Kabanata 2

838 Words
Third year college ako noon, unti unti akong natutong mag ayos at mag porma. Tumangkad din ako bigla. Dating 5 feet naging 5 feet and 6 inches ang height ko. Ang dating sunog parati sa araw ay pumusyaw naman at kuminis ang balat ko. Hindi ko alam at wala naman akong mga nilalagay sa katawan ko kundi lotion lang kasi wala naman akong extra money para bumili pa ng pampaganda. Bigla kasing nag iba ang shape ng katawan ko din. Masasabi ko ngang ganap na dalaga na kahit medyo late bloomer nga ako. May mga nanliligaw naman sa akin, pero hindi ko na binibigyan ng chance na manligaw sa kagustuhan ko ngang makagraduate at makapagtrabaho dahil sa financial problem namin. Nagkasakit kasi ang tatay ko at kinailangan ng tumigil sa trabaho at may mga iniinom pang maintenance dahil sa diabetic sya. Pangatlo ako sa pitong magkakapatid at wala ng mag papaaral sa mga sunod ko pang kapatid. At hindi ko nga maitatanggi na kahit nag iba na ang pakikitungo sa akin ni Paul at nagpapakita na ng sensiridad at pagsosorry nya. Ako naman ngayon ang umiwas sa kanya. Sobrang nasaktan talaga ako, kaya kahit sa mga group project na minsan magkasama kami, ako na ang guamagawa ng paraan para makipagpalit. Na dati naman ako ang habol ng habol magkasama lang kami kahit sa group project lang. Pilit pa rin bumabalik sa akin ang nakaraan. Disyembre noon at magpapasko na. 2nd year college pa lang kami. Habol habol ko si Paul noon. At naglalakad palabas ng gate ng school pauwe na sa boardinghouse nya. Ang bilis ng mga hakbang nya, tapos ako naman patakbo ng sumigaw ng "Paul!". Nang marinig nya pangalan nya sabay hinto pero hindi sya lumingon sa akin. Ako naman etong habol hininga na hinarap sya kasi nakatalikod pa rin. " May gagawin ka ba mamaya? Simbang gabi tayo? Tamang tama unang gabi ng simbang gabi mamaya" sabi ko habang habol hininga pa rin. Biglang imik si Paul sa akin na pilit nilalabanan ang galit pero halata naman sa salita nya. " Pwede ba Nadine, tigilan mo na ako, wag ka nang bubuntot buntot sa akin na parang aso. Hindi ka ba napapagod? Kasi ako pagod na pagod na kakaiwas sayo, matuto ka naman makiramdam". Sabay alis nya. Na para akong binuhusan ng malamig na tubig sa mga sandaling iyun. Ang tagal kung nakatayo lang doon, pero walang luha na pumatak sa mata ko. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Para akong manhid na parang yelo. Nang matauhan ako, ang bagal ng mga hakbang ko patungo sa boarding house na wala akong napapansin kahit sino ang makasalubong ko at bumati sa akin. Pagpasok ko sa kwarto sabay talukbong ako ng kumot at dun na ako humagulgol. Hindi ko pansin kung nasa loob ba si Jen naroomate ko na nang mga panahong iyun o wala. Basta ang tanging naalala ko ay sobrang sakit ng nararamdaman ko. Kinaumagahan ay hindi ako nakapasok. Ang sama ng pakiramdam ko. Nilagnat ako at parang ang hina ng katawan ko. Parang wala akong ganang kumain at tumayo man lang. Nagdala si Jen ng pagkain sa akin during lunch time nila. Dahil malapit lang naman boarding house namin sa school. Halos pagkalabas lang ng gate ang boardinghouse namin. Sinunod ko naman sinabi ni Paul. Kahit sulyapan nga lang ay hindi ko ginawa. Lumipat din ako ng upuan. Nakipagpalit ako ng upuan kay Jen. Yung sobrang layo sa kanya. Walang nakakaalam sa mga nangyari sa amin ni Paul. Kaya minsan binibiro pa rin kami, pero ako na ang gumagawa ng paraan para machange ang topic. Akala ko yun lang ang kaya niyang gawing p*******t sa akin. Meron pa pala. Intrams noon, maraming palaro. Manonood kami ni Jen ng basketball. Habang papunta kami dun at sisilipin lang muna sana namin kung anong team ang naglalaro. Nakita ko si Paul kasama nya ang besprend din nya na si Jake na nanonood na. Nasa unahan lang namin. Hndi nila kami nakita kasi nasa likod nila kami. Biglang tanong ni Jake sa kanya na dinig na dinig ko kasi sobrang lapit lang namin sa kanila. "Tol kumusta ang panliligaw sayo ni Nadine? Mukhang binasted mu na yata at parang dumistansya na sayo". Biglang sabi ni Paul, "ah wala yun tol. Baka nakaramdam na". "Mukhang patay na patay sayo yun tol, patusin mu na kaya. Laman tyan din yun hahaha" sabi naman ni Jake. " hahaha, not my type". Sabi naman ni Paul. Sabay hila sa akin ni Jen palayo. Narinig din kasi ni Jen ang lahat, hindi na nya ako hinayaang makarinig pa ng mga sasabihin pa ng dalawa. Umuwe na kami ng bahay ni Jen noon. At dahil alam naman namin na wala pang pasok kina umagahan kaya bumili kami ng alak ni Jen at sinamahan nya akong uminom sa loob ng kwarto. Pero never si jen nagbanggit ng tungkol doon sa mga narinig namin.Basta nakinig na lang kami ng music at uminom. Umiyak na naman ako at niyakap ako ni Jen, sabay himas sa likod ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD