad itong lumapit sa bagong dating. Ngumiti naman si Simon kay Ze. Inakbayan pa nito ang huli at hindi iyon nagustuhan ni Dwien. "Dwien, mukhang ibang-iba ka yata ngayon," saad ni Simon. Pilit ngumiti si Dwien upang hindi ipahalata sa kan'yang mga kaharap na nasasaktan siya. Hindi lang siya basta nasasaktan, nagagalit din siya sa kan'yang nakikita. "Medyo. Slight lang," sabi ni Dwien. "Bakit? Nakaka-miss ang pagiging malandi mo," wika ng mayor. "Hindi ko talaga alam kung bakit bigla kang nagbago. 'Di ka naman bakla noong nag-aaral tayo pero gusto ko rin naman ang pagiging bading mo." Biglang umismid si Ze sa kan'yang dating kababata. Naiinis siya dahil sa halip na siya ang pansinin ang mayor ay nakatuon ang atensyon nito kay Dwien. Patay-malisya naman ang huli. Ilang saglit pa ay mayroong tumawag sa mayor kaya naiwan muli ang dating magkaibigan. Maging si Ze ay napatanong na din kay Dwien kung bakit bigla itong nagbago. Hindi na kasi nagsasalita si Dwien gamit ang gay lenggo. Hindi na in pumipilantik ang mga daliri nito. Subalit hindi masabi ni Dwien ang tungkol sa sinabi sa kan'ya ni Manang Glor. "Ang ganda ng update sa kwento ni Kisses. Nabasa mo na ba?" tanong ni Dwien sa kausap n'ya. "Wala kang pakialam kung nabasa ko na o hindi pa," sagot ni Ze. "Ang sungit naman. Usapan natin ay hindi mo na ako aawayin. Nangako ka sa akin," muling paalala ni Dwien kay Ze. Naiinis na ngumiti si Ze. Hindi niya nakalimutan ang kan'yang pangako na hindi niya na ito pagsusungitan o kaya ay aawayin sa tuwing magkikita sila kung hindi ay isusumbong siya nito sa kan'yang mga nanang. Tumaas ang perpektong kilay ni Ze. Sa ayaw at sa gusto niya ay kailangan niyang maging mabait sa dating kababata. Ngunit hindi maiiwasan na tarayan niya ito lalo na at mukhang mas napapansin ito ni Simon kaysa sa kan'ya. "Layuan mo si Simon," ani ni Ze sa mahinang tinig. "Bakit? Insecure ka ba, Ze?" tanong ni Dwien. "Hindi! Basta layuan mo siya. Hindi kayo bagay, Dwien. Pangit ka para sa kan'ya." "Hindi pwedeng ikaw lang ang maganda sa paningin niya. Nagbago man ako ng kilos at pananalita, hindi ibig sabihin ay nagbago na ang puso ko," pang-aasar ni Dwien sa kaharap niya. "Akin lang si mayor," diin ni Ze. "Naipa-registered mo na ba siya? Official na bang pagmamay-ari mo siya? Hindi pa naman, 'di ba? Huwag mong ariin ang hindi sa 'yo," malumanay na sabi ni Dwien. "Wag kang lumapit sa kan'ya, hindi kayo bagay." "Hindi talaga kami bagay dahil kami ang itinadhana sa isa't isa." Nang marinig ang sinabi ni Dwien ay lalong nagpuyos sa galit si Ze. Hindi niya naman talaga gusto ang mayor. Ayaw niya lang na lumalapit dito si Dwien. Hindi niya gusto na lumalapit si Dwien sa kahit kaninong lalaki kaya nakikipag-kompetensya siya rito. "Ang haliparot na baklang ito, ang hirap pagbawalan," bulong ni Ze sa sarili n'ya. Matuling lumipas ang mga araw. Nagpatuloy ang away-bati nilang relasyon. Ngunit dahil sa mga payo ni Kisses ay unti-unting binuksan muli ni Ze ang kan'yang sarili sa dati niyang kaibigan. Kahit paano ay nabawasan ang mga away nila. "Hoy bakla, tulungan mo akong i-promote ang libro ni Kisses," minsan ay nasabi ni Ze kay Dwien. "Game!" malakas na sagot ng kababata niya. Doon muling nagsimula ang lahat. Palagi na silang magkasama at pinag-uusapan ang tungkol sa librong Lust in the Dark. Hanggang isang araw, nagkaroon ng meeting ang mga miyembro ng kanilang organisasyon sa barangay. Ginanap iyon sa bahay ni Dwien. Ang binata kasi ang presidente ng kanilang samahan. Labag man sa loob ng mga nanang ni Ze ay pumayag ang mga ito na pumunta ang dalaga sa bahay ng mga baklang kinaiinisan nila. Hindi nila mapaalis ang kanilang pamangkin sa grupo dahil may mahalagang papel iyon sa barangay. Tinutulungan nila ang mga kabataan na mamulat sa tamang asal. Nagbibigay din sila ng pinansyal na suporta sa mga batang hindi kayang makapag-aral. Ginagawa nila iyon sa pamamagitan ng pag-solicit sa mga nasa gobyerno. Pagkatapos ng meeting ay nagkaroon ng masayang salo-salo ang kanilang grupo. Maaga pa lang ay nagpaalam na si Ze na uuwi na siya. "Mamaya ka na umuwi. May kailangan pa tayong pag-usapan tungkol sa gagawin nating programa sa susunod na linggo," hiling ni Dwien. "Hahanapin na ako ng mga nanang ko, Dwien" sabi ni Ze. "Alam nilang narito ka. Ze, ipinaalam ka na ni kapitan." "Oo nga, pero masyadong nang matagal ang meeting na ito," inis na sabi ni Ze. Dahil sa mga kabataan na naroon din sa bahay ni Dwien ay nakumbinsi rin ang dalaga na manatili muna hanggang sa naging abala sila sa pakikipag-usap. "Uuwi na ako, Dwien," muling paalam ni Ze Tumayo siya at kinuha ang kan'yang bag. Mag-a-ala-una na kasi ng hapon. "Umupo ka nga muna. Hindi pa tayo tapos, 'di ba? Kailan mo ibibigay sa akin 'yong buong listahan ng mga nabigyan na dati ng tulong?" simula ni Dwien ng usapan. Muling umupo si Ze. Tumabi sa kan'ya ang binata. Ang totoo, kaya niya gustong umuwi na ay dahil siya na lamang ang naiiwan sa bahay ni Dwien. Nag-uwian na kasi ang kanilang mga kausap kanina. Maliligo kasi ang mga ito sa ilog. Mula sa importanteng usapin, ang usapan ng magkaibigan ay nadako sa libro na Lust in the dark. Hindi namalayan ng dalawa na komportable na silang nag-uusap. "Sobrang hot nina Zion at Abby sa bed," bulalas ni Ze. "Huwag mo ako isusumbong sa mga nanang. Pero grabe kasi talaga ito… ang init. Sobrang galing talaga ni Kisses, 'di ba?" Nakatawa lang na nakatingin si Dwien habang nakikinig sa mga sinasabi ni Ze. Magkatabi sila sa sala at halos magkadikit ang kanilang mga katawan. Hindi nagpapahalata ang binata na napakatindi ng epekto sa kan'ya ng katabi. "Sana ay may magmamahal din sa akin katulad ng pagmamahal ni Zion kay Abby, kasi mamahalin ko rin siya katulad ng pagmamahal ni Abby kay Zion." "Mahal kita, Ze," bulong ng puso ng binata. "Hoy, ano ba? Uuwi na talaga ako. Ako lang ang daldal ng daldal dito, hindi mo naman ako kinakausap," turan ni Ze sabay tayo. "Pwede ba kitang halikan katulad nang kung paano halikan ni Zion si Abby?" Wala sa loob na naitanong ni Dwien sa kababata n'ya. Nanlaki ang mga mata ni Ze lalo na nang hilahin siya ni Dwien sa kamay at mapaupo siya sa kandungan ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD