SA pang-ten days ni Yarra sa bahay, hindi gustong tumigil ni Elle sa pag-iyak. Katatapos lang nitong dumede at hindi basa ang diaper. Iyak nang iyak ang baby nag-alala na siya. Kinarga niya ito at pilit inihele pero patuloy lang sa pagpalahaw. Dinama niya ang noo at leeg—normal naman ang temperatura ng katawan. Wala siyang maisip na dahilan ng pag-aalburuto nito. “Baby, ano’ng gusto mo? Shhh. Shhh, tahan na…” kinakahantahan na niya at isinasayaw-sayaw. Hindi man lang humina ang pag-iyak. Panay pa rin ang palahaw. Kinabahan na si Yarra. May nakain bang masama si Elle at masakit ang tiyan? O baka napilay sa kalilipat-lipat niya ng karga kay Ex? Pero maingat naman sila pareho sa pagkarga. Hindi mapipilay si Elle sa ganoon kaingat nan agkarga. Hindi rin naman ito nah

