Simula ng mangyari iyun, araw araw na lang ako umiiwas at nagpaka seryoso sa pag aaral. Halos buong taon ako umiwas at nilibang na lang ang sarili sa ibang bagay. Naging abala ako at nagpart time job pa ako sa isang fastfood para lang makadagdag ng gastusin lalo na sa mga projects. Hanggang sa naging third year college na kami, At lalong naging busy ako. Lalo na may mga thesis na at marami na rin akong kaibigan na masasamahan. At ganun din naman si Paul halos bihira na magcross ang landas namin. Parang hindi na nga kami magkakilala. Pero yung sakit na nararamdaman ko ay parang sariwa pa rin. Hanggang sa may nanligaw sa akin. Si Cris, nasa engineering department din siya. Civil engineering ang course nya. Kami naman ni Paul ay chemical engineering ang course. Ok naman si Cris. Mabait naman sya. Matangkad at maputi, medyo jolly kausap kaya napalagayan din ang loob ko sa kanya. Kaya lang kaibigan lang turing ko sa kanya kasi parang lambutin ang tingin ko sa kanya. Napaka mama's boy nya. Parating may pabaon ang nanay nya na gamot at wag daw magpapawis. Maselan din sya, pati sa pananamit dapat plantsado. Parang ikaw ang mahihiyang dumikit sa kanya. Parati syang pumupunta sa classroom at inaantay ako sa labas ng room para sabay kami umuwe. Parang ganun lang araw araw kasi wala naman talaga akong nararamdaman sa kanya. Habang naglalakad kami bigla kong napansin si Paul na parang nakasunod sa amin. Hindi ko pinansin kasi baka nagkataon lang. Ang nakapagtataka lang wala yung Jake na kasama nya parati, mag isa lang sya. Pero hindi ko na lang pinansin kasi nga sino ba naman kasi ako. Marami naman nagkakagusto sa kanya. Hindi ko nga alam kung nakakailang palit na sya ng girlfriend eh. Hindi ko na kasi inaalam ang tungkol sa kanya, simula ng sinabi nyang tantanan ko na sya. During lunch time kumain kami ni Jen sa canteen. At nagkataon naman na kumain din sya. Napapansin kong parati na kaming nagkakasama kahit sa mga group activity, hindi ko alam na kagrupo na pala namin sya. Tapos ngayong kumakain kami ni Jen sa canteen, biglang pasok nya at umorder din sya ng pagkain at dun umupo sa kabilang table na nakaharap sa akin. Ayaw ko man tingnan dahil naiilang talaga ako. Pero habang kumakain sya. Parang titig na titig sa mukha ko. Hindi ko alam kung may dumi ba ang mukha ko o kaya naman baka may kanin. Basta naiilang talaga ako. Tinapos ko agad ang kinakain ko at niyaya ko na si Jen na umalis na kami agad. Kahit dapat nagkukuwentuhan pa kami after lunch dun sa table. Nagtataka nga sa akin si Jen at nagyaya agad ako tumayo. Sabi ko sa may punong mangga na lang kami mag-usap.
" Cris may sasabihin sana ako sayo" sabi ko kay Cris habang hinahatid nya ako pauwe sa bahay. "Ano iyun" sabi ni Cris. "Kasi sinubukan ko naman baka maging okay tayo pero tingin ko hindi talaga eh. Hindi ko kayang ibigay sayo ang gusto mo na maging tayo, magkaiba tayo sa maraming bagay. Hanggang ganito lang talaga ang kaya kung ibigay sayo. Ang manatili tayong magkaibigan". Napabuntong hininga si Cris sabay sabi ng "okay lang ramdam ko naman". Sabay hawak ko sa kamay nya at sinabi ko salamat. Habang magkaharap kami ni Cris at hawak ko ang kamay nya, nakita ko na naman si Paul sa likod ni Cris pero medyo may kalayuan, at parang galit na nakatitig sa akin. Hanggang sa tiningnan ko na talaga sya sa mata, at sabay talikod nya. Hindi ko alam kung bakit. Na dapat matuwa sya at may sari-sarili na kaming buhay. At hindi ko na sya pinapakialaman.