ALALAHANIN

1004 Words
CHAPTER 15 LLIANNE JANE POV Nakatulala pa rin ako sa kawalan, hindi ko namalayang ilang minuto na pala akong nakahawak sa sentido at malalim ang hinga. Para akong nawalan ng energy matapos murahin at pagalitan ang sarili ko. Pakiramdam ko umiikot ang ulo ko not physically, but emotionally. Hanggang sa biglang bumukas ang pinto. Napalingon ako, at napatayo nang bahagya. Si Lucas. Ang kambal ko na akala ko hindi makakarating dahil busy sa kumpanya ni Dad. Bakas din sa kanya ang pagod pero, dahil dito kami nasanay tila hinahatak padin kami maging doctor kesa maging tagapamahala ng kumpanya. “Nandito ka pala,” sabi niya habang nakasabit pa ang ID sa leeg at hawak ang folder, halatang galing sa rounds. “I came to check on the patient. Yung chief of police.” Tumango ako nang mahina. “Okay naman siya. Stable. Nilagyan ko na ng notes, and the residents are monitoring.” Pero halata ko sa boses ko hindi ito ‘yung normal na calm at astig na Llianne Jane Belfort. May sabit. May bigat. May lamig na may halong pagkagulo. At syempre… hindi iyon pinalampas ni Lucas. “Hey,” he said, lumapit siya at kinuha yung upuang nasa harap ko, umupo na parang wala siyang balak umalis hangga’t hindi niya nakukuha ang sagot na gusto niya. “Anong problema?” Umiling ako agad, mabilis. “Wala.” Tumaas ang kilay niya, halatang hindi naniniwala ni katiting. “Llianne…” Ito na naman siya sa authoritative kuya tone niya. “Hindi ka marunong magsinungaling sa akin. Mas kilala pa kita kaysa sa sarili mo. Anong meron?” Lumiit ang tingin ko. Umiwas ako ng tingin. Kinuha ko ang chart. Nagpanggap na busy. Pero kahit saan ako tumingin mesa, laptop, pader ramdam ko ang matalim at nanunuring tingin ng kuya Lucas ko. “Seriously?” tanong niya ulit, this time mas mababa ang boses. “Kahit simpleng ‘okay lang ako’ nang may konting sense of honesty… wala?” Tahimik ako. Tahimik siyang napabuntong-hinga. “Tsk.” Tumayo siya, ini-slide ang kamay niya sa bulsa. “May nangyari, diba? Kita ko sa aura mo. Hindi ka ganyan kung pagod ka lang. Hindi ka rin ganyan kung bad mood ka sa employees mo. Iba ‘to, Lli.” Hindi pa rin ako nagsalita. Dahil ayokong bumuka ang bibig ko at amining nakita ko ulit si Raven. Ayokong sabihin iyon dahil sa sandaling banggitin ko siya… bumabalik lahat. “Fine,” sabi ni Lucas pagod pero may halong pag-aalala. “Kung ayaw mo pang magkwento, I won’t force you.” Tumalikod na siya, hawak ang doorknob, pero bago lumabas ay tumingin siya ulit sa akin. “But remember this…” Tumigil siya sandali, naghintay para masigurong nakikinig ako. “Nagutom ka? Pagod ka? Stress ka? Broken ka?” Huminto siya at ngumiti nang may konting inis. “Sa’kin ka dapat nagsasabi, hindi sa iba.” Hindi ko napigilang mapangiti kahit sobrang hina. Pero ngiti pa rin. Iniling niya ang ulo niya, para bang hindi niya ako maintindihan, sabay tuluyang lumabas ng opisina. At pagkapindot niya ng pinto… Naiwan akong nakatingin sa kawalan. Mas lalong bumigat ang dibdib ko. Dahil kahit anong pilit kong itago… kahit sa sarili kong kuya… hindi ko kayang tanggapin nang buo na may isang Raven Coloner na muling gumulo sa mundong maayos na sana. Pagkaalis ni Lucas, napadapa ako sa lamesa ko at napapikit. Para akong nauubusan ng hangin sa dami ng emosyon na dumaan sa akin ngayong araw. Hindi ko talaga kaya. Hindi ko kayang bumalik pa sa opisina. Hindi sa ganitong estado ko. Dinampot ko ang cellphone ko at mabilis na tinawagan sila Fred. Pagkasagot niya, hindi ko na pinatagal. “Fred, hindi na ako makakabalik diyan,” diretsong sabi ko, halatang pagod ang boses ko. “Kayo na muna ang bahala ni Carmelle. Iwan niyo sa mesa ko bukas ng umaga lahat ng pinagawa ko. Ayusin niyo yung design department at HR list, at final check ko na lang bukas.” “Ma’am… okay lang po ba kayo?” nag-aalalang tanong niya. “Fred…” napapikit ako, pilit pinapakalma sarili ko, “please. Just do what I said. Babalik ako bukas nang maaga. Kailangan ko lang… umalis ngayon.” Nag-pause siya sandali, halatang gusto pa akong tanungin pero alam niyang hindi niya dapat pilitin. “Sige po, ma’am. Kami na po ang bahala ni Carmelle. Ingat po kayo.” “Good.” Binaba ko ang tawag bago pa man ako magbago ng isip. Hinubad ko ang lab gown ko at binitin ito sa likod ng pinto. Kinuha ko ang bag ko, cellphone, at ID. Pakiramdam ko ay mas mabigat pa ang balikat ko kaysa sa buong araw ng duty. Lumakad ako palabas ng opisina. Tahimik ang hallway. Ilang nurses at residents ang napapatingin habang dumadaan ako, pero hindi ko sila pinansin wala akong lakas. Gusto ko lang makalabas. Gusto ko lang makauwi. Paglabas ko sa hospital, malamig ang hangin. Pasado alas-sais na at unti-unti nang dumidilim ang langit. Humugot ako ng isang malalim na hininga bago naglakad papunta sa parking lot. Pagpasok ko sa kotse, agad ko itong pinaandar. Hindi ako tumingin kahit saan baka mamaya may makasalubong pa akong ayokong makita. Ayokong makita si Raven. Ayokong marinig pangalan niya. Ayokong maalala. Pero kahit anong pilit kong takasan ang ala-ala, unti-unti itong sumiksik sa utak ko habang palabas ako ng hospital grounds. Pagkarating ko sa condo ko, agad akong umakyat sa unit. Pagpihit ko ng susi at pagbukas ng pinto… doon lang ako nakahinga nang malalim. Finally. Safe space. Pagpasok ko, isinara ko ang pinto nang marahan, pero kahit ganoon… nag-iwan pa rin ito ng malakas na echo sa dibdib ko. At doon, sa wakas, bumigay ang mga tuhod ko. Napaupo ako sa sahig, nakasandal sa pinto, humihinga nang malalim, pilit kinakalma sarili ko. Bukas na ulit ang laban. Pero ngayon… Kailangan ko munang bumalik sa pagiging ako. Hindi si doktora. Hindi si CEO. Hindi si Belfort. Ako lang si Llianne Jane na napapagod, nasasaktan, pero pilit nagtitiis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD