Twenty One

1023 Words

Papalakas ang iyak ni Yarra habang papahina naman ang mga hampas. Nagpaubaya lang si Ex. Tinaggap niya lahat ng atake nito hanggang tuluyan nang nawalan ng lakas. “Hindi ako si Haley, Ex. Kahit ano’ng gawin mo, hindi ako magiging siya!” Hinampas siya nito ng isa pa. Tinanggap niya ang huling hampas na iyon bago niya hinapit ang baywang nito hanggang nakasubsob na lang ang babae sa kanyang dibdib. Nagpatuloy si Yarra sa paghikbi. Ang naramdaman niyang mga luha nitong bumabasa sa kanyang dibdib ang tuluyang nagpahupa sa galit ni Ex. Mas gusto niyang magalit rin si Yarra at magsisigaw kaysa ganoong tahimik na nakahilig na lang ito sa kanya at humihikbi nang malakas.             “Hindi kita maintindihan,” anas ni Ex, ibinaon niya sa buhok nito ang mukha saka siya huminga nang malalim. Hindi u

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD