GUILT

1452 Words
CHAPTER 16 RAVEN CHRYS COLONER POV Hindi ko alam kung paano ko idedescribe yung pakiramdam na tumama sa dibdib ko kanina pero isa lang ang sigurado ko… Parang may sumabog. Hindi bala. Hindi granada. Kundi siya. Si Llianne Jane Belfort. Ang babaeng matagal ko nang iniwasan… pero araw-araw ko pa ring hinahanap. Nakatayo ako sa hallway kanina, hawak ang police file ng chief, handang kausapin ang doctor-in-charge, nang bigla siyang lumabas mula sa private room. At putang ina. Huminto ang mundo ko. Nakatayo lang siya roon still intimidating, still sharp, still breathtaking kahit pagod, at lalo pa yatang tumapang ang aura niya. Parang sa isang iglap, bumalik lahat ng alaala na pilit kong ibinaon habang tinutupad ko yung misyon at responsibilidad ko. Akala ko kaya ko siyang harapin nang normal. Akala ko, professional lang. Pero nung tumingin siya sa akin… Shit. Parang bumagsak lahat ng depensang ginawa ko sa loob ng dalawang taon. Nakatitig lang siya sa akin at hindi ko mabasa kung ano nasa isip niya. Galit ba? Yamot? Wala ba talagang pake? O pinipigilan lang niya ang sarili niya? Ang hirap intindihin ng mga mata ni Llianne. Kahit noon pa. Pero hindi ako nakahinga noong tumalikod siya, wala man lang pagdadalawang-isip. Hindi niya ako binigyan ng kahit anong dahilan para pigilan siya. Wala man lang second glance. Parang… wala akong kwenta. At doon, doon ako nakaramdam ng kirot. Yung kirot na ako rin ang may kasalanan. Tiningnan ko siya habang naglalakad palayo, ramdam ang paglayo niya sa buhay ko ulit, at hindi ko mapigilang magsalita. “Kamusta? It’s been a while. Ok ka na ba?” Corny. Mahina. Parang walang kwenta. Pero yun lang ang lumabas. Yun lang ang kaya ko. At ang sagot niya? “I’m fine.” Yun lang. Walang ibang emosyon. Walang kahit anong bakas ng dati. Pero kilala ko siya. Hindi siya fine. Kahit pilitin niyang magmukhang bato, alam kong may nabubuhay pa ring sugat na ako ang gumawa. At mas masakit sa akin iyon. Nang umalis siya, napasandal ako sa pader. Napapikit. Napabuntong-hininga. Tangina. Hindi ko pala kaya. Akala ko handa na ako kung sakaling magkita kami ulit. Akala ko kaya ko nang tumanggap ng galit niya. Pero nung nandyan siya nasa unang hakbang pa lang ako, pero para akong binagsakan ng limang taong guilt. Ngayon, habang nakaupo ako sa bench sa labas ng ER, hinihintay ang update sa chief… wala akong naiisip kundi siya. Si Llianne. Paanong sa dami ng pwede kong maalala, siya agad ang sumiksik sa utak ko? Mas gumanda siya. Mas sumeryoso. Mas lumamig. At hindi ko alam kung dahil ba iyon sa pagiging doctor niya… …o dahil ako ang nagpalamig ng puso niya. Napatingin ako sa kamay kong nanginginig. Hindi dahil sa takot. Hindi dahil sa duty. Kundi dahil sa realization Na kahit gaano ko gustong pilitin ang sarili kong kalimutan sya… hindi ko kaya. At ngayong nakita ko ulit siya, isang bagay ang siguradong mas lalo pang nagiging imposible na iwasan ko siya. Nakatulala pa rin ako sa screen ng cellphone ko, sa larawan ni Llianne na masayang nakangiti iyong tipong ngiti na parang kayang buhayin ang buong mundo kahit guguhuin pa ang lahat sa paligid ko. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong gano’n, nakahawak lang sa telepono na para bang iyon na lang ang natitirang koneksiyon ko sa katahimikang matagal ko nang hinahanap. Bakit ko nga ba ginawa siyang wallpaper? Hindi ko alam. O siguro… alam ko naman talaga. Ayaw ko lang aminin na kahit sa gitna ng trabaho, gulo, at panganib, siya pa rin ang inuuwian ng isip ko. Naputol lamang ang pagkalunod ko sa larawan niya nang biglang bumukas ang pinto ng private room kung saan nagpapagaling ang chief of police namin. Lumabas ang ilang residents na pumasok kanina. Huminto ang isa sa kanila sa harapan ko. “Sir, under observation na po si Chief,” mahinahong sabi ng resident. “Kailangan lang niya ng sapat na pahinga para tuluyang makarekober. Stable na po ang vitals.” Napabuntong-hininga ako, para bang biglang gumaan ang bigat sa balikat ko. “mabuti naman. Salamat.” Tumango siya at umalis, pero ako… nanatili lang doon, hawak ang cellphone, at parang mas lalo pang sumikip ang dibdib ko. Kanina pa ako kabado, pero ang totoo hindi lang dahil sa kondisyon ng chief. Kundi dahil sa pagkikita namin ni Llianne pagkatapos ng ilang taong lumipas. At sa tingin pa lang niya kanina… parang lahat ng pilit kong nilimot ay pilit ding bumabalik. Bago pa man ako tuluyang lamunin ng mga iniisip ko, lumapit ang kasama kong pulis si Sgt. Pascual, na kasama ko mula pa kanina. “Sir,” sabi niya, medyo hinihingal, “nakausap ko na po ang pamilya ni Chief. Papunta na raw sila.” Tumango ako. “Good. Kailangan nilang malaman agad ang nangyari.” “Sir… okay lang po ba kayo?” tanong niya bigla, hindi na nagpakipot. “Kanina pa po kayo parang… malayo ang tingin.” Napatingin ako sa hawak kong telepono at dali-daling pinatay ang screen para hindi niya makita kung sino ang nakalagay doon. “Ayos lang ako.” Masyadong mabilis. Masyadong mekanikal. At halatang hindi siya kumbinsido. Pero wala siyang sinabi pa. Tumango lang siya nang marahan bago muling umalis upang ayusin ang security sa paligid. Pagkaalis niya, napahawak uli ako sa cellphone ko. Pinindot ko ang lock, at muling sumilay ang mukha ni Llianne sa screen malinis, masaya, at maliwanag… kabaligtaran ng lahat ng nararamdaman kong hindi ko maipaliwanag. It’s been years. Pero bakit gano’n? Isang tingin lang niya kanina, parang bumalik lahat. Lahat ng sakit. Lahat ng dahilan. Lahat ng hindi ko nasabi. At hindi ko alam kung handa ba akong harapin siya ulit. O kung kaya ko nga ba. Biglang nag-vibrate ang cellphone ko malakas, sunod-sunod, at sapat para mapabalikwas ang puso ko na para bang tatakbo palabas ng dibdib ko. Halos mabitawan ko pa ang telepono, dahil sa isang iglap, umasa akong pangalan ni Llianne ang lilitaw sa screen. Tanga, oo. Pero sanay na akong umasa kahit paulit-ulit na akong nabigo. Pero nang tingnan ko, hindi pangalan niya. Caller ID ng presinto. Humugot ako ng malalim bago sinagot ang tawag. “Kamusta d’yan, Raven?” agad na bungad ng kanang kamay ni Chief pagkarinig pa lang niya na sinagot ko ang tawag. Ramdam ko sa tono niya ang tensyon’yung halong pagod, kaba, at takot na kanina pa nilang pinipigilan sa presinto. Hindi na ako bago sa ganitong sitwasyon, pero ngayon… ibang bigat ang bumabalot sa paligid. “Andito po ako sa labas ng private room ni Chief,” sagot ko habang napapahilot sa batok ko. “Kakalabas lang ng mga doktor. Under observation pa raw siya at kailangan talaga ng pahinga para makabawi nang mabilis.” Saglit na natahimik sa kabilang linya, para bang hindi rin niya alam kung paano haharapin ang balita. “Ang pamilya niya… natawagan n’yo na ba?” tanong ko, kahit alam kong kailangan kong marinig mismo ang sagot. “Opo, Sir. Tinawagan na ni Pascual kanina. Ang sabi nila papunta na raw. May meeting pa yata ang asawa at anak niya kaya nadelay ng kaunti.” Tumango ako kahit alam kong hindi niya kita. Kahit paano, gumaan ang pakiramdam ko. Kung nakita nila kung paano bumagsak si Chief kanina… hindi ko alam kung kakayanin pa ng presinto ang stress. “Sige. At… mabuti na lang talaga at naagapan n’yo ang nangyari,” sabi ko, mas mahina kaysa sa inaasahan kong tono. “Kung hindi n’yo siya naisugod agad dyan sa hospital baka kung anong na ang nangyari” “Kaya nga po, Sir,” sagot niya, at halata sa boses na kanina pa rin siya kinakabahan. “Buti na lang at napansin ko po agad.” Napabuntong-hininga ako. Hindi ko kayang sabihing maswerte lang kami, dahil alam kong ilang segundo pa ang nawala kanina baka hindi na namin siya naabutan. “Sige,” tugon ko. “Kapag dumating ang pamilya ni Chief, tawagan n’yo ako ulit para mapalitan ko kayo sa pagbabantay dyan. Huwag kayong aalis d’yan hangga’t hindi dumarating ang relatives niya.” “Copy po, Sir. Tatawag kami ulit kapag nandito na sila.” “Good. Salamat.” Pagkababa ko ng tawag, napahawak ako sa pagitan ng mga kilay ko. Mabigat ang ulo ko. Mabigat ang dibdib ko. At hindi ko alam kung dahil ba yun sa muntik nang pagkawala ni Chief… o dahil ilang hakbang lang sa likod ko kanina, nakita ko ulit ang taong pinakakinatatakutan kong makita. Si Llianne. At kahit anong pilit kong palayuin sa isip ang imahe niya, bumabalik at bumabalik na parang multo na matagal ko nang pilit tinakasan. At sa dami ng nangyayaring gulo ngayon, siya pa ang mas hindi ko kayang lapitan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD