WALLPAPER

1321 Words
CHAPTER 13 RAVEN CHRYS COLONER POV “Nakapako ka nanaman d’yan sa wallpaper ng cellphone mo.” Napakislot ako at mabilis na nilingon kung sino ang nang-aasar. Napaayos pa ako ng tayo at biglaang nag-saludo nang makita ko kung sino pala ang nagsalita ang mismong Chief of Police namin, si Col. Ramirez. Tumatawa siya, parang natutuwa pang nahuli niya ako sa akto. Sumunod namang nagtawanan ang halos lahat ng kasama ko sa opisina, kaya napailing na lang ako habang mabilis na isinuksok ang cellphone ko sa bulsa. “Alam mo, PSMSg Raven…” panimula ni Chief habang umuupo sa lamesa na parang walang pagod, “…kung mahal mo pa, bakit hindi mo balikan? Diba? Simple lang ’yon.” Para bang bumigat ang sikmura ko. Napangiti ako, pero hindi iyong masaya iyon yung tipong ngumiti ka para lang maitago kung gaano kasakit ang totoo. “Malabo na po ’yon, Chief,” sagot ko nang diretso pero mahina. “Hindi ko alam kung mababalikan ko pa ba… o kung papayagan pa niya akong bumalik sa buhay niya matapos ang mga nangyari.” “Tsk, tsk.” Umiling siya. “Kung gusto, may paraan. Kung ayaw ayun, maraming dahilan. Pero ikaw? Aasa ka na lang ba sa pagtingin-tingin sa wallpaper ng ex mo?” Napabuntong-hininga ako. Sana ganoon lang kadali. Sana hindi ganoon kabigat ang konsensyang dala ko. “Mahirap din, sir,” sagot ko. “Marami akong pwedeng gawin, pero… ang tanong: pwede pa ba? Tatanggapin pa ba niya ako?” Saglit siyang natahimik, tapos nginitian ako iyong tipong kuya or tatay na nakakaintindi nang malalim. “’Yan ang mahirap,” sabi niya. “Pero kahit na langit at lupa pa ang pagitan n’yo, kung kayo talaga… kayo talaga.” “Eh chief,” singit ng isa pa naming kasama, “baka nga CEO na yung ex niya ngayon! Sila yata may-ari ng malaking kumpanya, diba?” Napakamot ako sa batok at napangiwi. Totoo naman. “Kahit pa,” sagot ni Chief Ramirez, “kahit CEO pa yan o presidente, kung sila talaga ang tinadhana, magkikita at magkikita pa rin sila.” Napailing ako na may konting tawa. “Sana nga po, sir.” Nagpatuloy ang kwentuhan nila. Nagbibiro, nagtatawanan, asaran dito, asaran doon. Ako naman, nakikinig lang, pilit na nakikitawa kahit may mabigat pa ring parte sa dibdib ko. Pero sa gitna ng tawanan… napansin kong biglang tumahimik si Chief. Una, simpleng hawak lang sa dibdib. Akala ko pagod lang. Pero nang tumagal, napansin kong hinihimas na niya ito. Lumalim ang hinga niya. Tumindi ang pagkakunot ng noo niya. “Chief?” tawag ko, kinakabahan. Hindi siya sumagot. Nagulat na lang kami nang bigla siyang napa-ungol sa sakit. Namutla. Nanginig ang kamay. Napahawak nang mariin sa dibdib niya na para bang may tumutusok mula sa loob. “Sir!” mabilis kong lapit at inalalayan siya bago pa man siya tuluyang bumagsak sa sahig. “Chief! Ano’ng nangyayari” “Chest… chest ko…” hirap niyang sabi, halos pabulong. Nagsidatingan na rin ang iba pang police officer, tulong-tulong kaming inalalayan si Chief. Ramdam ko ang bigat niya habang unti-unti siyang nawawalan ng lakas. “Sir, please, dahan-dahan ka…” halos pakiusap ko habang sinusubukan namin siyang isalba sa pagkakahandusay. “Isakay ’nyo sa kotse ko! Bilis!” utos ko, hindi ko na inalintana ang takot ko. Agad nilang binuhat si Chief, tinulungan akong isakay siya sa passenger seat habang ang isa sa mga kasama ko ay pumwesto sa likod para alalayan siya. Ako naman ang sumalo sa pagmamaneho. Hindi ko na maalala kung paano ko narating ang hospital. Ang alam ko lang, tumututok ang kamay ko sa manibela habang naririnig ko ang mabilis na paghingal ni Chief, ang sunod-sunod na pag-ubo niya, at ang mahinang ungol sa sakit. Pagdating namin sa hospital, halos sabay kaming lumabas ng sasakyan. Hawak namin siya sa magkabilang braso habang mabilis na naglalakad papunta sa entrance. May mga nurse na naghihintay na, hawak ang stretcher, alerto at handang tumanggap ng emergency case. “Chest pain! Possible heart attack!” sigaw ng isa kong kasama. “Akin na, ilatag!” utos ng nurse. Agad nilang pinahiga si Chief sa stretcher at mabilis na isinugod papasok ng ER. Kaagad ding tinabihan kami ng isang nurse para magtanong. “Sir, anong nangyari? Ano ang symptoms bago po ito nangyari?” “Sumakit po ang dibdib niya,” sagot ko, hingal at nanginginig pa ang kamay. “Hinihimas niya, tapos biglang namutla… tapos halos hindi na makahinga” “Naiintindihan ko po. Likely myocardial infarction po. Heart attack.” At sa unang pagkakataon ngayong araw… hindi trabaho ang kinakatakutan ko kundi ang posibilidad na baka mawala sa amin ang chief na halos tumayong pangalawang ama ko. Matapos kaming ma-interview tungkol sa nangyari, agad kaming nagmamadaling sumunod ng kasama ko papunta sa ER. Hindi ko ininda ang pagod basta masiguro lang na okay si Chief. Pero habang papalapit kami sa pintuan… …bigla kong naramdaman ang pamilyar na paninikip sa dibdib ko. Hindi dahil sa pagod. Hindi dahil sa kaba. Kundi dahil sa isang bagay na matagal ko nang tinatakbuhan trauma. Trauma sa tunog ng mga monitor. Trauma sa sigawan ng emergency team. Trauma sa amoy ng ER na punong-puno ng alaala na pilit kong nililibing. Kaya nang malapit na kami, huminto ako. “Pare… ikaw na ang pumasok,” mahina kong sabi sa kasama ko. “Tsigurado ka?” tanong niya, ramdam ang pag-aalala. Tumango ako. “Oo. Babaliktad sikmura ko pag pumasok ako r’yan. Sabihan mo agad ako pag may update.” “Got you,” sagot niya saka mabilis na pumasok sa ER. Ako naman, halos nilabanan ang sariling katawan habang naupo sa bench sa labas, katabi ng malaking salamin na halos magpakita ng lahat ng nangyayari sa loob. Umuugong ang paligid, pero hindi ko na iyon pinansin. Huminga ako nang malalim, kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa, at binuksan iyon. At tulad ng lagi kong ginagawa kapag nadadala na ako ng emosyon pinagmasdan ko ang wallpaper ko. Larawan niya. Ngiti niya. Mata niyang matagal ko nang gustong makita ulit pero hindi ko magawa. Siya ang tanging kayang kumalma sa akin sa ganitong klaseng kaguluhan. Kahit larawan lang, sapat na para magpa-stabilize ng t***k ng puso ko. Pero bago pa ako tuluyang malunod sa alaala niya… …napatingin ako sa dulo ng hallway. At doon, doon ko siya nakita. Halos matigilan ako. Parang tumigil ang mundo, kahit dalawang segundo lang. Hawak-hawak niya ang isang chart, nakayuko, busy sa pagbasa. May dalawang nurse na sumusunod sa likod niya, sabay-sabay na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa pasyenteng dinala sa ER. Pero siya? Ni hindi man lang tumingin sa paligid. Ni hindi ko man lang nakitaan ng kahit isang pag-aalinlangan sa bawat hakbang niya. Dire-diretso. Confident. Malakas ang presence. At mas lalo siyang gumanda. Mas defined ang features. Mas firm ang postura. Mas malamig ang aura iyong tipong naglalakad na parang kayang harapin ang kahit anong emergency, kahit sinong pasyente… kahit sinong taong minsan niyang minahal. Ako. Napangiti ako. Hindi yung masaya. Yung tipong mapait pero may halong paghangang hindi ko maalis. “Doctor pa rin pala siya…” mahinang bulong ko sa sarili. Hindi ko binaba ang tingin habang papalapit siya sa ER, lalo na’t isang sakong layo na lang siya mula sa pinto. “Mas pinili mo pa rin ang puting uniporme, no?” bulong ko. “Tanggap mo ba ang companyang pinapamana sa’yo… o mas pinili mo ang trabahong mahal mo?” Hindi ko alam. Wala akong balita sa kaniya. At wala rin akong karapatang mabalitaan siya matapos ang lahat. Pero isang bagay ang sigurado: Mas lalo siyang nag-evolve. Mas lalo siyang nagningning. Mas lalo siyang naging… untouchable. At ako? Ako itong nakaupo sa bench, hawak ang cellphone na siya rin ang laman, habang hinihintay ang balita tungkol sa aming Chief at pinapanood ang babaeng minsan kong sinaktan… na ngayon ay mas matatag, mas malamig, at mas malayo kaysa dati.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD