REESE SAMBAKOL ang mukha niya habang naglalakad sa showroom ng mansion. Naiinis siya dahil pinalabas siya ng Tatay niya. Mas nakakainis dahil kahit kailan hindi siya makapalag. Mayroon pa naman sana siya sasabihin tungkol sa arranged marriage na balak nito sa kaniya at tungkol sa nararamdaman niya para kay Keiko. Naabutan niya si Marshall na naglalaro gamit ang PS5. Nalukot lalo ang noo niya. "Buti pa ito gagong 'to parang walang problema," pabulong na usal niya. Napalingon sa kaniya si Marshall. Tila narinig nito ang bulong niya. "Wanna join me?" hikayat nito. Umingos siya. "Wala ako sa mood." "Himala. Wala ka sa mood maglaro. Nakakatamad dito baka mamaya alis na rin ako." Lupaypay na binagsak niya ang katawan sa malambot na leather couch. "Hindi ko pa nasasabi kay Tatay na

