PAGKAPASOK ni Yarra sa bahay, saka lang niya naramdaman ang pagod. Buong araw siyang nasa labas at kumukuha ng mga litrato. Binalikan niya lahat ng lugar sa Corazon na pinuntahan nila ni Ex nang magkasama. Kinunan niya bawat bahagi ng lugar na may kalakip na alaala. Pati puno na sabay nilang sinandalan ay kinunan niya. Wala siyang pinalampas. Gusto niya, bawat detalye ng masaya nilang naging pagsasama ay maalala niya sa pamamagitan ng malinaw na mga litrato—iyon na lang kasi ang makakasama niya sa mga susunod na araw na mag-iisa na siya. Pinigil niyang mapaluha na naman. Bumalik siya sa Corazon para sanayin ang sariling mag-isa. Plano niyang iwan sa lugar lahat ng bigat sa dibdib. Naging mahirap ang unang dalawang araw niya pero ngayon ay hindi na siya umiiyak sa hatinggabi. N

