Kabanata 4

689 Words
Kinaumagahan, papauwe na ako. Wala ng Cris na nag aantay sa akin sa labas. Medyo nanibago ako pero ayos lang kasi kahit papaano okay pa rin naman kami ni Cris. Naglalakad na ako pauwe mag isa na lang ako, gawa ng hindi alam ni Jen na binasted ko na si Cris. At pumunta sa mall si Jen after ng klase para mag grocery. Ako naman dali dali ng naglakad pauwe sa hapong iyun. Pagliko ko sa kanto malapit na ako sa bahay nang may biglang may humawak sa kamay ko at isinandal ako sa bakod o pader. Sobrang pagkabigla ko. At nakilala ko naman agad sya. Biglang sabi ko Paul. Hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil siniil na nya ako ng halik. Hindi agad ako nakapalag dahil sobrang bilis ng pangyayari. Nang makabawi ako sa pagkabigla sabay tinulak ko at binigyan ko ng mag asawang sampal si Paul. At sabay takbo ako sa loob ng bahay. Litong lito ako at nagalit talaga ako kay Paul. Sobrang iniyak ko na naman. At kahit tapos na nya akong halikan, ramdam ko pa rin ang labi nya na parang ang sarap at yung amoy nya na sobrang kinabaliwan ko dati. Gulong gulo ang utak ko. Andaming bakit? Bakit nya ako hinalikan? Bakit nya ako sinusundan parati at bakit nagparamdam ulit sya kung kailan nasanay na ako at nakaya ko na sa mahabang panahon na balewalain sya. At hindi ko maikakaila na sya ang unang humalik sa akin na noon ko pa inaasam at hindi sa mga oras na iyun. Dumating si Jen, galing mall na may dalang grocery. Ang tanong nya agad, sabay upo sa kama ko, tinabihan ako sa pagkakaupo. "Anong nangyari?" . Tumingin ako kay Jen pero bakas pa rin sa mga mata ko ang pag iyak. "Bakit nasa labas si Paul? Sabi nya "kung pwede ka ba daw nya makausap"?. Umiling lang ako sabay dapa sa kama. "Okay" sabi ni Jen sabay labas ng kwarto at pinuntahan si Paul. Hindi na ako kinausap ni Jen nung gabing iyun. Hinayaan lang nya ako. Nung sumunod na gabi nag kwento na ako kay Jen. Mula kay Cris at ung mga ginawa ni Paul. "Jen, ang hindi ko lang talaga maintindihan bakit si Paul nagkakaganyan? Eh simula't sapol naman ayaw nya sa akin at halos diring diri sya di ba?". "Hello gurl, tumayo ka nga dyan at manalamin ka at ng mahanap mo yung sagot" sabi ni Jen. Napakunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan. Dagdag pa nya " ang ganda mu na kaya gurl, from ugly duckling to miss universe na ang beauty mo day". " oo morena ka at hindi ka kaputian pero yung feslak mu day at ang height mu day pwede ng pang miss universe, may hawig ka nga kay Catriona gray eh. Nanghinayang lang si Paul day kasi ang pagkapayatot mu noon, ay nagbloom na, na para bang bulaklak na namumukadkad. Hindi mo lng alam dahil masyado ka abala sa academics mo, pero day andaming gustong manligaw sau." Sabi ni Jen.Mas nangingibabaw pa rin yung galit ko kay Paul kesa isipin na nagbago na ang pagtingin nya sa akin. Kasi sa tuwing nagkakatinginan kami mata sa mata, parati bumabalik yung mga salitang binitawan nya noon. Ang parating nasa isip ko ay ang pangit pangit ko. Habang ako'y naghahanda na para matulog ng may biglang kumatok sa pinto ng bahay. Nakabihis na rin ako ng pantulog at tinanggal ko na din ang bra ko. Si Jen naman ay nasa cr nung time na yun. Kaya napilitan akong kunin towel ko at dali daling pumunta sa pinto habang nagtatanong ng "sino iyan?" "Paul" sabi ng nasa labas ng pinto. Hindi agad ako nakagalaw. Hindi ko alam kong pagbubuksan ko ba o pauwiin na lng. "Please Nads I'm so sorry, pwede ba tayong mag usap?". Binuksan ko ang pinto, sabay yakap nya sa akin. I'm so sorry Nads, pabulong niyang sabi. Sa pagkabigla ko, wala akong nagawa at nanatiling nakayakap sa akin. Sabay labas naman sa cr ni Jen at nagitla pa sa nakita nya. Natulak ko si Paul at sinabi ko umalis na at matutulog na kami. "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD