Sinabi ni Yarra na gusto niyang marinig ang kuwento, maging masakit man iyon para sa kanya. Mahabang sandaling nanahimik muna si Troy bago nagsimulang maglahad. “Industrial products ang business ko,” simula nito. “Agent si Shalani ng isa sa mga suppliers ko. Believe it or not, I love my wife, Yarra. Oo, hindi ako perpektong asawa, not a perfect man either pero ginagawa ko ang lahat para mamuhay na isang mabuting tao. Hindi ko plinanong magloko o mambabae. Ang namagitan sa amin ni Shalani nang gabing iyon ay hindi ko sinasadya. It was the darkest hours of my life. Kauuwi ko lang galing sa funeral ng ama ko sa Texas no’ng nalaman namin ni Merianne, my wife na hindi na siya puwedeng magkaanak. We both wanted a child so much. May walong taon na kaming kasal pero wala pa rin kamin

