HAGUPIT NG BAGYONG LLIANE

1691 Words
CHAPTER 8 LLIANNE JANE POV Habang lumilipas ang oras, abala pa rin ako sa pagtitig sa mga report na nakakalat sa ibabaw ng mesa ko. Isa-isa kong binubuksan ang mga folder at binabasa ang mga dokumentong dapat ay maayos na bago pa man makarating sa akin pero sa halip, puro mali, puro kalat. Maging ang mga grammar at formatting, sablay. Para bang walang may pakialam kung gaano kahalaga ang bawat papel na nilalapag sa harap ko. Paanong hindi ito napansin ni Mom? bulong ko sa sarili ko habang pinipisil ang tungki ng ilong ko. O baka dahil sobra na siyang abala sa mga proyekto sa labas, at pinabayaan na lang ang mga taong inaakala niyang mapagkakatiwalaan. Napailing ako, napasandal sa swivel chair, saka marahang tumitig sa tasa ng kape sa gilid ng mesa kanina, umuusok pa ito, mainit at mabango. Ngayon, malamig na, kasing lamig ng hangin sa opisina kong halos magyeyelo sa tahimik na tensyon. Bumuntong-hininga ako at napatingin sa wall clock sa ibabaw ng pinto. 7:50 A.M. Sampung minuto na lang bago magsimula ang meeting. Hindi ko na kayang sayangin ang kahit isang segundo pa. Tumayo ako, inayos ang blazer ko, at mabilis na lumakad papunta sa pinto. Pagbukas ko, nagulat si Fred at Carmelle na parehong abala sa pag-aayos ng mga folder sa maliit na mesa sa labas ng opisina ko. “Ma’am!” halos sabay nilang sabi, halatang hindi inasahan ang bigla kong paglabas. “Pupunta na ako sa conference room para maghintay,” matigas kong wika habang inaayos ang kwelyo ng blazer ko. “Paki-dala na lang doon ‘yung mga report at ibang documents na tinabi ko sa gilid ng mesa ko.” Tumango si Carmelle at mabilis na nagtipa ng ilang notes sa clipboard niya. “Ah, at Carmelle,” dagdag ko pa, bahagyang nilingon siya habang naglalakad patalikod. “Pakibigyan ulit ako ng bagong kape. Mas mainit, hindi ‘yung kasing lamig ng mga empleyadong walang pakialam sa trabaho nila.” Natahimik silang pareho, at bago pa ako tuluyang makalabas ng opisina, huminto ako sa gitna ng doorway. Dahan-dahan akong humarap muli sa kanila, seryosong-seryoso ang tinig ko. “Yung laptop ko pala, paki-sunod sa conference room. At paki paalalahanan ang lahat ng kasama sa meeting gusto ko, maaga silang lahat. Ayoko nang nag-uumpisa akong magsalita tapos may biglang papasok na late.” Itinaas ko ang kilay at mas lalong nilamig ang tono ko. “Kapag may na-late ulit, automatic termination. Walang pakiusapan.” “Y-Yes, ma’am,” sabay nilang sagot. Paglabas ko, naramdaman ko ang tensyon sa hallway lahat ng madaanan kong empleyado, biglang tahimik, biglang diretso ang tingin sa harap. May ilan pang nagkukunwaring abala sa papeles o cellphone, pero ramdam ko ang takot at respeto sa bawat hakbang na naririnig nila. Ang tunog ng takong ko sa marmol na sahig ay parang orasan ng batas mabigat, eksakto, walang palya. Isang patikim ng umagang alam kong magiging mahaba, at marahil…isa na namang araw kung saan kailangan kong patunayan kung bakit ako ang Llianne Jane Belfort ang babaeng hindi pwedeng kwestyunin, hindi pwedeng apihin,at lalong hindi pwedeng pagtsismisan. Pagdating ko sa conference room, tahimik pa ang paligid. Malinis ang mahaba at makintab na mesa, maayos ang pagkakaayos ng mga upuan, at amoy pa ang bagong wax ng sahig. Napatingin ako sa malaking wall clock sa harap 7:55 A.M. limang minuto bago mag-umpisa. Eksakto. Ngunit sa halip na umupo agad sa aking pwesto, pinili kong tumayo sa gilid, sa bahaging natatakpan ng makapal na kurtina malapit sa glass wall. Doon muna ako magmamasid. Gusto kong makita kung paano kumikilos at nag-uusap ang mga empleyado ko kapag akala nila ay wala ako. Tahimik kong binuksan ang tablet sa kamay ko, nagsa-scroll habang pinakikiramdaman ang paligid. Ilang segundo lang, narinig ko na ang pagbukas ng pinto. Click. Sumunod ang mga yabag ng sapatos at mahihinang bulungan. “Grabe naman si Ma’am Llianne, aga-aga meeting agad?” mahinang reklamo ng isang babae. “Oo nga, ni hindi pa nga ako nakakapag-kape,” sagot ng isa, halatang inis. “At alam mo ba? Kagabi pa raw niya pinaprepare ‘tong report, tapos ngayon bigla na lang meeting. Akala mo kung sino.” Click. Muling bumukas ang pinto. May mga papasok pang iba. “Shh! Baka marinig ka,” bulong ng lalaki. “Eh ano naman kung marinig ako? Masyado siyang istrikta, para bang gusto niyang lahat takot sa kanya. Eh kung hindi naman siya anak ng may-ari” Hindi na natapos ang sinasabi niya dahil may biglang tumikhim si Carmelle, halatang narinig ang usapan Pag pasok nang conference room. Pero ako, nanatiling nakatayo sa likod ng kurtina, mariing nakapikit at pinipigilan ang sarili. Ramdam kong tumataas ang init ng ulo ko sa bawat salitang naririnig ko. Para bang bawat daing at sumbong nila ay kutsilyong unti-unting humihiwa sa respeto at disiplina na pinaghirapan kong itatag. Aga-aga, reklamo agad. Hindi pa nga nagsisimula, pagod na? Napahawak ako sa dibdib ko, pinakalma ang mabilis kong paghinga. Hindi dapat ako magpadala sa galit pero sa totoo lang, ang hirap pigilan. Ang bawat boses na naririnig ko ay tila lumalakas, parang sinasadya nilang hamunin ang pasensya ko “Baka naman gusto lang niyang magpa-impress kay Mrs. Belfort,” may isa pang nagsalita. “Eh obvious naman, gusto lang ipakita na siya ang ‘next in line.’” Next in line? Napangiti ako, ngunit malamig. Hindi lang ako next in line. Ako ang dahilan kung bakit tumatakbo pa ang kumpanyang ‘to. Pinisil ko ang kurtina, hinayaan ang ilang segundo pa ng kanilang mga bulong. At nang marinig ko ang huling kalabog ng pinto hudyat na kumpleto na silang lahat marahan akong lumabas mula sa likod ng kurtina. Tahimik. Mabagal. Walang kahit anong abiso. At nang makita nila ako, para bang huminto ang oras. Ang mga mata nilang kanina’y puno ng reklamo, ngayo’y nanlaki sa gulat at takot. “Magandang umaga,” malamig kong bati, habang naglalakad patungo sa unahan ng mesa. “Mukhang masigla kayong lahat… lalo na sa mga usapan.” Napalunok silang lahat. Tahimik. Wala ni isa ang nagsalita. “Simulan na natin ang meeting,” aniya ko nang may ngiti. ngiting alam nilang mas nakakatakot kaysa galit. … kanina pa po ba kayo d’yan?” mahina ngunit nanginginig na tanong ng isa sa mga babae sa dulo ng conference table. Kita ko sa mukha niya ang kaba halatang umaasa siyang hindi ko narinig ang pinag-uusapan nila kanina. Tinaasan ko siya ng kilay, at malamig kong sagot, “Hindi naman. Sakto lang… sakto lang para marinig ang mga punyetang usapan n’yo tungkol sa akin.” Tahimik. Walang kumibo. Ang mga mukha nilang kanina ay abala sa tsismisan, ngayo’y parang nanigas sa kinatatayuan. Bumuntong-hininga ako, saka marahang umikot ang tingin sa bawat isa sa kanila. “Ang aga-aga, puro kayo reklamo. Kung inaayos n’yo sana ang mga trabaho n’yo, kung may disiplina lang sana kayo, wala sanang meeting ngayon. Naglilibot sana ako sa kumpanya para kilalanin kayo. Pero hindi, kailangan kong unahin ‘to dahil sa kapabayaan n’yo.” Tahimik pa rin. Hanggang sa may isang babaeng medyo mayabang ang tono, naglakas-loob magsalita. “Eh ma’am… ok naman po ang report namin noon kay Ma’am Hazel. Wala naman po siyang reklamo.” Napahinto ako sa pag-aayos ng laptop ko. Dahan-dahan kong ibinaba ang mga kamay ko sa ibabaw ng mesa at marahan akong tumingin sa nagsalita. Nakita ko kung paano nag-alangan si Carmelle, halatang gusto siyang patigilin. “Wala siyang reklamo,” mariin kong ulit, “kasi alam niyang ok ang mga output ninyo noon. Pero ngayon? Lumala. Busy ang mommy ko kaya akala ninyo lahat ng pinapasa ninyo ay maayos. Nilubos n’yo ang pagkakataon.” Lumapit ako sa mesa, idiniin ang mga palad ko sa ibabaw nito. “Kaya sobrang bagsak ang kumpanya ngayon! Dahil sa mga taong akala nila walang nakakakita.” “Pero, ma’am—” hindi pa siya natatapos nang putulin ko agad. “Don’t say that to me!” madiin kong bulyaw, dahilan para mapaatras siya sa kinauupuan niya. “Hindi ako tanga! Nag-aral ako ng doktor nang sampung taon, oo, pero huwag mong isipin na wala akong alam sa negosyo. Hindi ako bobo, hindi ako bulag. Alam ko kung saan may mali, at alam ko kung niloloko ako.” Narinig ko ang mahinang paghinga ng iba, parang sabay-sabay silang natigilan. “So bakit ako pineperahan? Ha?” Tumigil ako, tumingin sa paligid. “Kahapon may nagpasa ng report puro mali. Parang gawa ng estudyante sa high school! At ‘yung may gawa noon? Pinatawag ko, pero sabi ni Fred… umuwi na raw.” Napakapit ako sa gilid ng mesa, pinigilan ang sarili kong sumigaw. “Ang kapal ng mukha, no? Pagkatapos magpasa ng punyetang basurang report na deadline na, naglakas-loob pang umuwi agad. Ang galing talaga!” Tahimik ulit. Narinig ko pa nga ang mahinang lunok ng babae sa dulo ang mismong gumawa ng report. Nakita ko kung paano siya pinagpawisan, kahit malamig ang aircon sa loob ng conference room. Ang kamay niyang kanina’y nakapatong sa mesa, ngayon ay nanginginig. Lumapit ako sa kanya, mabagal, at tumigil sa tapat niya. “Ikaw ‘yon, hindi ba?” mahina kong sabi pero may halong banta ang tono. “Tumingin ka sa’kin.” Dahan-dahan niyang iniangat ang ulo niya. Halos mangiyak-ngiyak. “Ma’am… I—” “Wala akong pakialam sa dahilan mo,” malamig kong putol. “Gusto ko lang malaman kung naiintindihan mo ang bigat ng ginawa mo. Sa ganitong sistema, isang mali lang, nadadamay ang lahat. Isa kang propesyonal, pero ‘yung ginawa mo isang kahihiyan.” Tahimik ang buong silid. Walang gustong gumalaw, walang gustong magsalita. Umayos ako ng tayo, kinuha ang clicker sa mesa, at tumingin sa projector. “Simulan na natin ang meeting,” mariin kong sabi. “At sa lahat ng nandito magdasal kayong maayos ang performance n’yo ngayon. Dahil pagkatapos ng meeting na ‘to, may listahan akong bubuuin. Hindi lang ng mga top performers… kundi ng mga tatanggalin.” Lahat sila napalunok. At ako? Ngumiti nang matamis, pero malamig pa rin ang mga mata. “Ngayon, ipakita n’yo sa’kin kung bakit hindi ko kayo dapat alisin.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD