"Po?!" Napalakas ang boses na sagot ko sa kabilang linya. Pabagsak na napaupo ako sa gilid ng kama. Kauuwi ko lang galing eskwelahan. Naghahanda para sa pagpasok sa coffeshop ng tumawag ang tatay. May natanggap daw na tawag ang mga ito kaninang umaga. Mula iyon sa kaibigan ng kanyang Tita Astrid. Kinakailangan umano nitong umuwi ng Pilipinas dahil nagkaroon ng matinding suliranin. Hindi naman daw sinabi ng kausap nila kung ano ang buong nangyari dito. Alanganing makaluwas ang nanay at tatay kaya ako ang inaasahan nila na susundo muna dito. Wala si Charlene dahil tulad ko ay may part time job din ito. Si Grey naman ay nasa ibang bansa pa para asikasuhin ang negosyo ng pamilya nito. Binaba ko ang cellphone matapos magpaalam sa ama. Tinitigan ko ang hawak na cellphone at matamang nag-isip. I

