PAGKATAPOS ang saglit na pagkawala sa huwisyo dahil sa titig ni Ex, nakabawi rin Yarra. Nakagat niya ang lower lip at bigla siyang pumihit para talikuran si Ex. Hindi na nga lang niya nagawa ang balak. Nakaka-dalawang hakbang palang siya, napigilan na ni Ex ang braso ni Yarra. Hindi na nito pinakawalan iyon. Alam na niyang kakausapin siya nito. Na hindi siya basta papayagan na lang na makalayo. “Kung iiwasan mo lang ako, mas aagahan ko na lang ang alis ng Corazon para maging komportable ka,” ang mababang sinabi ni Ex. Hindi nagbago ang higpit ng hawak sa braso nito. Hindi nakaimik si Yarra. Nanatili siya sa harapan nito at nakatungo. Hiyang-hiya siya sa kagagahan. “Ano ngayon kung mas guwapo ako sa paningin mo `pag bagong gising? Totoo naman `yon. Nadaragdagan

