SI LULU ang bagong yaya ni Elle. Kasabay nang pagdating nito, mga bagong gamit na pang-baby ang binili ni Ex nang hindi sinasabi sa kanya—kuna, terno-ternong damit at sapatos, diapers, gatas, at mga laruan. Hindi na nakapagsalita si Yarra nang ipasok nito sa silid ang mga iyon kahapon. At bago pa man siya nakaisip ng sasabihin, hinila na siya nito palabas ng silid para mag-lunch. Nag-uwi rin pala ito ng takeout foods. Nang gabing iyon ay sa kuna natulog si Elle, sa kama si Yarra habang si Ex naman ay sa sofa sa labas. Kinabukasan ay maagang dumating si Lulu, ang bagong yaya ni Elle na nagmula pa pala sa La Union. Sa hula ni Yarra ay kaedad lang niya ang babae. Sa higpit ng yakap nito kay Ex, nahulaan na niyang malapit ang dalawa. Na-curious siya kung bakit close a

