bc

It was ALWAYS you

book_age18+
6
FOLLOW
1K
READ
revenge
second chance
goodgirl
drama
tragedy
sweet
small town
betrayal
cheating
naive
like
intro-logo
Blurb

It was love .

For the righ person.

For the right time.

But with all the possible reason of it not being right.

Isa siyang hamak na lupa habang ito ay langit.

Anong bukas ang naghihintay sa dalawang pusong umiibig ngunit sinusubok ng tadhana.

chap-preview
Free preview
A special place
"C'mon ... we're almost there." Sabi ni Tristan habang akay ang nobyang si Leah . "Saan ba talaga kasi tayo pupunta?" Nagtataka pero nakangiting tanong niya dito. Tumawa lang ng mahina si Tristan. "You'll see when we get there .." Naglakad pa sila ng ilang minuto bago sila huminto sa tuktok ng isang burol . Nanlaki ang mata ni Leah sa pagkamangha. Napakaganda ng paligid lalo at papalubog ang araw .. matatanaw ang mga kabahayan sa baba at napakalamig ng simoy ng hangin. "It's so beautiful!".. anas niya ng may paghanga. "Yes .. it's so beautiful." sagot nito. Tiningnan niya ang kasintahang si Tristan na nakatingin sa kanya at hindi sa palibot. Namula ang mukha ni Leah at pabirong kinurot ang kasintahan . "Ouch ".. sabi nito habang umiilag palayo sa kanya. Hinabol niya ito pero nagulat siya ng bigla itong tumigil at hinapit siya sa beywang . Nagkatitigan sila . Parehong kumakabog ang kanilang dibdib sa magkahalong saya at kaba sa paglalapit ng kanilang katawan. Dahan-dahang bumaba ang mukha ni Tristan para halikan siya sa mga labi ngunit umiwas siya. "Tristan ..saglit ." Sabi niya at pilit kumawala mula rito. Lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanya pero hindi siya tuluyang binitawan . "What's wrong?" Malambing nitong tanong sa kanya. " Uhmm.. I don't think tama tong ginagawa natin ." Sagot niya dito. Tinitigan siya nito ng matiim . "Walang mali sa pagmamahal, Leah." Napabuntong hininga siya . "I know .. kaya lang mga bata pa tayo ,tsaka alam mo namang marami pa akong pangarap diba?" Huminga ito ng malalim bago nagsalita . "Kayang-kaya kitang buhayin at panindigan ,alam mo yon." Oo , alam ni Leah na totoo ang sinasabi nito . Mula sa mayamang angkan si Tristan . Ang mga magulang nito ay kilalang negosyante sa lugar nila at nag iisa itong anak. Samantalang siya ay isang hamak na anak ng katulong ng mga ito. Nag-aaral siya sa kolehiyo habang tumutulong sa kanyang ina sa mga gawain nito sa Mansiyon ng mga Montemayor. Ilang linggo pa lamang ang relasyon nila ni Tristan. Alam niyang mali dahil maraming tututol sa relasyon nila pero masyadong masugid si Tristan. At aminin man niya o sa hindi ay matagal na siyang may pagtingin dito. "Alam ko ... kaya lang hindi naman tamang umasa ako sayo noh'."kunwari niya itong inirapan. Tumawa lang ito at hinawakan siya sa pisngi . "I love you so much Miss Gonzaga." Buong pagmamahal nitong bigkas saka siya tuluyang hinalikan sa mga labi. May pagtutol man ay walang nagawa si Leah kundi tanggapin ang halik ng kasintahan. At ang simpleng halik na iyon ay nauwi sa isang mainit na pagniniig na magbubunga ng isang bagay na parehong sisira sa kani-kanilang mga buhay. ----- Abalang-abala si Aling Myrna sa pagtapos sa mga labahin nito ng maabutan ni Leah na galing pa sa paaralan ng hapong iyon. "Inay 'tulungan ko na po kayo." Nag angat ng tingin si Aling Myrna mula sa ginagawa. "Huwag na anak at malapit na rin naman akong matapos dito." Tanggi ni Aling Myrna. Lumapit si Leah sa ina at tumulong dito sa kabila ng pagtanggi nito. "Mas madali po kayong matatapos kung tutulong ako ." Nakangiti niyang tugon. Walang nagawa si Aling Myrna kaya hinayaan niya na lang ang anak na tumulong. "Kumusta naman ang klase mo ngayong araw anak?" Tanong niya kay Leah. "Okay lang naman po inay .. Matataas pa din naman ang nakukuha kong grado sa mga pagsusulit." Ngumiti si Aling Myrna ng may pagmamalaki . Alam niyang matalino ang anak kaya't kahit hirap sa paglalabada ay kinakaya niya para mapagtapos ito ng pag-aaral. "Maigi naman anak .. yan lang ang tanging maipapamana ko sayo kaya hangad kong matapos mo ang pag aaral mo." "Opo Inay .. wag po kayong mag alala ,pag makatapos na ako at magkaroon ng stable na trabaho ay ipapatigil na kita sa pagtatrabaho ,ako naman ang kakayod para atin." Sagot niya sa ina. Maluha luha naman ang mga mata ni Aling Myrna . "Naku! Aasahan ko yan anak." Pabiro nitong sabi sa anak . Natawa silang pareho at nagpatuloy sa pagkusot sa mga labahan. Maya-maya ay nagulat sila ng sumambulat ang tubig na may kasamang bula mula sa planggana. Nag angat sila ng tingin at nakita ang nakapameywang na amo. "Kaya pala matagal kayong matapos sa mga gawain niyo kasi puro kayo daldal!" Masungit nitong tugon pagkatapos ibagsak ang mga bagong kumpon ng labahan . "H-hindi naman po Senyora . May pinag uusapan lamang po kami ni Leah." Sagot ni Aling Myrna sa amo. "Wala akong pakialam kung anong pinag uusapan niyo ,basta dapat matapos agad kayo riyan ,at siguraduhin niyong matutuyo yang mga kubre kama na yan dahil may bisita ako sa susunod na linggo.!" Nagtimpi na lamang si Leah . Bagama't gustong-gusto niya nang sumagot ng pabalang sa amo ng ina. "Sige po Senyora .." ani aling Myrna. Sumimangot lamang ito tsaka pinasadahan ng tingin ang mag ina bago tumalikod at naglakad papasok sa loob ng bahay. Hindi mawari ni Leah kung papaanong naging ina ito ni Tristan . Matapobre ang Senyora Matilda samantalang si Tristan ay mapagkumbaba . "Mukhang mapapasabak tayo nito ah'!" Pagod pero nakangiting sabi ni Aling Myrna sa anak na si Leah. Naaawa man sa ina ay pilit na ngumiti na lang si Leah dito. "Oo nga 'nay ,kaya't tara nang kumayod..."aniya na mah pagtaas pa ng isang kamao. Natawa naman si Aling Myrna sa anak ,at pinagpatuloy na nga nila ang kanilang ginagawa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Lone Alpha

read
125.5K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
612.9K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
819.4K
bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
10.5K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
35.7K
bc

Bad Boy Biker

read
8.7K
bc

The CEO'S Plaything

read
19.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook