Chapter 3

1628 Words
Alas singko y medya na ng madaling araw ng magising ako kinabukasan. Dali-dali na akong bumangon at inayos ang higaan. Pagkatapos ay tumungo na ng kusina upang magluto ng almusal. Araw ng sabado walang pasok kaya naman di na ako ginigising ni Nanay bago umalis papuntang palengke. Nang makahain na sa lamesa ay tinakpan ko muna ito. Maliligo na muna ako. Wala sa usapan namin ni Grey kung anong eksaktong oras niya ako susunduin pero mas magandang nakabihis na ako bago pa ito dumating. Katatapos ko pa lang magbihis ng maulinigan ang pag-uusap sa baba ng bahay. Muli kong sinipat ang sarili sa harap ng salamin. Nakasuot ako ng faded na skinny jeans at v neck peach blouse na may lampas sikong manggas. Ang mahabang buhok ay mamasa-masa pa kaya inilugay ko muna. Sinuot ko ang aking white sneakers at kinuha ang bag na nakasabit sa likod ng pinto. Nilagay ang isang bimpo, pulbos at suklay sa loob at nagpasyang bumaba na. Bumilis ang t***k ng puso ko ng masilayan ang kaharap ni Tatay sa hapag kainan. Nakatalikod mula sa kinatatayuan ko. "O anak! Andito na si Grey," bati ng kanyang ama. "Good morning," bati nito sa kanya bago humigop ng kape mula sa tasang hawak-hawak nito. Matiim siyang nakatitig sa akin habang ginagawa iyon. "G-good m-morning din," shocks!nauutal na naman ako. Hindi ko mapigilang hindi kabahan sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Umupo ako sa harap ng kinauupuan niy at sumabay na din sa pagkain ng almusal. Nang matapos iyon ay akmang liligpitin ko na sana ang pinagkainan ng pigilan ako ni Nanay. "Ako na Asther. Sige na umalis na kayo ni Grey," turan ng kanyang ina. Tumango ako at nagpaalam na. Si Grey ay sumunod na din sa akin habang sinusuot ang leather jacket niya. Nauna akong lumabas kaya hindi ko nakita ng damputin niya sa sofa ang dalawang helmet. Natigilan ako ng mapahinto sa harap ng isang motorsiklong nakaparada sa harap ng bahay. Hindi ako maalam sa mga motor pero sa tingin palang mukhang mamahalin ang motorsiklong ito. Nakakita na ako ng ganito ng minsang nagdala ng magazine sa eskwelahan si Zaldy. Nasa milyon din ang halaga. "Here, wear this." Inabot sa akin ni Grey ang isang puting helmet. "Diyan tayo sasakay?"sa halip na abutin iyon ay tanong ko. "Yup," maikling sagot niya sabay patong ng helmet sa ulo ko. Hinawi pa niya ang buhok ko at inipit sa likod ng aking tenga. Tinulungan niya akong maisuot ng maayos ang helmet. Pigil ko ang sariling hininga sa kanyang naging kilos. My heart is beating fast at our closeness. His just a few inches away from me. "Di ka pa ba nakasakay ng motor?" tanong niya sa akin. Umiling ako bilang sagot. Nakakahiya mang umamin pero totoong hindi pa talaga ako nakakasakay ng motor. Gusto ko matutong magdrive ng motor pero ayaw ni tatay. Baka daw kasi maaksidente pa ako. Isa pa wala din naman kaming motor. May tricycle naman si tatay na siyang ginagamit naming service. "Really?" manghang dugtong pa ni Grey. Sinuot niya ang itim na helmet na hawak at sumampa sa motor. Inistart niya ito. "Don't worry hindi ako kaskasero kaya safe ka sa'kin, "at kumindat pa sa kanya. Inilahad niya sa akin ang kanang kamay at iginiya pasakay sa motor. Nang makaupo na ako ay tsaka lang niya binitawan ang kamay ko. Hindi ko alam kung saan ako hahawak upang may makapitan. Nag-aalangan naman akong ipatong ang mga kamay sa balikat niya. Napaigtad ako sa gulat ng abutin niya ang magkabila kong kamay. Iginiya niya ito sa magkabila niyang beywang. Hindi pa nakuntento ay pinagsalikop pa niya ang mga kamay ko sa ibabaw ng tiyan niya at marahang tinapik. "You might want to move closer and hold on to me tighter," matapos ay pinaandar na niya ang motorsiklo. Nang lumiko ay di sinasadyang napahigpit ako ng yakap at napasandal ng pisngi sa kanyang likuran. Langhap na langhap ko ang amoy niyang napakaswabe sa ilong. Was it his perfume or his natural manly scent? Ewan. Basta ang sarap niyang amuyin. Ang pag-aalinlangan ko kanina sa pagsakay ng motor ay nalusaw ng maramdaman ko ang init ng kanyang katawan. I feel safe while hugging him from his back. Palihim akong nangiti. Nagugustuhan ko ang pagkakalapit naming ito. Ang sinumang makakakita sa amin ay mag-aakala na magkasintahan kami dahil sa aming posisyon. Naging panatag ang aking kalooban. Wala na akong ibang naririnig kundi ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Ang sarap namnamin ng pagsamyo ng pang umagang hangin na tumatangay sa aking nakalugay na buhok. Ang mabining init ng sikat ng araw na dumadampi sa aking balat ay may ibang init na dala na masarap din sa pakiramdam. Kung 'di siguro kami nakasakay sa motor ay baka nakatulog ako. "Saan tayo?" pukaw sa akin ni Grey. Inisip ko na baka di niya ako marinig ng maayos kaya pinatong ko ang baba sa kanang balikat niya bago nagsabi. "Doon tayo sa tuktok ng burol, maganda doon!" sagot ko na sinabayan ng turo sa daan paakyat sa burol. -Grey- Makaraan ang labinlimang minuto ay narating namin ang tuktok ng burol. Pinarada ko muna ang motorsiklo sa ilalim ng isang mayabong puno sa tabi ng kalsada bago inalalayan si Asther sa pagbaba. Hinubad niya ang helmet at iniabot sa akin. Nagpatiuna na siyang naglakad habang inaayos ko ang pagkakalagay ng helmet sa motor. Sumunod din ako agad pagkatapos. Tahimik dahil mangilan-ngilan lang ang tao sa paligid. Maganda nga sa lugar na ito. I've been to more beautiful places before but the simplicity of this place makes it more unique. May overlooking view na tanaw ang kabayanan. Napatingin ako kay Asther na nakatanaw sa malayo. Sinusundan nito ng tingin ang dalawang ibong nagpapalipat-lipat sa mga sanga ng puno. Tila ito isang paslit na ipinasyal sa parke. Galak na galak sa mga nakikita. Hindi ko tuloy mapigilan ang mangiti. Seeing her innocently admiring the beauty of nature is very pleasing. Muli akong humakbang at pumuwesto sa ilalim ng isang puno. Nakahalukipkip akong sumandal sa puno at pinagsawa ang sarili sa pagmasid. I really don't know why I'm feeling this way. Her kind is not my type. But I'm too mesmerize by her beauty. " Palagi ka ba dito?" nang-uusisang tanong ko. Nilingon niya ako. "Medyo. Madalas kami dito ng mga kaibigan ko lalo pag bakasyon. Ang sarap kasing pagmasdan ang bayan mula dito. I could even stay here all day admiring nature. Kung pwede nga lang aariin ko na ang lugar na 'to! nakangiting sagot niya sa akin na sinabayan pa ng munting halakhak. "Alam mo ba may maliit na batis malapit dito? Sayang! dapat pala nagdala tayo ng damit pangligo. Malamig ang tubig d'un! Masarap magbabad lalo na kapag mainit ang panahon." Hinawakan niya ako sa kanang kamay. "Lika, dali!" anyaya niya sa akin. Nagpatianod ako ngunit natigilan ako sa paghakbang ng makita ang isang hanging bridge sa unahan ng daan. "Diyan ba tayo dadaan?" kunot-noong tanong ko. "Oo," walang kagatol-gatol na sagot niya. "Safe bang maglakad diyan? I mean look at it...parang mapipigtas na! Baka hindi tayo makatawid ng maayos pakabila," magkasalubong ang kilay na protesta ko. "Safe na safe kaya yan!" naiinis na sagot ni Asther. "Teka," binitawan niya ang kamay ko. " Huwag mong sabihing natatakot ka?" nakataas ang isang kilay na tanong na humarap siya sa akin. "What?! Of course not!" kontra ko na sinabayan pa ng mariing pag-iling. Tumawa siya ng malakas. Tawang akala mo'y wala ng bukas. "Ang laki-laki mong tao natatakot ka?" " Hindi ako takot!" tanggi ko. " Tsk! Hindi daw eh bakit ka humahakbang paatras?" "Hindi kaya!" "Huwag kang mag-alala! Akong bahala sa'yo! Hahaha...tara na!" at hinila niya ako ulit sa kamay. Nasa kalagitnaan na kami ng hanging bridge ng huminto sa paghakbang si Asther at nilingon ako. "Why did we stop?" takang tanong ko. I look down. Hindi kataasan ang ilalim ng hanging bridge. Pero hindi talaga ako kumportable. I have a fear of heights. Nakakahiya nga lang aminin at sabihin kay Asther. Nangingiting tila may naiisip na kapilyahang nameywang siya sa harap ko. "Para kasing gusto kong sumayaw at kumanta". "Ano?"at mas lalong nalukot ang mukha ko. Itinaas niya ang dalawang kamay habang nakaturo ang mga hintuturo sa akin. "Kung ikaw ay masaya pumalakpak ka! Clap! Clap! Kung ikaw ay masaya buhay mo ay sisigla. Kung ikaw ay masaya pumalakpak! Clap! Clap!" "Hey stop it! Lumulundo na 'tong bridge sa likot mo," he said in a panicking tone. "Sayaw ka muna! Sabayan mo ako," nang-aasar na tudyo pa niya sa akin. Nagpatuloy si Asther sa pagkanta at pagsayaw. Nataranta ako ng naging magalaw ang tulay. Napahawak ako sa lubid nito. Sa ginawa ko ay lalo lamang itong napahagalpak sa kakatawa. Tumingin ako dito at malalaki ang hakbang na lalapitan ko sana siya ngunit bigla itong tumakbo at di pa rin natitigil sa pagtawa. "You naugthy girl!" sinundan ko siya sa pagtakbo. Nagtatawan na naghabulan kami. Ngunit bago pa namin marating ang dulo ng hanging bridge ay natisod si Asther. Buti na lang naagapan ko bago pa siya madapa. Agad pumulupot ang dalawang braso ko sa kanyang beywang habang ang isang binti ko ay nakatukod sa kanyang likuran. She gasped in shock. Our eyes locked in a gaze. I blinked my eyes. I can smell her sweet scent in our closeness. "Your really clumsy," I said. Umaayos ako sa pagkakatayo. Nahihiyang dumistansiya sa akin. "Sorry po k-kuya," namumulang pisngi na sagot niya. "Can you please stop calling me kuya. Grey na lang," "P-pero di ba mas matanda ka sakin at isa pa magkasing-edad lang kami ni Jenny," tutol niya. "Jenny is my cousin and you are not. Just please drop the kuya thing." "P-pero k-kuy---" " Grey." Bumuntong-hininga siya. "Okay Grey," ngumiti siya. "Tara na sa batis."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD