KEIKO KASALUKUYAN nasa loob siya ng opisina ni Mr. Rowan Donovan kasama si Nanay Rosie at nasa tabi naman niya si Reese. Tumikhim si Mr. Donovan sabay sulyap kay Reese. "Can you leave? I want to talk to her alone," maawtoridad na sabi nito saka tumingin din kay Nanay Rosie. Narinig niya ang pagbuntong hininga ni Nanay Rosie at tumayo na. "No! May sasabihin din ako, Tay. I'll stay!" giit ni Reese. Naging mabagsik ang anyo ni Mr. Rowan saka kumuha ng pistol sa loob ng drawer ng office table nito at tinutok kay Reese. Bumadha ang takot sa dibdib niya. Subalit, walang kakurap-kurap si Reese na nakatiim bagang na nakatitig sa Tatay nito. Lumapit naman si Nanay Rosie kay Reese. "That's enough, Mahal." Sita ni Nanay Rosie sa asawa nito. Hinila naman nito si Reese sa braso. "Come one, Rees

