CHAPTER 3

1148 Words
Pagkababa ng jeep ay daig pa nina Dwien at Ze ang mga aso't-pusa. Mabilis na naglalakad ang huli at panay habol naman ang dati n'yang kaibigan. Wala silang pakialam kung mukha silang magkasintahan na nag-aaway sa gitna ng kalsada. "Chaka, hintayin mo naman ako. Siguro kaya ayaw mo akong makasabay ay dahil ayaw mong masapawan ng vaklush," pang-aasar ni Dwien. "Katuray, tigilan mo ako. Itong bwisit na ito feeling maganda, chararat naman," umuusok ang ilong na sagot ni Ze. "Ay bongga! Knows n'ya na ang magsalita ng gay lingo!" Pumalakpak ng ubod landi si Dwien. Dahil sa nakitang kalandian ng kaaway kaya mas mabilis ang naging paglakad ni Ze. Wala siyang pakialam kung matalisod na siya dahil sa haba ng palda na suot niya. Araw kasi na pwedeng hindi magsuot ng uniform kaya gabi pa lang ay inihanda na agad ng Nanang Clara niya ang susuotin n'ya. Ayaw n'ya man sa inihanda ng tiyahin ay wala siyang magawa. "Gurl, madapa ka. Baka mauna ang mukha mo, ma-flat lalo ang ilong mo," sabi ni Dwien para makuha ang atensyon ni Ze. "Kapag hindi ka tumigil, hahalikan kitang bakla ka!" Biglang napatda si Dwien. Ang tagal n'ya nang ini-imagine na hinahalikan siya ni Ze. Halos gabi-gabing laman ng mga pangarap n'ya ang kababata. Hindi n'ya na mabilang kung ilang beses niya na itong nakaulayaw sa panaginip n'ya. Nakapasok na sa loob ng munisipyo si Ze pero tulala pa rin si Dwien. Hanggang sa nakita siya ng mga kasamahan niya. Tinukso siya ng mga ito dahil alam ng mga kapwa n'ya engineers na binabae siya. "Kapatid, ka-pederasyon mo rin kami kaya kumalma ka," sabi ng isang mayabang na katrabaho niya. Walang nagawa si Dwien kun'di ang sumakay na lang sa biro nito. Dumating ang araw ng birthday ng mayor ng kanilang bayan. Nagpa-party ito sa kanilang munisipyo. Wala na sanang balak pumunta si Ze dahil hindi n'ya hiling ang makihalubilo sa maraming tao. Subalit pinilit siya ni Simon. Si Simon Astrino ang mayor ng kanilang lugar. Maimpluwensya ang lalaki kahit bente-singko pa lamang ito. Ang karisma at gwapo niyang mukha ang dahilan kung bakit ibinoto siya ng mga tao. Malapit sila ni Dwien dahil magkaibigan na sila simula noong bata pa lang sila. Sa iisang dormitoryo rin sila nanirahan noong nasa kolehiyo sila. Dumating si Ze sa munisipyo suot ang isang elegante na gown. Hiniram n'ya lang iyon sa kababata niyang si Via. Lumutang ang gandang itinatago ng dalaga nang maayusan at mabihisan siya ng maayos. Ang baywang n'yang twenty-six inches ay lalong lumutang dahil sa suot n'yang bandage dress na kulay itim. Hindi naman maalis ang tingin ng mga babae sa kararating lang na si Dwien. Makalaglag panty kasi ang dating ng lalaki kahit nakasuot lang ito ng simpleng polo at itim na pantalon. Alam ng mga babae na bading ang lalaki pero nagpapapansin pa rin sila rito. Hindi rin pahuhuli si Simon. Dahil siya ang star of the night kaya naman ang lakas ng dating n'ya. Ang mga dalaga at mga bakla ay nagsigawan ng umakyat siya sa stage. Isa na roon si Dwien. "Happy birthday, mayor," sigaw ng lahat. Palakasan sila ng sigaw kaya nakisigaw na rin si Ze para matalbugan ang kababata n'yang ubod ng landi. Ang sama ng tingin n'ya rito. Nagsisipaan din ang mga paa nila sa ilalim ng mesa. "Kung bakit ba naman kasi pinagsama pa tayo sa iisang upuan!" maktol ni Ze. "Rita Gomez! Imbey ako sa iyo!" mataray na sagot ni Dwien. Tigilan mo nga ako sa kasasalita mo ng walang kwenta! Ikinatatalino mo ba ang nonsense mong dialogue?" Ngunit hindi na sumagot si Dwien. Ang mga mata n'ya ay naka-focus na sa may kaarawan niyang kaibigan. Kinikilig siya habang nakapilantik ang mga daliri na naghihintay sa sasabihin ni Simon. "Hello, everyone. Thank you for celebrating with me. It's so nice to be with people I love during this happiest time. I am grateful that you, guys, spend your time with me tonight. Enjoy the rest of the hour. Let us all celebrate my special day. Cheers!" wika ni Simon. "Cheers!" sabi naman ng audience. Pagkatapos mag-toast ay bumaba si Simon para kumustahin ang mga bisita. Tumayo sina Dwien at Ze upang batiin siya pero bahagyang tinabig ng una ang dating kaibigan nito. Kumikinding na sinalubong nito si Simon at binati ng isang halik sa pisngi. Nagsigawan ang mga tao lalo na ng hawakan ni Simon ang baywang ni Dwien at bumulabog dito ng, "Baka mamaya, matuluyan ka na n'yan." Napahalakhak si Dwien. Kahit malakas ang musika ay rinig ni Ze ang tawa ng baklita n'yang kaibigan. "Ang landi talaga. Inunahan pa ako sa crush ko," bulong ni Ze sa sarili n'ya. Dahil naunahan na kaya muling umupo na lang si Ze sa silyang inuupuan niya. Binati rin naman siya ni Simon ng ihatid nito sa upuan ang maharot n'yang kababata. "Inggit ka, gurl? Gelli de Belen ka na naman." Binuntutan ni Dwien ng malanding tawa ang sinabi n'ya. Sinipa ni Ze ang hita ng kababata. Tinaasan n'ya rin ito ng kilay. Ngingiti-ngiti lang naman ang lalaki kahit nasaktan. Pagkatapos ng party ay magkasabay na umuwi ang dalawa. Gusto sana silang ihatid ni Simon pero nalasing na ang binata kaya hindi na makapagmaneho pa. Sa jeep ay tahimik ang dalawa. Sila lang ang sakay noon at huling biyahe na kaya wala ng pagpipilian si Ze kun'di ang sumabay kay Dwien. Pagbaba naman ng jeep ay pinauna ng huli na lumakad ang kababata n'ya. Hindi siya pwedeng makita ng mga nanang nito na kasabay niya ang dalaga kaya malayo ang distansya n'ya. Subalit pagtapat ni Dwien sa bahay nina Ze ay nasa may trangkahan pa rin ang dalaga. Nagulat pa siya nang magsalita ito ng, "Oy, malanding bakla! Balita ko dadaan ka sa niyogan. May aswang doon. Habulin ka sana!" Malapad na ngiti ang sumilay sa labi ni Dwien. Masaya siyang matagal na nakasama ang babaeng lihim na itinitibok ng puso n'ya. Walang takot na binagtas n'ya ang niyogan. Nasa gitna pa lamang siya ng madilim na daan ng makita niyang may lumabas na message sa isang account n'ya sa Meetmebook2. Isa iyong online app kung saan nakakausap n'ya ang mga kakilala, kaibigan at mga readers n'ya. "Kisses, I hate him talaga. Sobrang landi ng baklang iyon. Inunahan n'ya ako sa crush ko. Kainin na sana siya ng mga aswang sa niyogan. Pero, Kisses, ang gwapo n'ya kanina," message ni Zeikera Paras. Nagsusumbong muli sa kan'ya ang kababata na isang avid fan n'ya. Kilala siya nito sa Meetmebook2 bilang si Kisses, ang author ng Lust in the Dark. Pasipol-sipol na lumakad si Dwien sa madilim na niyogan gamit ang flashlight ng cellphone n'ya. Walang kamalay-malay ang kaibigan n'ya na ang kaaway nitong kababata ay ang paborito at minamahal rin nitong author. Bawat away nila ay isinusumbong ni Ze sa kan'ya. Wala kasing alam si Ze na siya, si Dwien, at Kisses ay iisa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD