“Natutuwa akong may sarili nang pamilya si Kuya Ex ngayon at masaya siya. Destiny n’yo talaga siguro ang isa’t isa,” dagdag ni Lulu. “At itong baby n’yo, ang cute cute niya…” Ngiting kulang sa buhay ang nagawang ibalik ni Yarra. “Nasaan na ngayon si Ate Haley mo, Lulu?” “Hayun, nasa States. Alipin ng pamilya ng asawa n’yang babaero. Kailangan niyang pagtiisan lahat, ginusto niya `yon, eh. Umiiyak si nanay tuwing tumatawag siya at nagsusumbong. Si tatay naman, hindi natitinag. Galit siya sa ginawa ni Ate Haley noon kay Kuya Ex. No’ng huling tawag niya kay nanay, hindi na raw niya kaya at babalik na siya ng Pilipinas. Umalis na ako bago pa man siya dumating. Nagawa na niya ang gusto niya sa buhay. Naisip kong gawin na rin ang gusto ko—ang mamuhay mag-i

