DOCTOR'S DUTY

1502 Words
CHAPTER 12 LLIANNE JANE POV Habang nakatitig ako sa laptop ko, halos hindi ako maka-focus sa kaka-refresh ng email habang hinihintay ang update nila Fred at Carmelle. Pakiramdam ko ay sasabog ang sentido ko sa dami ng problema sa design department. Isang maling galaw lang nila, siguradong ako na naman ang sasaluhin lahat. Biglang nag-ring ang cellphone ko malakas, parang sinasabayan ang kaba sa dibdib ko. Tiningnan ko ang screen. Lucas. Agad ko itong sinagot. “Busy ka ba?” tanong niya, halatang nagmamadali at may kaba sa boses. “Hindi naman, bakit?” “Pumunta ka sa hospital. May sinugod daw doon na may heart attack. Walang ibang cardiologist na available.” Napakunot ang noo ko. “Paanong wala? Limang cardiologist kami sa hospital. Imposibleng walang available.” “Ewan ko. Basta tumawag ang admin. Emergency daw talaga, Llianne. Hindi ako makakapunta may board meeting ako. Susunod na lang ako kapag nakalaya ako.” Hindi na ako nakakibo. Bigla na lang niyang pinutol ang tawag. Napabuntong-hininga ako, pinisil ang tungki ng ilong ko, at tumayo. Kinuha ko ang bag, cellphone, at white coat ko bago lumabas ng office. Pagbukas ko ng pinto, halos mabunggo ko sila Fred at Carmelle na halatang nag-uusap tungkol sa plano namin. Napahinto sila nang makita ako. “Kayo na muna ang bahala rito,” matigas kong sabi. “Babalik ako mamaya or… kung hindi na kaya, bukas na lang natin ituloy ang plano. Pakilagay na lang sa table ko lahat ng pinahanap at pinapagawa ko sa inyo.” Agad silang tumango, halata ang kaba at pag-aalala, pero hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nila. Nagpatuloy ako sa paglakad palabas. Habang mabilis akong naglalakad sa hallway, kumakalabog ang heels ko sa marmol na sahig, parang sinasabayan ang pagbilis ng t***k ng puso ko hindi dahil sa kaba, kundi dahil sa pagkadismaya at pagod. May ilang employees ang napapatingin. Yung iba napapabulong, yung iba nagtatabi agad, pero wala akong pakialam. Hindi iyon ang problema ko ngayon. Pagkasakay ko sa kotse, hindi na ako nag-aksaya ng kahit isang segundo. Agad kong pinaandar ang makina at pinaharurot ito palabas ng parking lot. Para bang bawat segundo ay katumbas ng buhay at alam kong literal iyon. Cardiologist ako; alam ko kung gaano kabilis tumakbo ang oras kapag puso ang tumitigil. “Hold on…” bulong ko sa sarili, habang mas diniinan ko pa ang apak sa gas. Kailangan kong makarating bago pa mahuli ang lahat. Sa bawat traffic light na nagiging pula, nararamdaman kong bumibilis ang t***k ng sarili kong puso. Sa bawat sasakyan na hinahawi ko, ramdam ko ang tensyon, ang adrenaline, at ang responsibilidad na parang pabigat nang pabigat sa balikat ko. Pero wala akong pakialam. Ang mahalaga lang humihinga pa ang pasyente nang datnan ko. Ilang minutong matulin na biyahe ang lumipas, at sa wakas ay narating ko ang hospital. Halos tumalon ako palabas ng kotse at mabilis na naglakad papasok. Ramdam ko ang sariling hingal ko, pero hindi ko iyon pinansin. Pagpasok ko sa lobby, diretso ako sa nurse station. “Ano’ng status? Kailan dinala? Anong nangyari?” sunod-sunod kong tanong habang inaabot ang chart na nakaabot na sa akin ng head nurse. Habang nagbabasa ako, sabay na rin akong naglalakad papunta sa ER. “Male, late 40s, uniformed personnel,” sabi ng nurse sa tabi ko, humahabol sa lakad ko. “Nalaman namin na police chief daw siya sa kabilang district. Bigla raw bumagsak habang nasa briefing.” Mas lalo akong nagmadali. “BP niya noong dumating?” tanong ko. “80 over 50 po, ma’am. Chest pain, cold sweats, difficulty breathing. Nagbigay na kami ng aspirin at oxygen habang wala pang doctor.” Tumango ako, hindi iniaangat ang tingin sa chart habang mas bumibilis ang hakbang ko. Naririnig ko rin ang mga yabag ng dalawang nurse na mabilis na sumusunod sa akin. Pagdating ko sa ER, diretso ako sa cubicle na tinuro nila. Walang patumpik-tumpik, isinampal ko sa gilid ang kurtinang nakatakip, halos punitin ko na sa bilis. At doon ko siya nakita. Nakahiga, nakasuot pa ang buong police uniform. Malaking tao. Matikas. Halatang sanay sa aksyon. Pero ngayon… mahina, hingal, at desperadong humihinga. At sa isang tingin pa lang Alam kong mataas ang ranggo nito. At malala ang lagay niya. Agad akong lumapit. “Check vitals,” sabi ko habang kinukuha ang stethoscope ko. Isinunod ko ang kamay ko sa pulso niya mahina, irregular. “Ma’am, ito po ang initial report,” sabi ng nurse na katabi ko at mabilis na nagbabasa ng impormasyon mula sa chart. “Severe chest pain while standing, almost collapsed, brought in less than ten minutes ago.” “Prepare for ECG, i-ready ang crash cart,” utos ko habang patuloy kong sine-check ang t***k ng puso niya. Nagsimula nang kumilos ang mga nurse sa paligid. “Sir, naririnig n’yo ba ako?” mahinahon kong tanong habang tinitignan ang mga mata niya. Bahagya siyang dumilat mahina, malabo ang tingin pero naroon. “Doc…” bulong niya, halos hindi ko marinig. “Huwag kang magsalita. Diin lang sa paghinga. Ako bahala sa’yo.” “Doc…” halos paos na bulong ng pasyente, pilit na binubuka ang mga mata pero agad ding pumipikit sa sakit. “Huwag kang magsalita, okay? Ako’ng bahala. Kaya mo ’to.” mahinahon kong sagot, kahit ang totoo, ramdam kong tumataas na ang tension sa dibdib ko. Hindi puwedeng mawala siya. Hindi ngayon. “ECG ready!” sigaw ng nurse. Tumango ako at iniayos agad ang mga leads sa dibdib ng police chief. Sa bigat at lapad ng katawan niya, halatang sanay ito sa field pero ngayon, parang unti-unting kinukuha sa kanya ang lakas. Lumabas agad ang reading sa machine. Tumigil ako ng saglit. Arrhythmia. Malala. “Maghanda ng nitro. Ilagay ang IV line. Check oxygen i-increase to 4 liters,” sunod-sunod kong utos. “Yes, ma’am!” Habang ginagawa ng mga nurse ang lahat, pinuwesto ko ang sarili ko sa gilid ng kama at marahan kong hinawakan ang kamay ng pasyente para macheck ang pulse niya. Mahina, irregular, paputol-putol. “Sir, pakinggan mo ako,” sabi ko habang nakayuko. “Makinig ka sa bawat utos ko. Huminga ka nang dahan-dahan. Isa… dalawa… tatlo…” Sumunod siya kahit hirap. Kita ko ang pag-alsa ng dibdib niya mabagal, pero sumusunod. Pagkadagdag ng gamot sa IV line, unti-unti nang nag-stabilize ang ECG waves. Hindi pa rin normal, pero mas maayos kaysa kanina. “Good, good… stabilize na.” bulong ko. Makalipas ang ilang minuto, mas gumanda pa ang reading. Bumagal ang paghingal niya. Bumaba ang pamumutla. At unti-unting nagbalik ang bilis ng pulso niya sa borderline normal. “Tawagin ang cardiology resident, i-ready ang transfer to private room. Kailangan niyang ma-monitor nang tuloy-tuloy.” utos ko. “Yes, Dr. Belfort!” Habang inaayos nila ang mga bagay-bagay, napatingin ako sa police chief. Mas malinaw na ang mata niya ngayon, kahit pagod at naghihingalo pa kanina. “Doc…” mahina niyang sabi. Lumapit ako. “Bakit?” “…salamat.” Umiling ako. “Trabaho ko ’to. Magpahinga ka.” Ilang minuto pa, dumating ang dalawang nurse at isang orderly para ilipat siya mula sa ER bed patungo sa private room. Ako mismo ang nagbantay habang tinutulak ang kama palabas ng ER corridor. Ayaw ko ng kahit maliit na pagkakamaling puwedeng mag-trigger ng isa pang attack. Habang naglalakad kami, tanging tunog lang ng gulong ng kama at tahimik na paghahabol-hininga ng pasyente ang naririnig ko. Pagdating sa elevator, ako ang pumindot ng button at nagbantay sa reading monitor na nakasabit sa gilid ng kama. “Okay ang heartbeat niya, doc,” sabi ng nurse. “Keep monitoring,” sagot ko, hindi inaalis ang tingin sa graph. Ilang minuto pa ay narating namin ang private suite. Tahimik. Malinis. Naka-prepare na dahil nagpauna na ako ng tawag. “Ayosin n’yo ang vitals. I-secure ang oxygen. I-check ang IV line. Sabihan ang resident na sumunod dito sa loob ng five minutes,” utos ko habang inaayos ang kumot sa pasyente. Tumango silang lahat. Nang maayos na ang lahat, lumapit ako sa gilid ng kama. Nakatingin siya sa kisame, pero alam kong aware siya sa presensya ko. “Ina-advance heart attack ang nangyari sa’yo,” mahinahon kong paliwanag. “Pero na-stabilize ka. Hindi ka pa out of danger, pero safe ka na sa ngayon.” Dahan-dahan siyang lumingon sa akin, mahina pero malinaw ang tingin. “Kung hindi ka dumating…” bulong niya. Tinapik ko ang balikat niya nang marahan. “Huwag mo nang isipin ’yon. Ang mahalaga, buhay ka.” Saka ko lang naramdaman ang pagod na biglang dumapo sa akin. Para bang kanina pa ako hindi humihinga. Hinila ko ang upuan at umupo sa tabi niya. “At least ngayon, pwede ka nang magpahinga. Pero huwag kang mag-alala ako muna ang magbabantay habang wala pang residente.” Huminga siya nang malalim, at sa unang pagkakataon mula nang makita ko siya sa ER… nakita ko siyang kumalma. At doon ko lang napagtanto Kung hindi ako nagmamadali kanina, baka kwento na lang sya ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD