PROLOGUE
PROLOGUE
Humahalimuyak sa paligid ang amoy ng kalawang at lumang langis. Bawat hakbang ko sa maruming sahig ay may kasamang langitngit ng bakal na waring umaangal sa katahimikan ng gabi. Sa bawat paghatak ko ng baseball bat na gawa sa bakal, umaalingawngaw ang tunog nito sa loob ng lumang bodega tunog na parang babala sa sinumang naroroon.
“Sino ka?! Pakawalan mo ako dito!” sigaw ng isang tinig mula sa dilim.
Naroon siya nakaupo, nakatali ang mga kamay at paa sa isang silyang bakal sa gitna ng warehouse. May ilaw na nakatutok sa kanya, at ang anino niya’y gumagalaw sa sahig kasabay ng pag-ikot ng hanging malamig at mabigat.
Dahan-dahan akong lumapit, hinila ang bat sa sahig, habang naririnig ko ang t***k ng puso kong tila sabay sa bawat yapak ko.
“Ako?” ngumisi ako, nakatingin diretso sa kanya. “Ako lang naman ang tatapos sa tanginang buhay mo.”
“Ano?! Ang lakas ng loob mong murahin ako!” galit niyang sagot, nanginginig ang boses.
“Bakit? Deserve mo lahat ng mura na lalabas sa bibig ko.” Pinaglaruan ko ang baseball bat sa kamay ko, hinampas-hampas ang hangin.
“Hayop ka talaga!” singhal niya.
Ngumisi ako, lumapit pa. Nang magpantay na kami ng tingin, nakita kong nanginginig na ang panga niya.
“Matagal na akong hayop,” bulong ko, “hindi mo ba alam? Ano bang hayop ang tingin mo sa ‘kin, ha?”
“Kapag nakawala ako dito, malalagot ka sa akin!”
“Kung makakaalis ka pa ng buhay.” Siniko ko ang mesa sa tabi niya tumunog ang metal, at tumalon siya sa gulat. “Alam mo, umamin ka na lang. Baka sakaling maawa pa ako at pakawalan ka.”
“Hindi ako aamin! Wala naman akong aaminin!” sigaw niya.
Napailing ako. “Bullshit ka talaga. Putragis.”
“Isa kang CEO! Isang doctor pa! Pero ganito ka makitungo sa tao!”
Napangisi ako, mabagal na umiikot sa paligid niya. “Ano naman ngayon, ha? Pautang-ina ka, wala kang pakialam sa kahit anong gawin ko! Ganyan din naman kayo puro imahen, pero bulok sa loob.”
“Hoy, bata! Dali na, pakawalan mo na ako dito bago kapa magsisi!”
Tumawa ako, malalim, mababa, at puno ng pangungutya. “Bata? Tinawag mo akong bata? Hahaha! Kung bata pala ako sa’yo… edi, putangama mo.”
“Bwisit ka talaga! Dapat sinama na kitang tinapos noon pa!”
“Paano mo ‘ko tatapusin kung pag lalamayan ka na mamaya?” tawa kong may halong pagbabanta.
“Baliw ka!”
Lumapit ako, inilapit ang bat sa pisngi niya, narinig kong bahagya siyang napatigil sa paghinga.
“Sino ka ba talaga, ha?” nanginginig niyang tanong.
Ngumiti akoisang ngiting walang kaluluwa.
“Ako?”
Tinaas ko ang mukha ko sa liwanag, saka ko binigkas ang mga salitang ikinabigla niya.
“Ako si Llianne Belfort.”
Sandaling natahimik ang paligid. Tanging hampas ng hangin sa sirang bintana ang naririnig.
At sa saglit na iyon, nakita ko sa mga mata niya ang takot ang uri ng takot na dulot ng pagkilala.
Hindi na niya kailangang magsalita. Alam kong alam niya kung sino ako… at kung bakit ako narito.
“Tulong! May tao ba diyan?! Tulong!” sigaw ng lalaki, halos paos na ang boses sa sobrang takot. Nagpupumiglas siya kahit alam niyang wala naman siyang pupuntahan ang mga lubid na nakatali sa kanya ay mahigpit, at bawat paggalaw niya ay lalong nagpapasakit sa balat niya.
Narinig kong may kaluskos ng mga daga sa sulok, pero bukod doon, walang sumasagot. Wala nang ibang naririnig kundi ang pag-echo ng mga hiyaw niya sa loob ng malawak at madilim na bodega.
Napailing ako, sabay tawa isang tawang mababa, nakakahilakbot, parang demonyong nag-eenjoy sa kasalanan ng mundo.
“Sigaw ka pa,” sabi ko, inilapit ang bibig ko sa tainga niya. “Sige, baka sakaling may makarinig sa’yo… mga multo siguro ng mga taong niloko mo.”
“Hayop ka! Anong gusto mo sa akin, ha?! Pera?! Sasabihin ko lahat, ibibigay ko lahat! Pakawalan mo lang ako!”
“Pera?” ngumisi ako, saka ako tumalikod sandali, parang inaalala ang nakaraan. “Kung pera lang ang kailangan ko, matagal na kitang nilimas. Pero iba ‘to… gusto ko lang marinig kung paano mo iiyak ‘yung mga salitang itinuro mo sa akin noon ‘Walang halaga ang mahirap. Wala kang karapatan magreklamo.’”
“Hindi ko alam ang sinasabi mo!” sigaw niya, desperado, halos mangiyak.
“Hindi mo alam?” napasinghal ako. “Tangina, kaya nga andito ka ngayon! Dahil sa mga kagaya mo, may mga pamilyang giniba, may mga inosenteng namatay, at ikaw… ikaw ‘yung dahilan kung bakit nawala sa ‘kin lahat.”
“Tulong! Tulong!” muling sigaw niya, mas malakas pa ngayon, umaalingawngaw sa buong warehouse.
Sa bawat sigaw niya, parang tumitibok ang ugat sa sentido ko. Nakakabingi. Nakakairita.
Hanggang sa napuno ako.
“Putangina mo! Ang ingay mo!” sigaw ko, sabay hampas ng baseball bat sa mesa sa tabi niya
CLANG!
Ngunit hindi siya tumigil. “Tulong! May tao ba diyan?!”
Sa sobrang inis, isang hampas pa. Sa sahig. Sa pader. Hanggang sa hindi ko na napigilan
WHAAK!
Tumama ang bakal sa balikat niya. Napasigaw siya ng ubod ng lakas.
“Aray! Tama na! Tama na, please!”
Pero hindi ako tumigil. Tuloy-tuloy ang hampas isa, dalawa, tatlohabang bumabagsak ang mga mura sa labi ko.
“Tangina mo! Ganyan din ang ginawa mo sa kanila, ‘di ba?! Wala kang awa noon! Wala kang pakialam!”
Bawat hampas ay may kasamang luha na hindi ko namamalayan na tumutulo na pala sa pisngi ko.
“Kapal ng mukha mong humingi ng awa ngayon! Nasaan ang awa mo noon?!”
Natigil lang ako nang marinig ko ang tunog ng pag-ubo niya, mahina, basag, at puno ng dugo.
Nabitawan ko ang bat.
Tahimik na ang paligid ang dating sigaw ng “tulong” ay napalitan ng mahina’t basag na paghinga.
Dahan-dahan akong lumapit, at sa unang pagkakataon mula nang magsimula ito, nakita ko sa mukha niya hindi lang takot, kundi pagkabigla.
“Bakit mo ‘to ginagawa, ha?” mahina niyang tanong.
Tumingin ako sa kanya, at sa boses na halos bulong, sinagot ko
“Para sa mga taong hindi mo man lang tinignan bilang tao. Para sa kapatid ni Raven pinatay n’yo sa ospital dahil sa kasakiman mo.”
Nanlaki ang mata niya. “Ka-kapatid nino?”
Ngumiti ako, mapait, puno ng luha’t galit.
“Oo si Alvaro Coloner kapatid ni Raven Chrys Coloner. ‘Yung pasyenteng iniwan mong namatay para lang maprotektahan ang pangalan ng kompanya mo.”
Natahimik siya. Napayuko.Habang ako, dahan-dahan kong pinulot ulit ang bat at inilapit sa harap niya.
“Ngayon, sabihin mo sa’kin… sino sa atin ang hayop?”