bc

All I'm Asking For Is A Second Chance

book_age16+
38
FOLLOW
1K
READ
HE
second chance
goodgirl
neighbor
sweet
bxg
campus
city
office/work place
small town
like
intro-logo
Blurb

From an awkward, insecure teen to a fully grown woman—she's come a long way. After everything she’s been through, she knows now that the cheap love of her past doesn’t define her worth. Her past may be messy, even painful, but just look at the woman she’s chosen to become: strong, beautiful, and unshakable. It’s hard for her to give love a second chance—especially after building walls so high. And then he said,"I know it’s too much to ask for a second chance. Deep down, I know how badly I hurt you. My heart aches every time I replay what I said, what I did. I wish I could take it all back. I know you're scared and hesitant—but please… let me in again."

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
"Jen kanino galing eto?" Ang tanong ko sabay hawak ang isang bungkos ng bulaklak na nakalagay sa bedside ko. Ah kay Paul, ibigay ko daw sayo. Napaupo ako sa kama habang nakatitig sa bulaklak at nag-iisip. Hindi ko na kasi mabilang kung ilang taon na ba ang pag iwas at hindi ko pagpapakita sa kanya. Hindi ko alam ang nararamdaman ko, pilit ko kasing nilalabanan. Ang naiisip ko lang ang mga bagay na sobrang pinag sisisihan ko na mga ginawa ko sa kanya at ang mga ginawa nya sa akin n sobrang sakit pa rin hanggang ngayun. Pilit bumabalik sa akin ang nakaraan kung paano nagsimula akong ibigin sya at paano nya ako kinasuklaman at pandirian at siguro ikahiya pa. Hindi ko na mabilang. Hanggang di ko na namalayan na pinagmamasdan na pala ako ni Jen. Si Jen ay isang roomate at bestfriend ko n rin. At alam naman nya ang mga nangyari sa amin. "Nadine Vergara Briones" ani Jen habang nakasandal sa may pinto at nakapamewang pa. "Ang lalim na naman ng iniisip mo. Sa sobrang lalim hindi ko na maabot. Ganun pa din ba? Hindi mo pa rin ba kayang patawarin yung tao? Nakakaawa na nga eh. Ang tagal mo ng iniiwasan pero hindi pa rin sumusuko. Please give him a chance naman. Wala na ba talaga o galit pa rin ang andyan sa puso mo?" Si Paul at si Jen ay classmate ko nung college kami. Si Jen ay kaboardmate ko na talaga since college pa. Pero nakilala ko lang sya dahil classmate ko sya sa college na. Samantalang si Paul naman ay kababata ko at classmate ko din since elementary days pa. Simula grade 1 to grade 6 ay mag kaklase na kami ni Paul. Parati kasi kami sa section 1 at hindi ko maitatanggi na matalino talaga sya. Parati syang top 1 sa lahat ng subject samantalang ako parati second o kaya third. Basta hindi ko talaga sya mahigitan kahit anong gawin ko. Gustong gusto ko sya higitan kasi nga crush ko na talaga sya at gusto ko na mapansin din nya ako kahit kaunti lang. Hanggang sa nag grade 7 to grade 10 ay classmate ko pa din sya. Dahil nga sa probinsya kami nag aral. Eh kadalasan naman public school lang kami. At parating nasa top section, kaya hindi kami mapaghiwalay. At obvious na obvious din at siguro alam naman ng lahat na crush ko sya. Parati kasi akong pumupunta sa bahay nila at nagtatanong ng mga assignments kahit alam ko naman na. Basta ang importante sa akin makita at makausap ko sya ng kami lng. Halos parehas lang ang estado ng pamilya namin. Parehong mahirap lang. Si Paul lumaki na wala ng tatay at sa mga lolo't lola sya nakatira dahil ang nanay nya ang naghahanapbuhay. Ako naman may nanay at may tatay pa. Yung tatay ko ay nagtatrabaho sa isang Ospital sa bayan namin bilang utility worker at ang nanay ko naman sa bahay lang pero mananahi. Medyo boyish lang kasi ang galawan ko noong bata pa kami at mahilig maglaro sa arawan at parati nya akong nakikita. Medyo maitim ako noon dahil na rin sa bilad sa arawan at payat pa. Sa makatuwid, ang isang tulad ko ay hindi talaga magugustuhan. Samantalang si Paul ay gwapo na at matalino pa kaya sobrang crush ko talaga. Sya parati ang pangarap ko na maging asawa pag laki ko. At dahil nga obvious ako na crush ko sya, patuloy naman ang pag iwas nya sa akin. Hanggang sa nag grade 10 na nga kami at napapag-usapan na namin ng mga classmates ko kung saan kami mag-aaral sa college at anong course na kukunin. Dahil nga malayo sa lugar namin ang mga public schools at mahal naman ang tuition kung sa private schools. At syempre bago pa makapasok sa university ay dapat makapasa pa sa admission exam. Ang nasa isip ko lang nun ay baka hindi ako makapag aral ng college kasi pito kaming magkakapatid at sabay sabay nag aaral, baka hindi kayanin ng mga magulang ko, kahit makapasa pa ako sa Bicol University. Kasi nga kailangan ko pang mangupahan ng boarding house na malapit sa school. Tatlong oras kasi byahe mula sa amin hanggang sa school. Pinalad naman kami at nakapasa kaming dalawa sa admission test sa Bicol University at pareho pa kaming nakapasa sa scholarship grant ng DOST-SEI. At parehas pa pala ang kurso na kinuha namin. Sa madaling salita parati kaming binibiro ng mga classmate namin kasi nga masyado na siguro akong halata at alam nila na magkababata kami. Hanggang sa tuluyan ng nainis sa akin si Paul. Sa unang pagkakataon doon ko naramdaman ang sobrang sakit at sama ng loob sa mga ginawa nya sa akin. yung hindi naman naging kami, pero yung heartbreak na tinatawag nila, doon ko sobrang naramdaman. Ang sakit sakit pala, kasama yung awa ko sa sarili ko at pag kapahiya ko ng sobra. Hinding hindi ko malilimutan ang mga salitang binitawan nya at halos matunaw ako sa hiya. Pakiramdam ko ang pangit pangit ko. Ayaw ko ng mag aral noon at parang pati self confidence ko ay tuluyan akong iniwan. Hanggang sa ngayon na kasalukuyan na akong may trabaho ay sariwa pa rin ang kirot sa aking dibdib pag naaalala ko. Pero nagpapasalamat din naman ako sa kanya. Kasi nang dahil sa kanya nagising ako sa katutuhanan na ang love ay hindi parang kwento sa fairytale lang. Hindi pa naman ako nagkakaboyfriend until now. Kasi sobrang takot na akong magtiwala at parating may doubt sa sarili kahit marami naman nagpaparamdam na. Yung pakiramdam na baka gusto lang ako nito dahil alam nilang wala akong boyfriend at pag nakuha na nila ang gusto nila ay bibitawan na lang ako. Nawalan ako ng tiwala sa lahat pati sa sarili ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
3.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
31.4K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
106.5K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook