CHAPTER 8

1958 Words
"Author Kisses! Niyakap ako ni bakla!" Agad na chat ni Ze sa author na naging kaibigan niya na. "Legit ang kilig. Iba talaga ang dating n'ya sa akin. Artistahin talaga siya sa paningin ko." Puro puso naman ang naging sagot ni Kisses sa kan'ya. Naisip ni Ze na baka busy lang sa pagsusulat ang manunulat kaya hindi na siya muli pang nag-chat. Kusa naman kasing nag-chat-chat ang author kapag hindi na ito busy. Iyon ang dahilan kaya minahal n'ya si Kisses. Hindi kasi ito katulad ng iba na suplada. Samantala, ipinatawag ni Simon sa opisina n'ya si Dwien. Galit ang mayor at iyon ang unang beses na nagkaroon ng komprontasyon ang dalawang dating magka-klase. "Alam kong nagpapanggap ka lang na bakla para mahipuan mo si Ze. I am not tolerating that illegal act in my office!" sigaw ni Simon sabay pukpok sa lamesa. "Pare, hindi illegal act iyon. Magkaibigan kami," pangangatwiran ni Dwien. "Magkaibigan? Huwag mo 'kong ma-pare-pare! Isang malaking kabastusan ang ginawa mo! Ipinakita mo pa sa mga empleyado at mga bisita dito sa munisipyo kung anong klaseng tao ka!" Tumayo si Simon mula sa pagkakaupo at saka pinukpok ulit ang lamesa na nasa harapan niya. Napakunot ang noo ni Dwien. Hindi niya kasi alam kung ano ang dahilan at nagkakaganoon ang kan'yang dating dorm mate. Sa tagal na nilang magkasama ay ngayon n'ya lang nakita ang kakaibang ugali nito. Pinagtabuyan ni Simon si Dwien palabas ng opisina nito. Sa kauna-unahang pagkakataon ay ipinaramdam nito ang kan'yang pagiging mas makapangyarihan kaysa kay Dwien. "Ano kayang problema n'ya" tanong ni Dwien sa sarili. Nang araw na iyon ay naging abala si Dwien. Tambak ang trabaho niya kaya ultimu oras ay nakalimutan na niya. Dumating ang oras ng tanghalian na hindi niya namalayan. "Dwien, nasaan ka ba? Sabay ba tayong kakain?" laman ang text ni Ze. "Pasensya ka na, nasa labas lang ako. Ang daming trabaho," sagot ni Dwien. Dumating ang oras ng uwian, agad niyang hinanap si Ze. Ngunit nagulat siya sa kan'yang natanggap na mensahe. "Dwien, ihahatid daw ako ni Simon," sabi ni Ze sa chat. Hindi na sinagot ni Dwien ang message na iyon. Nasasaktan siya dahil sa isang iglap, nakalimutan siya ni Ze at sumama ito sa iba. Mag-isang umuwi si Dwien. Pagdaan niya sa bahay ng kan'yang kababata ay dire-diretso lang siya dahil nakaparada ang sasakyan ni Simon sa harapan noon. Nakita niya rin kung paanong magiliw na tinanggap si Simon ng mga tiyahin ni Ze. Pagdating sa bahay nila ay walang nagawa ang binata. Umupo lang siya sa may puno ng niyog at doon ay nagmuni-muni. Hanggang sa dumating si Stephanie. "Hi. Ihatid ko lang itong merienda. Ginawa ko iyan para sa 'yo. Pasensya ka na, bihon lang ang nakayanan ko," sabi ni Stephanie sabay abot niya kay Dwien ng pagkain na nakalagay sa isang tupperware. "Sana hindi ka na nag-abala pa," wika ni Dwien. Kinuha niya ang pagkain dahil ayaw niyang mapahiya si Stephanie. Kahit gusto na niyang ipagtabuyan ang babae pauwi ay hindi niya magawa. Nagtitimpi si Dwien habang pilit na hinaharap ang kan'yang bisita. Naghahabol na siya ng update sa kan'yang story kaya gusto na niyang magsulat ngunit hindi niya magawa dahil nakatambay pa rin sa bahay nila si Stephanie. "Stephanie, pwede bang umuwi ka na? Malapit nang dumilim at marami pa akong gagawin." Hindi napigilan na sabi ni Dwien ng halos dalawang oras na si Stephanie sa bahay nila at ayaw pa rin nitong umuwi. Ngunit tila hindi siya narinig ng babae. Hanggang sa tuluyan na ngang dumilim. Inabutan na lang ng hapunan si Stephanie sa bahay nila ngunit doon lang ito nakatambay at pilit na nagbubukas ng usapan. "Nakakainis na babaeng ito, marami pa 'kong gagawin," lihim na reklamo ng binata. . Hanggang sa dumating si Mamang Jessa at siya na mismo ang nagtaboy kay Stephanie pauwi. Nang mawala ang babae ay noon lamang nasilip ni Dwien ang kan'yang cellphone. "Kisses, this is the worst day of my life. Maghapon ay hindi ko halos nakita si Dwien after n'ya akong yakapin kanina. Nang pumunta naman ako sa kanila, nandoon ang babaeng patay na patay sa kan'ya. Hindi ko alam pero nasaktan ako," sumbong ni Ze sa kan'yang paboritong author. Nanghihina na ibinaba ni Dwien ang kaniyang cellphone kung saan niya binasa ang chat ni Ze. Sa halip na magsusulat siya ay nahiga na lang siya dahil nawala na siya sa konsentrasyon. Minabuti niyang tawagan naman si Ze gamit ang tunay na pangalan. "Bakit ka napatawag?" May himig pa ng pagtatampo sa boses ni Ze nang sagutin nito ang tawag niya. "Sobrang busy ako sa maghapon na ito," pagdadahilan ni Dwien. "Kanina pa sana ako tatawag sa 'yo kaya lang ayaw umalis ni Stephanie dito sa bahay. Nasayang ang tatlong oras ng buhay ko. "Ako rin, maraming oras din ang buhay ko ang nasayang ngayong araw," tugon ni Ze. Nagkuwentuhan ang dalawa ng mga reklamo nila kina Simon at Stephanie. Ilang oras din silang nag-usap hanggang sa muli ay naging inspirado si Dwien na ipagpatuloy ang pagsusulat. Samantala, sa bahay nina Ze ay panay ang sermon ng kan'yang Nanang Clara. Akala ni Ze ay tapos na ito ngunit hindi pa pala. Maliwanag pa lang kasi, pinagagalitan na siya nito at paulit-ulit siyang pinagbabawalan ng tiyahin na makipag-usap kay Dwien kahit pa oras ng trabaho. "Wala na siya sa katwiran," naiinis na sabi ni Ze sa sarili habang pinakikinggan lang ang kan'yang Nanang Clara. "Bakit po ba kayo nagagalit kay Dwien?" Lakas loob na tanong ni Ze sa kanyang tiyahin. "Dahil ayaw ko sa mga taong nagpapanggap," mabilis na sagot ng Nanang Clara niya. Hindi na nag-urirat pa si Ze. Nang lumabas ang kan'yang nanang sa kan'yang silid ay agad niyang binalikan ang kan'yang cellphone. "Hi," chat ng isang taong hindi niya kilala. "Pa-send naman ng kopya ng Taming His Wild Heart." Inis na inihagis ni Ze ang cellphone niya sa ibabaw ng lamesa. "Nakakainis sa mga readers na ayaw magbasa ng legal," bulong niya sa sarili. Muli niyang kinuha ang cellphone at nagsimula na siyang mag-type upang sagutin ang babaeng nag-chat sa kan'ya. "Mukha ba akong illegal seller ng mga stories? Magbasa ka ng legal sa app. Kung hindi mo kayang gawin iyan, huwag ka na lang magbasa. Dagdag ka pa sa mga basura na kailangan linisin sa social media." Nag-reply ang babae at sa pagkakataong iyon ay daig pa nito ang humabi ng isang chapter ng nobela. Galit na galit ito at pinagmumura si Ze. Gusto pa sana siyang sagutin ni Ze tutal ay wala naman siyang gagawin ng gabing iyon. Subalit nang sabihin niya ang kan'yang plano kay Kisses ay pinigilan naman siya nito. Dumating ang buwan ng Mayo. Abala ang lahat sa paparating na fiesta sa kanilang baryo. Dahil kapwa may tungkulin sa kanilang barangay, hindi mapigilan ng mga tiyahin ni Ze na magkita silang dalawa ng kan'yang kababata kapag may mga kailangang gawin sa barangay. "Ze, ikaw daw ang mag-lead ng novena," sabi ng isa sa mga namamahala sa kanila chapel. Tuwang-tuwa si Ze nang marinig iyon. Iyon kasi ang isang bagay na pinananabikan niya tuwing buwan ng Mayo. Excited na hinawakan niya pa ang kamay ni Dwien bago siya lumapit sa may altar. Masaya naman si Dwien habang pinanonood siya sa kan'yang ginagawa. "Dapat turuan natin ang mga kabataan rito sa ating lugar na maging mabuting mga bata," hikayat niya sa mga kasamahan niya sa organisasyon na binubuo ng mga kabataan. At gano'n nga ang nangyari. Pinamunuan ni Dwien ang pagtuturo ng kabutihan sa mga bata. Dahil doon ay madalas din silang magkasama ni Ze sa tuwing wala silang pasok sa munisipyo. Ngunit kahit gano'n ay madalas pa rin na napagtritripan ng mga kabataan ang pagiging bakla ni Dwien. Pilit naman hindi pinapansin ng binata. Dahil sa tumitinding panghuhusga ng mga tao ay pinagsisisihan niya na minsan ay naisip niyang magpanggap na bakla. "Bakit tila napakalaking kasalanan ang maging iba sa mga tao sa paligid?" tanong ni Dwien kay Ze. Nabanggit ni Kisses ang mga katagang iyon sa chapter thirty-two ng librong Lust in the Dark. Tanong iyon ni Zion kay Abby. "Oo nga. Bakit nga ba?" Naitanong din ni Ze sa sarili n'ya. Naaawa kasi siya sa kababata niya lalo at maging sa trabaho nila ay nakikita niyang tinatapak-tapakan lang si Dwien ng mga kasamahan nito. Habang lumilipas ang mga araw ay tumitindi ang pang-aasar dito ng mga katrabaho nila sa munisipyo. Hindi man nagsusumbong sa kan'ya si Dwien ay batid ni Ze ang pinagdadaaanan nito sa araw-araw at hanga siya sa tapang nito. Ngayon ay di na ito nagsasalita at kumikilos na parang bakla kaya natutuwa siya. Hindi lang iyon, lalo rin nagiging malapit ang kan'yang puso sa kababata niya kaya kahit anong sabi sa kan'ya na kan'yang mga tiyahin na lubayan n'ya ito ay hindi na sila sinusunod. Dahil malapit na ang fiesta kaya gabi-gabi mayroong Flores de Mayo sa kanilang barangay. Gabi-gabi rin silang nagkakaroon ng oras ni Dwien na makapag-usap ng sila lang. At ang bawat oras na iyon ay mahalaga para sa kaniya. "Nag-usap pa ba kayo ni Kisses?" tanong ni Ze kay Dwien para lang may mapag-usapan sila. Nasa tabi sila ng plaza at nanonood ng sayawan. Bisperas na kasi ng fiesta. "Bihira," pagsisinungaling ni Dwien. "Kayo?" "Madalas pa rin. Sumbungan ko iyon, eh," pag-amin ni Ze. "Sosyal. Author pa ang sumbungan n'ya," kunwari ay pang-aasar ni Dwien sa katabi n'ya. "Minsan kasi ay hindi ko na matagalan sina nanang at ang walang kamatayan nilang batas. Matanda na ako pero itinuturing nila akong bata. Palagi na lang silang galit sa akin," sambit ni Ze. "Dahil ba sa akin?" "Oo. Minsan, hindi lang ikaw ang dahilan. Marami rin. Ang sinauna nilang paniniwala ay iginagalang ko naman pero nakakasakal. Alam mo iyon?" Ngumiti si Dwien. At ginulo ang buhok n'ya. "Paano tayo magpapakasal kung ayaw mong pasakal?" mahinang tanong ni Dwien. Nanigas ang katawan ni Ze. Kasal? Sakal? Hindi n'ya alam kung tama ba ang narinig n'ya o nag-i-imagine lang siya lalo at kanina pa siya humihiling na sana kahit saglit lang ay halikan siya ni Dwien. "Ano'ng sinabi mo?" tanong ni Ze nang hindi na siya makatiis pa. "Sabi ko, sa barangay natin na ito talagang nakakasakal ang sinaunang paniniwala pero huwag nating isipin na nakasasakal ang sundin iyon," pagsisinungaling ni Dwien. Inis na tumayo si Ze. Dire-diretso siyang umuwi sa kanilang bahay. Wala siyang pakialam kung mag-isa lang siya roon dahil nasa plaza pa ang kan'yang mga nanang. Nakikipaghuntahan pa ang mga ito sa mga ka-baryo nila. Pagdating sa tarangkahan ng bahay nila ay biglang pinigilan ni Dwien ang gagawin n'ya sanang pagbukas niya ng gate. "Dwien," anas ni Ze. Hindi siya makahinga dahil magkadikit na halos ang mga katawan nila ng kababata n'ya. Habang nakahawak si Dwien sa gate ay hinapit ng kanang braso nito ang kan'yang baywang. Nabigla si Ze pero nananabik na naihawak n'ya ang mga kamay sa t-shirt ng binata, sa tapat mismo ng baywang din nito. Nagliliyab ang katawan niya sa labis na pananabik na mahalikan ni Dwien ng mga oras na iyon lalo at tila sila itinatago ng kadiliman ng paligid. Hanggang sa naramdaman niya na lang ang mainit na halik ni Dwien sa kan'yang mga labi. Hindi siya agad nakakilos dahil sa pagkalito ngunit nang maramdaman n'yang pareho ng paghalik ni Zion kay Abby ang ginagawa ni Dwien kaya hindi n'ya napigilan na tumugon sa halik ng kababata niya. Pareho ng paraan kung paano tinutugon ni Abby ang halik ng lalaking lihim n'yang minamahal sa dilim ang ginawa niya. Ligaya ang hatid ng mga nag-e-espadahan nilang mga dila. Napakalambot ng labi ni Dwien kaya hindi n'ya na maisip ang tama at mali. Kapwa sila nadadarang sa init ng kamunduhan hanggang sa makarinig sila ng boses ng mga galit na tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD