CHAPTER 10
LLIANNE JANE POV
Tahimik akong nakaupo sa swivel chair ko, nakatutok ang mga mata sa laptop habang sabay kong binabasa ang mga report na hawak ko. Isa-isa kong tinitingnan kung aling department ang may pinakamaraming mali at oo, halos lahat ay hindi satisfying ang ipinapasa. Ito na nga lang ang trabaho nila, barahura pa kung gawin. Nakakabwisit talaga.
Tanging tunog ng aircon at tik-tak ng wall clock ang bumabalot sa opisina. Tahimik, maaliwalas, at perpektong lugar sana para mag-concentrate kung hindi lang biglang bumukas ang pinto nang walang paalam.
Pumasok si Reed, suot ang itim na polo na may ilang bukas na butones, black slacks, at makintab na black shoes. Halatang kabababa lang ng kotse dahil hindi man lang nag-abalang ayusin ang buhok. Nakasimangot ito ’yung tipong parang pinagbagsakan ng langit at lupa.
Ayun na naman.
Mukhang may pinagdadaanan na naman ang kapatid kong to. Siguro na-friendzone na naman.
Ang kapatid kong ito hindi takot sa demonyo kasi siya mismo iyon, pero takot sa akin.
“Anong mukha ’yan?” tanong ko habang hindi inaalis ang tingin sa kanya.
Bumuntong-hininga siya bago naupo sa sofa sa harap ng mesa ko. Para bang may pinoproblema siyang mabigat, pero alam kong hindi naman tungkol sa trabaho hindi siya ganun ka-dedicated sa career life niya.
“Pagpasok ko sa kumpanya mo, Ate, ang daming mata ang nakatingin. Tapos nang makilala nila akong Reed Damon Belfort ‘yung sikat na lawyer daw ayun, halos lahat napapalingon.”
I rolled my eyes. “Oh? At ano naman ang problema ro’n?”
“You know that I don’t like attention.”
“Tanga ka kasi,” sabi ko habang pinipisil ang tungki ng ilong ko. “Bakit ka pa nag-lawyer kung ayaw mo ng attention? Eh di ba lagi kang nasa spotlight ng media? Na-feature ka pa nga sa TV at sa mga dyaryo dahil sa mga panalo mong kaso. Natural lang na makilala ka at mapansin.”
Napangiti siya nang pilit. “Alam mo naman pangarap ko ’to, Ate.”
“Oh, eh pangarap ko rin namang maging doktor, at masaya ako kapag may mga taong pumupuri sa akin sa ospital dahil sa galing ko. Pero hindi naman ako nagrereklamo,” sagot ko sabay kindat sa kanya.
“Wow ha, coming from you talaga?” singhal niya. “Dito nga sa kumpanya mo, masaya ka ba talaga sa mga empleyadong nakatitig sayo tuwing papasok ka?”
Napatahimik ako sa sagot niya. May punto siya.
“Oh, see?” nakangising sabi niya habang humihilig sa sofa. “Hindi lang ako ang ayaw ng atensyon, Ate.”
“’Ibahin mo ako, Reed,’” sagot ko habang ibinabalik ang mga papeles sa folder. “Dalawang araw ko pa lang dito at puro mali na nila agad ang hinahalungkat ko. Gusto ko lang malaman kung sino ang papalitan at tatanggalin, pero ang ginagawa ng iba pinag-uusapan ako, iniinis ako. Hindi pa nga ako nakakapagpakilala nang maayos.”
“Eh kaya ayokong maging CEO, Ate,” bulong niya. “Ang daming inaasikaso. Daming problema. Daming pasaway.”
Napahinto ako at tumingin sa kanya, seryoso na ang tono ko. “Well, kung wala kaming dalawa ni Kuya Lucas mo, kanino pa ba mapupunta ’tong kumpanya? Si Lucas at ako na lang talaga ang aasahan ni Mommy at Daddy. Kung kami rin mag-aayaw, kanino nila ipapamana lahat ng pinaghirapan nila?”
Tumahimik si Reed. Napabuntong-hininga siya at tumingin sa kisame. “Good to hear na andiyan kayo para sumalo, Ate.”
Ngumiti ako ng bahagya. “Lagi naman, Reed. Kahit anong mangyari, pamilya pa rin tayo. Pero kung gusto mong mawala ang atensyon ng mga tao, huwag ka kasing pumasok sa opisina na parang bida sa pelikula. Tignan mo nga ’yang suot mo black-on-black tapos may unbutton pa. Sino ba namang hindi mapapatingin?”
Napatawa siya nang mahina. “Ganito talaga ako, Ate. Gwapo, charismatic, at effortless.”
“Gwapo, oo. Charismatic, pwede. Pero effortless? Hindi ah effortless lang sa kalokohan,” sagot ko sabay tawa.
Sandaling katahimikan muli. Bumalik ako sa pagbabasa ng report habang siya naman ay naglabas ng phone, abala sa pag-type. Pero kahit walang sinasabi, ramdam kong may gusto pa siyang sabihin.
Pagkalipas ng ilang minuto, muli siyang nagsalita. “Ate, seryoso… sigurado ka bang kakayanin mo ’to? I mean, itong pagiging CEO?”
Napatingin ako sa kanya, diretso sa mga mata niya. “Reed, ilang beses na akong tinanong ni mommy niyan. At ilang beses ko na ring sinagot oo, kakayanin ko. Hindi dahil gusto ko lang patunayan ang sarili ko, kundi dahil gusto kong protektahan ’to. Ang pangalan natin. Ang pinaghirapan ni lolo.”
Tumango siya, may halong ngiti sa labi. “Then I guess, wala na akong dapat ipag-alala.”
Ngumiti ako pabalik. “Wala na nga. Pero kung gusto mong makatulong, tigilan mo muna ang pagrereklamo sa atensyon. Mas okay kung tulungan mo akong ayusin ’tong mga palpak na report.”
“Ha?” gulat niyang tanong. “Ako? Mag-a-audit?”
“Why not? Lawyer ka naman, di ba? Marunong kang magbasa ng kontrata at report. Consider this as part of your sibling duty.”
Natawa siya nang pagkalakas-lakas. “Ate, hindi ba abuso na ’yan?”
“Hindi. ‘Family contribution,’” sagot ko sabay ngisi.
At sa araw na ito, natawa kami pareho sa gitna ng pagod, stress, at mga papel na punô ng mali.
Kahit paano, gumaan ang bigat ng paligid.
At sa loob-loob ko, alam kong kaya ko.
Kasi sa likod ng bawat pagod kong CEO, may mga kapatid akong kahit nakakainis minsan sila pa rin ang dahilan kung bakit gusto kong magtagumpay.
Habang sabay kaming nagbabasa ni Reed ng mga report sa mesa ko, ramdam ko ang unti-unting pag-init ng ulo ko. Ang daming mali, kulang sa detalye, at parang minadali lang. Hindi ko alam kung tinatamad ba silang magtrabaho o wala talaga silang pakialam sa kalidad ng output nila.
Tahimik lang si Reed sa gilid ko habang binubuklat ang isa sa mga folder. Ngunit ilang minuto lang, napakunot na ang noo niya.
“Seriously?” tanong niya, sabay taas ng papel na may pulang highlights sa mga mali. “Report ba matatawag ‘to?”
Napabuga ako ng hangin at ibinagsak ang ballpen sa mesa. “Exactly! Kaya nga naiinis ako, eh. Sinabi ko pa naman sa sarili ko na magiging behave ako rito, pero sinusubukan talaga nila ang pasensya ko. Kaya ayan ibibigay ko sa kanila ang dragon na gusto nila.”
Natawa siya sa sinabi ko, halos mabitawan pa ang hawak niyang folder. “Ate, ikaw talaga. Kahit kailan may pagka-dragon ka. Pero seryoso, tanggalin mo na lang tong mga employees mong tamad. Sayang lang ang perang pinapasahod sa kanila kung ganito kabalahura gumawa ng trabaho.”
“Yan din ang iniisip ko,” sagot ko, habang sinusuri ang listahan ng mga department head. “Ang problema lang, malaking adjustment ‘to sa kumpanya. Hindi pwedeng basta-basta akong magtanggal nang walang basehan. Lalo pa’t si Mom ang nag-hire sa karamihan sa kanila.”
“Eh so anong plano mo?” tanong niya habang isinandal ang likod sa upuan, nilalaro pa ang ballpen sa daliri. “Hahayaan mo na lang na masanay silang ganito?”
“Hinding-hindi,” mariin kong sagot. “Kaya nga ako nagpagawa ng mga output evaluation per department. Gusto kong makita kung sino ang may potensyal at dapat ilipat, at kung sino naman ang karapat-dapat nang tanggalin. Hindi puwedeng palamuti lang sila rito.”
Tumango si Reed, mukhang natuwa sa sagot ko. “Yan ang gusto ko sa’yo, Ate. Walang inuurungan. Pero huwag mo rin sanang kalimutan na hindi lahat ng empleyado pare-pareho ang dahilan. Yung iba baka nadadala lang ng sistema.”
“Alam ko,” sabi ko sabay buntong-hininga. “Pero minsan, kahit anong bait mo, kapag nakikita mong inaabuso ka, mapupuno ka rin.”
Sandaling katahimikan. Pareho kaming abala sa pagbabasa. Hanggang sa bigla siyang nagsalita ulit, medyo nagbago ang tono.
“By the way, si Kuya Lucas?” tanong niya habang nakasandal pa rin sa sofa. “Kamusta kaya ‘yon? Nagpunta na ba dito?”
Napailing ako, sabay napangiti ng mapait. “Hindi pa. Pero kahapon, pumunta ‘yon dito para asarin ako. Tinatanong pa kung may namura na ba ako. At ayun, pag-alis niya… sumabog ako.”
Narinig ko ang pigil niyang tawa. Hindi pa rin siya nagbago kahit seryoso na ang usapan, laging may singit na kalokohan.
“Baka gusto mong mabukulan, Reed,” banta ko habang nakatingin sa kanya nang masama. “Itigil mo ‘yang pagtawa mo kung ayaw mong lumipad ‘yang ballpen sa’yo.”
“Okay, okay. Fine,” sabi niya sabay taas ng kamay na parang sumusuko. “Pero in fairness, parang tahimik ngayon ang Belfort Corp, ah. Wala man lang issue?”
Ngumiti ako ng bahagya. “Tahimik talaga ro’n. Walang stress si Lucas kasi may disiplina ang mga empleyado. Mahigpit kasi si Dad doon. Pero dito, kay Mom mga punyeta talaga. Relax masyado. Puro pa-petty issues at chismisan sa opisina.”
Natawa si Reed nang mahina. “Well, ibang style kasi si Dad at si Mom. Si Dad, military type. Si Mom naman, soft-hearted. Kung minsan, sobrang bait niya, akala ng mga tao pwedeng abusuhin. Kawawa ka tuloy, ikaw ang napapasalo sa lahat ng gulo.”
“Exactly,” sabat ko habang tumatayo at lumapit sa bintana. Mula ro’n, tanaw ko ang view ng siyudad mga ilaw, kotse, at taong abala sa kani-kanilang buhay. “Pero okay lang. Kailangan kong gawin ‘to. Hindi ko kayang pabayaan ang pinaghirapan ni lolo. At ayokong masayang ‘yung pangalan ng Imperial sa kapabayaan.”
Tahimik lang si Reed, pero ramdam kong nakikinig siya.
Paglingon ko, nakatitig siya sa akin na parang may iniisip. “Ate, alam mo, hindi ko ‘to madalas sabihin… pero proud ako sa’yo.”
Napataas ang kilay ko. “Wow, ikaw ba ‘yan, Reed Damon Belfort? Lagnatin ka nyan.”
Ngumiti siya, seryoso pa rin ang mukha. “No, really. You’re handling this company like you’ve been doing it for years. Hindi lahat ng babae, kayang sabayan ang pressure na ganito.”
Medyo nabigla ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung tatawa ako o matutunaw. “Hindi naman ako superwoman, Reed. Pero siguro… kailangan ko lang maging matatag. Para kay Mom,Dad,Lolo Para sa atin.”
Tumayo siya at lumapit sa mesa ko. Kinuha niya ang isang folder at nilapag iyon sa harap ko. “Then let me help you, Ate. Hindi lang bilang kapatid, kundi bilang partner mo sa laban na ‘to.”
Ngumiti ako nang bahagya. “Seryoso ka?”
“Mas seryoso pa sa mga ex kong lahat sabay,” sagot niya sabay kindat.
Napailing ako, pero hindi ko maitago ang ngiti. Kahit gano’n si Reed maangas, palabiro, at minsan nakakainis alam kong nasa likod ng lahat ng iyon ay isang kapatid na handang sumalo sa akin anumang oras.
Bumalik kami sa pagbabasa ng mga report. Tahimik. Pero hindi na mabigat ang atmosphere tulad kanina.
Siguro dahil sa presensya ni Reed.
Siguro dahil kahit gaano kabigat ang mundo ng mga Belfort, hindi kailanman ako nag-iisa.