Kabanata 6

641 Words
Sa bahay habang naghahanda ako ng mga gamit ko na dadalhin pagpunta namin ni Jen ng Maynila. Sumigaw ang kapatid ko. "Ate baba ka na dyan at andito si kuya Paul". Hala hindi ko alam kung ano gagawin ko. Magsusuklay ba ako o kaya magpapalit pa ba ako ng damit na pambahay at pakiramdam ko amoy pawis ako. Hindi ko rin alam kung paano ko sya haharapin, kasi ayaw ko talagang ipahalata na kahit papaano ay ganun pa rin ang pakiramdam ko sa kanya. "Ate!" Sabi ulit ng kapatid ko. "Pababa na nga" sabi ko naman. Pag baba ko nakita ko si Paul na nakaupo sa sala naming gawa sa kawayan. Biglang napatayo si Paul, pagkakita sa akin. "Bakit?" tanong ko agad sa kanya. "Ah itatanong ko lang sana kung kailan ang alis ninyo ni Jen paluwas ng maynila?" Sabi naman ni Paul. "Siguro baka next week pa kasi hindi pa naman namin nakukuha ang TOR at yung diploma. Bakit ikaw ba nakuha mo na? Saad ko. "Hindi ko pa rin naman nakukuha. Pero paluwas din ako pagkakuha ko." Sabi nya. "Oh ano naman ngayon kung paluwas ka rin?" Sabi ko naman. Bigla syang natahimik at napayuko. "Nads" aniya. Yun kasi ang tawag talaga nya sa akin noon. Tahimik lng ako at umupo habang inaantay pa ang susunod nyang sasabihin. Umupo din sya sa tabi ko. "Nads salamat at sa kabila ng ginawa ko sayo, nagawa mo pa rin akong pakiharapan at kausapin. Gusto ko lang malaman mo na pinagsisisihan ko lahat ng mga sinabi at ginawa ko sayo. Sa tuwing naalala ko lahat ng ginawa ko nasasaktan din ako. Hindi ko alam kung bakit nagawa ko sayo lahat ng iyun." Gusto ng pumatak ng luha ko pero mahigpit kung pinipigilan gawa ng baka makita ako ng mga kapatid ko at ng tatay at nanay ko. "Alam mo Paul, naiintindihan ko yung pagtaboy mo sa akin noon. Kasi kahit ako sa sarili ko ay naiinis din ako sa mga ginawa kong pagbuntot buntot sayo. Ang hindi ko lang talaga maintindihan ay kung bakit mo ako sinusundan at hinalikan pa, eh di ba nga nandidiri ka sa akin." Pabulong kung tanong baka kasi marinig ng mga alaskador kung kapatid at lalo na ng mga magulang ko. Napabuntong hininga si Paul sa pagkakataong iyun. Sabay labas naman ni inay na may dalang dalawang tasang kape at tinapay. "Paul, magmeryenda muna kayong dalawa". Kayo bang dalawa ay sabay na aalis? "Naku, hindi po inay" sabi ko. "Nakwento kasi sa akin ni manoy Digoy nang kami ay nagkasalubong sa palengke kanina" ani inay. Lolo ni Paul si manoy Digoy na sambit ni inay. "Napaka delikado magbyahe at aabutin kayo doon ng halos desisyete oras sa byahe. Dapat mag sama sama na lang sana kayong tatlo nila Jen" ani inay. "Eh inay naman, magkaiba naman kami ng pupuntahan eh". Pero sa totoo lang ayaw ko talaga muna siyang makasama kahit sa byahe man lang at natatakot ako sa sarili ko. Baka tuluyang bumigay. "Inay magpapaalam na daw po si Paul" sabi ko na ikinabigla naman ni Paul. "Ah opo inay pauwe na rin po talaga ako" sabi naman ni Paul. Sabay hakbang pababa ng bahay. Ako naman pumasok ulit sa kwarto. Sabi ni Inay "ay siya, kami na lng ng Itay mu ang iinom nitong kape". Pagkapasok ko sa kwarto, biglang tumunog ang cp ko. Si Paul may message, actually hindi ko sya friend sa f******k, nag unfriend kasi ako sa kanya noon. Pero in add naman nya ulit ako after 2 years. Hindi ko lang kinoconfirm. " Nads I'm really really sorry. Please give me a second chance to treat you how I should've from the start. I never meant to hurt you, I never meant to make you cry. I know it's hard for you to believe me again. But please let me in."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD