HALOS paliparin ni Ex ang kotse niya. Patungo siya sa address ng lalaking ang kutob niya ay siyang kasama ni Yarra mula nang umalis ito sa unit may apat na araw na ang lumipas. Sa mga araw na dumaan, wala na siyang ginawa kundi alamin kung sino ang lalaking iyon na tinutukoy ni Lulu. Salamat sa boss niyang may kontrol sa security ng buong building, sa reliable CCTVs, nakuha niya ang malinaw na larawang kailangan niya. Doon siya nagsimula para mahanap ang identity ng lalaking iyon. Si Troy Luceros ang lalaki. Isang negosyante, mayaman—at may asawa. Ang huli ang mas nagpakulo sa dugo niya. May asawa ang lalaking pinili ni Yarra nang higit sa kanya? Ah, hindi rin siya sigurado kung tama ang iniisip niyang iyon. Pabalik-balik sa isip niya ang gabing pinasaluhan nila ni Yarra. Ano

