SINO NGA BA SIYA??

1467 Words
CHAPTER 14 LLIANNE JANE POV Habang nag-aantay ako sa pagdating ng mga residente, hindi ko maiwasang mapatingin sa uniform ng pasyente. Hindi pa siya napapalitan ng hospital gown nakasuot pa rin siya ng opisyal niyang uniporme bilang chief of police. Malinaw na hindi pa siya naaasikaso nang husto dahil wala pa ang pamilya niya at wala pang residents na nakatalaga sa kanya. Bumalik na kaya siya sa serbisyo? Tanong ko sa sarili ko habang tinititigan ang badge na nakaipit pa rin sa dibdib ng uniform niya. Bakit ko nga ba siya iniisip? Bakit kailangan ko pang alalahanin kung nasaan na siya, kung kumusta na siya? Ano’ng dahilan? Para saan? Umiling ako nang marahan, pilit na tinataboy ang mga tanong na iyon. Lumapit ako sa kama at sinuri ang suwero, pati ang monitor na nagtatala ng vital signs niya. Stable na ang lahat wala nang babala, wala nang anumang indikasyon na delikado ang lagay niya. Kailangan na lang niya ng obserbasyon, pahinga, at kaunting oras para makabawi. Maya-maya ay bumukas ang pinto ng private room. Pumasok ang mga residenteng hinihintay ko pa kanina. Ipinaliwanag ko sa kanila ang vital signs, history, at lahat ng impormasyon tungkol sa pasyente bago ako tuluyang lumabas. At pagkalabas ko parang nanigas ang buo kong katawan. Nakatayo siya roon.nakatingin lang diretsong sa akin, malalim, puno ng mga salitang pilit ikinukubli. Parang bumalik sa akin ang lahat yung mga alaala na matagal ko nang pilit kinakalimutan, pati yung sakit na dahilan kung bakit naging ganito ako ngayon. Lahat ng pinagdaanan ko dahil sa kanya, lahat ng dahilan kung bakit ako lumayo. Nakatitig kami sa isa’t isa. Walang kumukurap. Walang lumalapit. Kahit ang mga taong dumadaan sa hallway, parang hindi namin napapansin. At gaya ng nakasanayan… siya ang unang bumitaw. Siya lagi. Huminga siya nang malalim, kita ang pag-ipon ng tensyong matagal na niyang bitbit. Sandaling lumambot ang mga mata niya, saka siya ngumiti. Ako? Tumango lang ako, walang kahit anong emosyon na ipinapakita. Pagkatapos ay tumalikod ako. Wala na dapat pag-usapan. Hindi ko sigurado kung kaya ko siyang kausapin matapos ang lahat ng nangyari. At sa ngayon gusto ko munang mapag-isa. Nagsimula na akong maglakad, pero hindi pa ako nakakalayo nang marinig ko siyang tumikhim. Sumunod ang boses niyang matagal ko na ring hindi naririnig. “Kamusta? It’s been a while. Ok ka na ba?” Napangising mapait ako. Kamusta? It’s been a while? Ok na ba ako? Sa tingin ba niya, ganun lang kadali lahat? Na parang bata lang na natapilok at kailangan lang tanungin kung okay? Na parang hindi niya ako iniwan sa gitna ng sakit na siya mismo ang dahilan? Pero hindi ako sumagot ng kung ano. Walang sermon, walang paliwanag. Walang dapat ibalik. “I’m fine,” maikli kong tugon sapat para tapusin ang kahit anong tinatangka niyang simulan. Nagpatuloy ako sa paglakad sa hallway, diretso ang tingin, walang balak lumingon. Dahil kung lilingon ako... baka bumigay ako. At hindi ko kayang bumigay muli lalo na sa kanya. Pagkapasok ko sa opisina, marahan kong isinara ang pinto hindi malakas, pero sapat para maramdaman kong hiwalay na ulit ako sa gulo ng mundo sa labas. Huminga ako nang malalim, pilit inaayos ang t***k ng puso kong kanina pa kumakabog nang hindi ko man lang namamalayan. Nilapag ko ang chart sa mesa, saka ako bumagsak sa swivel chair ko. Pumikit ako sandali. Kahit pilitin kong huwag balikan ang nangyari sa hallway… kusa siyang bumabalik. Ang tingin niya. Ang tindig niya. Ang boses niyang halos hindi nagbago. Bakit ngayon pa? Bakit kailangan ko pa siyang makita sa araw na pagod na pagod na ako? Napakuyom ako ng palad ko. Hindi dahil sa galit kundi dahil sa takot na baka bumalik ang dati kong sarili. Yung sarili kong kaya niyang paikutin gamit lang ang pagtingin. Yung sarili kong naghintay, nasaktan, at iniwang wasak. Tumingin ako sa salamin ng cabinet sa gilid. Kita ko ang sarili kong seryoso ang mukha, pero may bakas ng kaba sa mga mata ko. “Ang tanga tanga mo pa rin,” bulong ko sa sarili ko. “Isang tingin lang niya, bumabalik ka na naman.” Napangiti ako nang mapait. Hindi yung tipong masayang ngiti yung ngiting alam mong wala ka nang dapat maramdaman, pero heto ka… ramdam mo pa rin ang kirot. Bakit ganun? Hindi ba dapat naka-move on na ako? Hindi ba sapat yung sakit na naranasan ko para mawala na siya dito? Inilapit ko ang dalawang kamay ko sa sentido ko at minasahe iyon, pilit itinatapon ang bigat ng alaala. Pero kahit anong gawin ko, hindi maalis ang katotohanang nakita ko siyang muli at hindi ko alam kung paano ko kakayanin kung paulit-ulit pa itong mangyayari. Sa isang iglap, bumalik sa isip ko ang itsura niya kanina. Suot ang uniform. Mas seryoso. Mas mature. Mas… buo. Parang wala nang bakas ng lalaking nagpaasa sa akin noon. Parang wala nang alaala ng kung sino kami dati. Parang kaya na niyang maglakad sa mundo na wala ako. At doon… doon ako muling napangiti nang mapait. “Kasi ikaw lang ang hindi naka-move on, no?” bulong ko ulit sa sarili ko, halos pabulong, halos isang pag-amin na hindi ko inakala na sasabihin ko pa. Tinungo ko ang mesa, kinuha ang ballpen, at pilit nagbukas ng report para magtrabaho na lang. Pero kahit ilang beses kong basahin ang unang linya, wala akong maiintindihan. Parang bawat letra… mukha niya ang lumalabas. Napahinga ako nang malalim at marahan kong isinara ang papel. Hindi pala ako handa. Hindi pa pala tapos ang lahat. At kahit anong ipakita kong lakas sa iba… may bahagi pa rin ng puso ko ang humahabol sa anino niya. Aninong minsan ko nang sinubukang kalimutan. Aninong ngayon ay bumalik muli at sumira sa katahimikan na matagal ko nang pinaghirapan. Sa gitna ng katahimikan ng opisina ko, tanging mapait kong ngiti ang naging sagot sa lahat ng tanong na gumugulo sa isip ko. “Bwisit ka talaga…” bulong ko hindi ko alam kung siya ang tinutukoy ko, o sarili ko. Napahiga ako sa upuan, iniunan ang braso sa mga mata ko na para bang mabubura nun ang bigat na bumabalot sa dibdib ko. Ilang minuto lang ang lumipas, pero pakiramdam ko oras na ang dumaan habang nakatitig ako sa kisame. Hanggang sa tuluyan akong napabalikwas. “Put—” hindi ko natapos dahil napatakip ako ng bibig, pero ramdam kong nag-iinit ang mukha ko sa inis. “Bwisit. Bwisit ka, Llianne.” Tumayo ako, naglakad paikot sa maliit kong opisina, halos hindi ako mapakali. Pakiramdam ko nalulunod ako sa sarili kong emosyon. “Ano ba kasi?” halos pabulong pero puno ng gigil kong sabi. “Isang tingin lang ng gagong ‘yon, nagiging tanga ka na naman?” Napailing ako habang tinitignan ang sarili ko sa salamin. Hindi ko alam kung tatawa ako sa sarili kong kahihiyan o maiiyak na lang sa inis. “Matalino ka daw, diba? Top student. Ceo. Doctor.” Tumuro ako sa sarili ko sa repleksyon, halos nagsisigaw na kahit nakapikit. “Pero pagdating sa lalaking ‘yon? Tangina, zero IQ ka!” Napahampas ako sa mesa hindi malakas, pero sapat para ilabas ang frustration. “Ang dami mong napagdaanan! Ang dami mong iniyak! Ang tagal mong binuo yung sarili mo!” Kita kong nangingilid ang luha sa mata ko at lalo lang akong nainis. “Tapos ngayon? Ngumiti lang? Nag-kamusta lang? Kinabahan ka na?” Napailing ako, tawa bang mapait ang lumabas sa bibig ko. “Ang baliw mo, Llianne. Literal. Baliw.” Umupo ako sa gilid ng mesa, hawak ang sentido, habang bumabalik sa utak ko ang tono ng boses niya. Kamusta? It’s been a while… “Putang—” napaigtad ako sa sariling mura. “Para siyang walang ginawa. Para siyang walang sinira!” Napalunok ako nang mabigat. “Ano ba’ng gusto mo, ha?” tanong ko sa sarili ko. “Closure? Paliwanag? O umaasa ka pa rin na…” Napatigil ako. Napakagat labi. Napailing ulit. “Tangina. Hindi. Hindi na.” Huminga ako nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili ko, pero nanginginig pa rin ang dibdib ko. “Hindi mo na siya mahal,” sabi ko, bagama’t hindi ako sigurado kung pinipilit ko lang ang sarili kong maniwala. “Hindi mo na siya kailangan. Hindi mo na siya habol.” Pero sa gitna ng katahimikan… may maliit, nakakainis, at masakit na tinig sa loob ko na bumubulong: Pero bakit ang sakit pa rin? Napasandal ako sa upuan, napapikit, at muling napatawa nang mapait. “Llianne Jane… ang ganda mo pa naman. Pero pagdating sa kanya?” Napailing ako, halos natawa sa sarili kong kahihiyan. “Tanga ka. Sobrang tanga.” At doon, tuluyan kong naramdaman ang kirot ng katotohanan. Hindi pa ako handa. Hindi pa ako buo. At pinakamasahol sa lahat… Baka hiindi pa pala tapos ang kwento namin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD