PASADO alas siete nang gabi nang dumating si Yarra sa bahay. Nagulat siya nang madatnan niyang naroon si Ex. Ang alam niya ay bumalik na ito sa trabaho—trabahong hindi halos nito maiwan. Hindi niya kayang magkulong sa bahay at mag-isip kaya lumalabas siya. Salamat kay Troy na unti-unti siyang sinasanay na wala na si Elle, kahit paano ay nagiging magaan sa kanya ang lahat. Sa paglabas ng resulta ng DNA test, tulad ng inaasahan ni Yarra, si Troy nga ang tunay na ama ni Elle. Nangako ang lalaki na kukunin lang nito si Elle kapag handa na siya. Na-appreaciate niyang inaalala rin nito ang damdamin niya. Gusto nitong makasama ang anak kaya pumayag siyang magkasama nilang ipasyal si Elle kaysa magmukmok siya sa unit at isipin ang dalawang mahalagang bagay na mawawala na sa kanya sa mga susunod

