Pabuntong-hiningang napasandal ako sa pinto ng banyo. Nakakahiya! Nakakahiya talaga! Asther ano bang pinaggagagawa mo! Masyadong maharot. Saway niya sa sarili. Marahas ako ulit na bumuntong-hininga at humarap sa salamin sa may bandang lababo. Ang pula-pula nga ng pisngi ko. Hinawakan ko ng mga palad ang magkabilang pisngi. At totoong nag-iinit ‘yon. Tuluyan kong naitakip sa mukha ang mga kamay. Pagkaraan ng ilang segundo ay muling sinipat ang sarili sa salamin. Binuksan ko ang gripo at naghilamos. Nang makuntento at mawala ang init na nararamdaman ay pinatay na ang gripo. Pinatuyo ang mukha ng tissue. Sinuklay ng kamay ang kanyang buhok at tumitig sa salamin. Nang kalmado na ang pakiramdam ay nagpasya na akong lumabas ng banyo. Magpapaalam na lang ako kay Jenny. Uuwi na ako. Baka kasi pag nagtagal pa ako ay maging queso de bola na ang mukha ko sa pagkapula. Pagbalik ko sa veranda ay naabutan ko pa ang magpinsan na masayang nagbibiruan.
"Really kuya? You like her?” eksaheradang tanong ni Jenny dito.
" Huwag masyadong matanong! Oo nga sabi." Pabirong sagot ni Grey dito. Mukhang may nagugustuhan na itong iba. Ewan pero nakaramdam ako ng kalungkutan sa narinig. Natigil ang usapan ng mga ito ng makita ako na palabas ng veranda.
"Ahmm…Jen," bungad ko paglapit dito. "Magpapaalam na sana ako. Uuwi na ako at medyo madilim na."
"No way Ash! Tinawagan ko na si Tita Cecille. Pinagpaalam na kita. Dito ka na maghahapunan kasabay natin si kuya. Si mommy kasi gagabihin ng uwi at may inaayos pa sa clinic para sa gagawing medical mission."
Napanguso ako sa narinig. Mukhang tiyak na ang pag uwi ko na may queso de bolang mukha. Di na talaga ako makakatanggi nito.
"Don't worry Kuya Grey is a good cook. Kaya masarap ang magiging dinner natin,” dagdag pa nito.
Napalingon tuloy ako sa taong tinutukoy nito na ngayon ay nakaupo na sa may pasimano ng veranda habang umiinom ng kape. Talaga? Marunong magluto? Hindi kaya siya ang nagluto ng kare-kare na dala ng tatay sa bahay kanina?
"O-okay, pero pagkatapos uuwi na talaga ako." Pagsang-ayon ko kay Jenny. Nagliwanag ang mukha nito at tila kumislap pa ang mga mata.
"Oh, kuya! Umpisahan mo ng magluto at dalawa kami ni Ash na kailangang maimpress mo. Dali na ng maimpress sayo 'tong si Ash!"
Di na kumibo at bumaba na nga si Grey bitbit ang tasang pinagkapehan nito. Sinundan ko siya ng tingin bago marahas na nagpakawala ng hininga. Hay salamat! Kanina pa ko nagpipigil ng hininga sa presensiya nito.
"Nakakapagtaka di ba? Paanong ang isang lalaking gaya niya marunong magluto? Actually, kuya Grey studied abroad. He wants to be independent kaya marunong magluto. Kakauwi lang galing Amerika. My tito Enrique wants him to take over the company. Imagine at the age of twenty-one siya na maghahandle ng chains of hotel nila. He thinks it’s too much of a responsibility kaya ayan tumakas kay tito, kaya nagbabakasyon dito." Mas matanda pala ito sa kanya ng limang taon.
"Anyway, ilang linggo na lang at graduation na. Parehas tayong papasok ng college life. Mom wants me to study abroad. Pero pinag-iisipan ko pa at ayokong malayo kay mommy."
Napasulyap ako dito habang umiinom ng juice sa baso niya. Sa totoo lang nakakaramdam na ako ng stress sa pagkokolehiyo. Hanggang ngayon wala pa kasing kasiguraduhan kung makakapagpatuloy pa ba ako sa pag-aaral. Kung sana lang ay tulad ako ni Jenny na may magandang estado sa buhay. Nagpatuloy kami sa masayang kwentuhan ni Jenny kaya di ko namalayan na madilim na pala. Niligpit na namin ang mga baso at nilagay sa tray. Bumaba na kami patungo sa kusina. Ngunit natigilan ako sa paghakbang ng makita si Grey na abala sa pagsalin ng niluto nitong ulam sa bandehado. Matapos ay naghugas ito ng kamay, hinubad ang suot na apron sabay hinagod ang buhok papunta sa batok. Mas masarap pa 'ata 'to kesa sa niluto nito. Behave! Behave Asther. Behave! Dumako ang paningin nito sa kanila at matamang tumitig sa kanya. Kitang-kita ko kung paano nito kinagat ng bahagya ang pang-ibabang labi at ngumiti. Nakakatulo laway talaga sa kagwapuhan!
"Just in time, follow me guys. Let's eat.” Anyaya nito sa kanila. Binitbit nito sa tag-isang kamay ang bandehadong may kanin at ulam.
" T-tulungan na k-kita." Nahihiya at nauutal na salita ko dito ng makita ang mga bitbit nito.
"Kaya ko na. Sige na upo ka na du'n" muwestra nito sa kanya gamit ang nguso. Pagkalapag nito ng pagkain sa lamesa ay agad itong humila ng upuan malapit sa kanya.
"Thank you kuya!” agaw ni Jenny. Kaya humila ulit ito ng upuan at dun siya umupo.
"T-thank you." Nahihiyang pasalamat ko. Ngunit laking gulat ko ng umupo ito sa tabi ko. Nilagyan pa ng kanin at ulam ang plato sa aking harapan.
"Eat." Madiin at tila utos na bigkas nito sa kanya. Sunod-sunod ang paglunok ko ng maamoy ang aroma ng adobo na niluto nito. Napakabango! Lagi din naman nagluluto ng adobo ang nanay pero iba ang isang ito. Habang nag-uusap ang magpinsan ay pinag-tuunan ko ang pagkain. Hindi ko namalayan na naubos na pala ang aking nasa plato. Simot sarap! Pagkainom ng tubig ay siyang dighay ko. Napalingon ito sa kanya.
Manghang ngumiti ito sa kanya. Di naman siguro ako nagmukhang patay gutom. Nakakahiya. Ang sarap kasi talaga ng niluto nito. Matapos ay tumulong na din ako sa pagliligpit ng kinainan nila. Alas nuebe na ng gabi. Malamang nakauwi na ang ina mula sa pagtitinda kaya didiretso na siya sa bahay nila.
"Jenny, una na ako" paalam ko.
"Wait Ash ihahatid ka na namin ni kuya Grey."
"Hindi na Jen kaya ko na malapit lang naman ang bahay" tanggi ko.
"No, I insist” pilit ni Grey. "Ako na lang maghahatid sa kanya Jenny at baka dumating na si tita magtaka pa 'yun pag pareho tayong di naabutan dito sa bahay."
"Let's go," hinawakan siya nito sa siko at iginiya palabas ng bahay.
Nagpatiuna na akong maglakad. Malamig ang simoy ng hangin kaya naman di ko naiwasang mapahalukipkip ng mga braso. Naramdaman ko ito na sumabay ng lakad sa gilid ko. Napakalapit nito sa kanya. Sapat na lapit para malanghap ko ang mabangong amoy nito. Nagluto na lahat-lahat at pinagpawisan pero ang bango pa din. Ang sarap sigurong yumakap at amoy-amuyin ang kili-kili nito aniya sa sarili. Natigilan ako sa naisip. Ano ba naman yan simula kaninang umaga puros kahalayan na 'ata tumatakbo sa isip ako. Napasulyap ako dito para lang makasalubong ang mga mata nito na nakatunghay sa kanya. Napapahiyang napayuko ako. Kapagkuway tumikhim ito.
"Mahilig ka sa music?" tanong nito sa kanya.
"M-medyo. Ang tatay kasi mahilig tumugtog ng gitara. Lagi nga niyang kinikwento na dahil sa pagtugtog ng gitara napa-oo niya ang nanay. Hanggang ngayon nga si tatay hinaharana pa rin si nanay." Masiglang kwento niya. "Hanggang ngayon ramdam na ramdam ang pagmamahal nila ni nanay sa isa't isa" paglalahad ko.
"No wonder ang galing mong maggitara." Puri nito sa kanya.
"Eh ikaw ang galing mo din kayang mag-gitara tapos ang gwapo mo pa malamang kung naging recording artist ka andami mong magiging fans".
"Nagagalingan at nagagwapuhan ka saken?" kumikislap ang matang baling nito sa kanya. Natigilan siya, huli na ng marealize niya ang nasabi.
"Thanks, but for me it's just a hobby." Pagpapatuloy nito habang nakangiti sa kanya. Simpleng ngiti pero ramdam na ramdam niya ang pagkalabog ng puso niya at pagkabulabog ng buong pagkatao sa simpleng ngiti nito sa kanya.
"Pwede ka ba bukas? Gusto ko sanang mamasyal bukas baka pwede mo akong samahan?"
"H-ha? B-bakit ako?" Nagugulumihanang tanong ko.
"Well obviously ikaw pa lang ang kilala ko dito since I'm new here and Jenny can't come with me. May ibang lakad siya bukas".
Napakagat labi ako. Papayag ba ako o hindi. Pag tumanggi ako baka kung ano pa isipin nito sa akin.
"Okay, s-sige" maikling sagot ko.
"I'll pick you up in the morning then." Malawak ang ngiting bigkas nito sa kanya.
Nasa tapat na pala sila ng bahay nila. Nagpaalam na siya dito at tumalikod na. Ngunit umalis lamang ito dun ng makitang tuluyan na siyang nakapasok ng kanilang bahay.
"Mano po 'tay" bati niya sa ama ng mabungaran ito na nakaupo sa kawayan nilang sofa...
"Kaawaan ka ng diyos anak" ganting bati nito.
"Ang nanay po?"
"Andito ako anak" sagot nito na may bitbit na dalawang tasa ng tsaa.
"Magpapaalam po sana ako. Nagpapasama po kasi yung pamangkin ni Doc Vivian. Gusto daw pong mamasyal dito sa lugar natin".
"Ah si Grey" singit ng tatay niya. "Nabanggit nga ni doktora na gustong mamasyal ng binatang yun dito sa atin. Kaya lang walang makasama. Mabuti pa nga 'nak samahan mo at ng makita niya kung gaano kaganda dito sa ating lugar".
Nagkwentuhan pa muna sila ng magulang. Nang makaramdam ng antok ay nagpaalam na ako at umakyat na sa ikalawang palapag. Ewan ko ba pero di ko mapigilang kiliging isipin pa lamang na makakasama ko si Grey ng buong araw bukas. Naku! Mukhang mapupuyat ako nito sa kakaisip. Ngunit tila lalong nanadya ang isip ko ng pagpikit ko ay ang gwapong mukha ng binata ang makita. Ang kulay abo nitong mata,mapipilantik na pilikmata, mapupulang labi at mapang-akit na ngiti. Maging ang boses nito ay paulit-ulit niyang naririnig sa isip. Muli akong humiga at pumikit ng mata. Ni minsan ay hindi pa ako nakaramdam ng ganito sa kahit na sinong lalaki. Hindi naman siguro masama kung humanga siya dito. Alam ko na sa mura kong edad ay natural lang ang ganitong bagay. Crush lang naman! Nakangiting paulit-ulit na pinatakbo sa isip ang naging pag-awit ni Grey hanggang sa di ko namalayan na nakatulog na pala ako.