LUMALAMBOT DIN PALA

1756 Words
CHAPTER 4 LLIANNE JANE POV Lumipas ang mga oras. Hindi ko na namalayan na gabi na pala alas-siyete na nang tingnan ko ang wall clock sa gilid ng opisina ko. Tahimik na ang buong floor, madilim na rin ang paligid maliban sa ilaw ng desk lamp ko na nakatutok sa mga papel na nagkalat sa harap ko. Ang tanging maririnig lang ay ang pag-ikot ng electric fan at ang mabilis kong pag-type sa laptop. Diyos ko, sandamakmak na report at proposal ang kailangan kong ayusin. Ang daming mali, ang daming inconsistency. Hindi ko alam kung sinadya ba o sadyang walang pakialam ang mga tao rito. Nakakairita. Kung ganitong klase ng sistema ang iiwanan ng dating pamunuan, baka abutin ako ng taon bago ko ito maituwid. Napahinto ako sandali at napasandal sa swivel chair ko, napahilot sa sentido. Hospital, my ass. Akala ko makakapasok pa ako ngayong gabi para tingnan ang ilang pasyente, pero sa dami ng aayusin dito sa kompanya, mukhang iyon ay mananatiling plano lang. Habang abala ako sa pagbabasa, biglang bumukas ang pinto. Tumambad sina Carmelle at Fred si Carmelle may dalang paper bag at tray ng tinapay, habang si Fred naman ay may hawak na cup ng kape na umuusok pa. “Bakit andito pa kayo?” tanong ko, hindi inaalis ang tingin ko sa papeles. “Tapos na ang office hours.” Nagkatinginan sila sandali bago si Carmelle ang unang nagsalita. “Uhm, ma’am... andito pa po kasi kayo. Hindi po kasi namin pwedeng iwan kayo dito nang basta-basta.” Napatingin ako sa kanila. Kita ko pa rin sa mukha ni Fred ang kirot halatang iniinda pa rin ang tuhod niya mula sa nangyari kanina. Napabuntong-hininga ako, inabot ang kape, at inilapag sa gilid ng mesa. “Maupo ka doon sa sofa, Fred,” utos ko. “Ikaw naman, Carmelle, kunin mo ang emergency kit sa cabinet.” Halatang nagulat sila, pero sumunod din agad. Siguro nagtataka sila kung anong klaseng hangin ang pumasok sa akin at bigla akong naging kalmado. Pero hindi ito kabaitan ito ay disiplina. At marunong akong kumilala ng pagkakamali ko kung nasobrahan ako. Pagbalik ni Carmelle dala ang emergency kit, tumayo ako mula sa swivel chair at lumapit kay Fred na ngayon ay maingat na nakaupo sa sofa. Inilapag ko ang kit sa lamesita sa tabi niya. Hindi siya makatingin nang diretso, halatang nahihiya o natatakot pa rin. Hinawakan ko ang laylayan ng slacks niya at marahang pinunit iyon hanggang tuhod. Napasinghap siya sa gulat, pero hindi siya nagsalita. “Relax,” sabi ko nang malamig. “Hindi kita kakainin.” Nang makita ko ang tuhod niya, napakunot ang noo ko. May pamumula at pamamaga, halatang tinamaan nang malakas. Bukod sa pagiging CEO ngayon, hindi naman nawala sa akin ang pagiging doktor. Isa sa mga natutunan ko noon sa ospital ay kung paano magbigay ng first aid sa mga ganitong klaseng injury. Kinuha ko ang antiseptic sa kit at marahang nilinis ang bahagi ng tuhod niya. “Huwag mong pigilan ‘yang sakit,” sabi ko. “Umangal ka kung gusto mo. Mas mabuti ‘yan kaysa tinitiis mo tapos lalong mamaga.” Narinig ko ang bahagyang daing niya habang pinupunasan ko ang sugat. Napatingin ako sa kanya sandali, napailing. “Lalaki ka, pero parang hindi ka marunong umaray,” sarkastiko kong sabi. “Hindi ka superhero, Fred.” Ngumiti siya ng pilit. “Pasensya na po, ma’am... akala ko po kasi baka magalit kayo” “Hindi ako galit,” putol ko sa kanya. “Pero kung tumanggi ka sanang pagamutin kita, baka magbago isip ko.” Tahimik silang pareho. Habang nilalagyan ko ng ointment ang tuhod niya, naramdaman kong unti-unting nagiging komportable ang atmosphere sa opisina. Wala na ‘yong matinding tensyon kanina. “Carmelle,” sabi ko habang patuloy sa ginagawa. “Kumuha ka ng towel na may yelo sa pantry. Kailangan ‘to ng cold compress.” Tumango siya at agad lumabas ng opisina. Ilang minuto pa, bumalik siya dala ang isang maliit na tuwalya na binalot sa mga yelo. Maingat niyang iniabot iyon sa akin, pero inabot ko pabalik. “Ikaw na maglagay,” utos ko. “Mas mabuti nang matuto ka rin. At least alam mo gagawin kapag may naaksidente sa staff.” Kinuha niya ito at dahan-dahang ipinantapal sa tuhod ni Fred. Napangiwi ito, pero hindi na umimik. “Mag-stay muna kayo dito,” sabi ko. “I-cold compress mo lang ‘yan ng isang oras, Fred. Huwag kang aalis hanggang hindi bumababa ‘yong pamamaga. Carmelle, bantayan mo siya.” “Opo, ma’am,” sabay nilang sagot. Tumayo ako, bumalik sa mesa, at muling naupo. Kinuha ko ang kape at dahan-dahang uminom. Mainit pa rin, sakto lang para maibsan ang pagod. Sa gilid ng mata ko, nakita ko silang dalawa si Fred, tahimik lang, at si Carmelle na maingat pa ring nakaalalay. Napangiti ako nang bahagya. At least may ilan pa ring may malasakit. Napatingin ako sa bintana. Sa labas, tanaw ko ang mga ilaw ng siyudad ang mga gusali, ang trapik sa kalsada, at ang katahimikan ng gabi na tila kontradiksyon sa gulong nararamdaman ko sa loob. Ito ang mundo ko ngayon, naisip ko. Hindi lang bilang doktor. Kundi bilang babae sa mundong puno ng mga taong sinusubok kung hanggang saan ko kayang maging matatag. Huminga ako nang malalim, sinara ang folder sa harap ko, at marahang bumulong, “Simula pa lang ‘to. Bukas, mas maayos na ang lahat. Dahil wala nang puwang dito ang katamaran at kapabayaan.” Habang lumilipas ang oras, nanatili kaming tatlo sa opisina ako, si Fred, at si Carmelle. Sa unang pagkakataon maghapon, tahimik. Walang sigaw, walang mura. Tanging ang tunog lang ng wall clock at ang pagpatak ng natutunaw na yelo ang maririnig. At sa katahimikang ‘yon, alam kong unti-unti nang bumabalik ang kontrol sa kamay ko. Hindi ako basta CEO lang. Ako si Llianne Jane Belfort at wala akong balak paluhurin ng kahit sino, pero hindi rin ako papayag na apihin ng kahit kanino. Tahimik ang opisina, at tanging tunog ng wall clock ang maririnig. Medyo kumalma na rin ang paligid. Nakikita kong medyo gumaan na rin ang pakiramdam ni Fred—bagaman halata pa rin sa mukha niya ang sakit, hindi na siya mukhang kinakabahan tulad kanina. Si Carmelle naman, tahimik lang na nakaalalay sa kanya, pero paminsan-minsan ay napapatingin sa akin na para bang gusto pang magsalita pero natatakot. Pinatong ko ang tasa ng kape sa gilid ng mesa at napatingin sa dalawa. “Kumain na ba kayo?” tanong ko habang inaayos ang mga papel sa harap ko. Nagkatinginan silang dalawa, halatang pareho ang sagot. “Hindi pa po, ma’am,” sabay na sagot ni Carmelle at Fred. Napailing ako. “Tsk. Ni hindi man lang kayo kumakain. Alam nyo bang masama ‘yan sa katawan? Lalo ka na, Fred—may iniinda ka pang tuhod.” Tumayo ako, kinuha ang cellphone ko sa mesa, at tumingin sa kanila. “Kung gano’n, magpapadeliver ako. Walang aalis hangga’t hindi nakakakain.” Habang nagda-dial ako ng numero sa cellphone, napangisi ako ng bahagya. Tamang-tama, oras nang guluhin ang isa kong kapatid. “Hello?” mabilis na sagot ng pamilyar na boses sa kabilang linya. Medyo may inis sa tono. “Reed,” sabi ko. “Llianne? What the hell, alam mo bang may meeting ako bukas ng umaga? Bakit tumatawag ka ng ganitong oras? Don’t tell me may nagka-problema na naman sa kumpanya mo—” “Hindi naman gano’n kalala,” putol ko sa kanya. “Magpahatid ka lang ng pagkain dito sa opisina.” Narinig ko ang malakas niyang buntong-hininga. “Excuse me? Ako? Magde-deliver ng pagkain? Ate, abogado ako, hindi ako delivery boy!” Napataas ang kilay ko, nakatingin pa rin kay Fred at Carmelle na parehong nagpipigil ng tawa. “At ako, CEO ako, pero heto ako—nag-aalaga ng mga empleyado kong hindi marunong umuwi. So huwag ka nang magreklamo, Reed. Mag-order ka ng pagkain at ipahatid mo rito. Tatlo lang kami—gusto ko mainit pa, at may dessert. Ayokong marinig na tinipid mo kami.” “Grabe ka talaga!” reklamo niya. “Hindi mo ba alam na—” “Reed,” malamig kong sabi, sabay sandig sa swivel chair at pinilig ang ulo ko. “Kung ayaw mong ikaw ang pumunta, ako na lang tatawag sa driver ni Dad at sasabihin kong ikaw ang dahilan kung bakit ako gutom ngayon. Alam mo kung gaano siya ka-galit kapag nalaman niyang hindi ako kumakain, ‘di ba?” Ilang segundo ang lumipas bago siya sumagot. Narinig ko ang marahas niyang paghinga sa kabilang linya. “Fine. Fine! You win again, Ate. Pero huwag kang magtaka kung dadating ako d’yan at ako pa mismo maghahatid ng pagkain. May sasabihin din ako sa ‘yo.” Ngumiti ako ng pilyo. “Good. Mas maganda ‘yan. At siguraduhin mong masarap ‘yong dala mo, kung ayaw mong ipatapon ko sa basurahan.” “Ang hirap mong kapatid, swear,” bulong niya bago ibinaba ang tawag. Napangisi ako, inilapag ang cellphone, at tumingin kina Fred at Carmelle. “Maghintay kayo ng mga trenta minutos. Magdadala ng pagkain ang kapatid kong si Reed.” “Si Reed Belfort po? Yung lawyer na laging nasa TV?” tanong ni Carmelle, halatang hindi makapaniwala. “Yup. Siya nga. At masyado siyang maarte, kaya huwag kayong magulat kung pagpasok niya rito ay puro reklamo.” Hindi nagtagal, napuno ng mahihinang tawa ang opisina. Sa unang pagkakataon ngayong araw, may gaan sa loob ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa katahimikan ng gabi, sa init ng kape, o sa dalawang empleyadong tahimik na nakaupo sa sofa habang inaabangan ang pagkain. Ilang sandali pa, nag-vibrate ang cellphone ko. On the way, sabi ng text ni Reed. Napangiti ako. “Maghanda na kayo,” sabi ko sa kanila. “Pagdating ng kapatid ko, siguraduhin ninyong busog kayo bago umalis. Dahil bukas, sisimulan nating ayusin ang gulong ‘to. Walang petiks, walang pa-victim. Naiintindihan?” “Opo, ma’am,” sagot nila sabay. Tumango ako at bumalik sa pag-upo. Sa labas ng bintana, kita ko ang ilaw ng siyudad ang mga sasakyang mabilis dumaraan at ang mga taong abala sa kani-kanilang buhay. At sa gitna ng gabing iyon, alam kong nagsisimula nang magbago ang ritmo sa kumpanyang iniwan sa akin ng pamilya ko. At oo, kahit gaano ko pa katigas ang loob ko, may parte pa rin sa akin na marunong magpakatao. Lalo na kapag gutom na at ako ang may kasalanan.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD