Kabanata 7

955 Words
PAUL ZABALA VASQUEZ Ang bigat ng bawat hakbang ko palayo sa bahay ng pinakamamahal ko. Oo Nads mahal na mahal kita noon pa. Hindi mo lang alam kung gaano kabigat ang ginawa kong desisyon na iyon para layuan mo ako. Bawat kirot na nararamdaman mo. Doble sa nararamdaman ko. Mas pinili kong layuan mo ako ng mga panahong iyun, dahil paghinayaan lang kita sa mga ginagawa mo sa akin, baka hindi ako makapagpigil. Aray ko, may humampas pala sa likod ko habang naglalakad ako pauwe. Si lolo Digoy pala. "Bakit po lolo?" sabi ko. "Ano bang nangyayari sayong bata ka? Kanina pa kita kinakausap habang naglalakad ka, hindi mo man lang ako pinapansin. Parang wala kang nakikita at naririnig." Ani ni lolo. "Ay sorry po lolo, hindi nga po kita narinig." Sabi ko habang papasok na kami sa tarangkahan ng bahay namin, medyo nag aagaw na ang dilim at liwanag noon. "Tinatawag kita kasi kakain na tayo ng hapunan" sabi ni lolo. Medyo maaga kasi sila kumain ng hapunan. Ganito din talaga pag dito sa probinsya. "May problema ka ba apo?" Ani ni lolo. Medyo malakas pa ang lolo ko sa edad na 70. Nag-alaga pa siya ng mga hayop, gaya ng manok at kambing. "Sige po maghahain na po ako lo". Sabay alis ko at papunta na ako ng kusina. Nadatnan ko dun si lola na nakapaghain na pala kasi natanaw na kami sa may bintana. "O siya kain na tayo" sabi ni lola. "Wow, ang sarap naman pala ng ulam, ginataang langka at pritong galunggong" sabi ko. Habang kumakain kami, nabanggit ng lola ko na tumawag daw si mama. Ang sabi daw magchat daw kung kailan ako aalis at para masundo daw nya ako. Ang nanay ko ay nagtatrabaho sa Laguna. Doon daw muna ako tumuloy sa tinitirhan nya habang nag-aaplay ako. Maagang nabyuda ang mama ko. Sundalo kasi papa ko. Sanggol pa lang ako nang mabaril daw ang papa habang inambush ng mga npa ang sinasakyan nila. May kinakasama ngayon ang mama ko pero wala silang anak. Medyo may edad na rin kasi sila pareho nang magsama. At balita ko naman kasi yung lalaki ay may asawa at anak dati pero matagal ng hiwalay. Pagkatapos namin maghapunan, tinulungan ko na ang lola kung magligpit ng pinagkainan namin. Habang ang lolo ko naman ay nakaupo sa labas ng bahay namin at pinagmamasdan ang mga manok nyang panabong na nakatali lang sa labas.after ko maghugas lumabas ako at umupo sa tabi ni lolo. Sa inuupuan namin matatanaw yung bahay nila Nads at maliwanag pa dahil sa ilaw na nasa labas nila. Malapit lang kasi mga bahay namin. Nakita ko si Nads na lumabas ng kwarto at umupo sa hapag kainan nila. Siguro ay hapunan na rin nila. Habang pinagmamasdan ko si Nads sa kalayuan, hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko na humanga sa angking ganda nya. Naalala ko na naman ng mahalikan ko sya. Parang mas lalo akong nagayuma sa sarap ng mga labi nya. "Kung alam mo lang Nads". Narinig pala ni lolo, akala ko sa isip ko lang nabanggit. Lumabas pala sa bibig ko. "Apo, alam ko na mahal mo si Nads, bakit pa pinipigil mo ang damdamin mo. Sabihin mo sa kanya ang lahat lahat. Alam ni lolo ang dahilan ko at alam din nlya na matagal ko nang mahal si Nads. Noon pa man mahal ko na si Nads, kaya lang pareho kami ng pangarap sa buhay, ang makapagtapos at makatulong sa mga magulang namin. Sa tuwing pinag -uusapan namin noon kung ano ang gusto namin pag laki, napag isip isip ko na pareho kami ng mga gusto sa buhay ni Nads. Pareho namin ginusto na magkasama kami parati at sinadya naman nga ng pagkakataon. parati kami magkaklase. At lalo na ngang minahal ko si Nads nang mag dalaga na sya. Ang ganda nya at ang bait, napakainosente pa nya. Ang gusto ko lang ay protektahan sya khit hindi ko siya nakakasama. Natatakot ako na baka may mangyari sa kanya, lalo na pag niloko siya ng lalake. Parang hindi ko kakayanin iyun. Kaya ngayong nakapagtapos na kami, unti unti na ulit akong lumalapit sa kanya para sabay namin tuparin ang mga pangarap namin. Ginusto kong layuan nya ako noon, kasi sa tuwing nasa tabi ko sya, hindi ako makaconcentrate sa pag aaral at sa tuwing nakaharap sya sa akin gustong gusto ko na siyang halikan. Pilit kong nilalabanan ang nararamdaman ko sa kanya baka may mangyari sa amin sa napakamurang edad pa at baka pareho namin masira ang mga plano namin sa buhay. At nakakababa din ng pagkatao nya yung panay sunod sa akin na napapansin ng mga kaklase namin, na parang feeling ko pinagtatawanan na siya. Hindi ko gustong saktan siya kaya lang umiiwas lang ako sa maaring mangyari sa amin pag hinayaan ko ang nararamdaman ko. Unti unti ko ng binubuo yung mga pira pirasong puso nya na dinurog ko noon. Ang hiling ko lang ay sana papasukin pa nya ako sa buhay nya at mapatunayan ang tunay kong hangarin at iparamdam sa kanya na sya lang talaga ang laman ng puso ko. Marami ding babae na nalilink sa akin noon pero walang pormal na relasyon. Kasi ang gusto ko talaga ay siya lang ang makakaranas noon. Masasabi kong may karanasan na rin ako sa babae dahil ginusto rin naman ng babae at alam ko na okay lang din sa kanila. At ayaw ko din masabihang bakla, at napakahirap din sa sitwasyong pumigil lalo na pag nasa harapan mo na yung hubad na katawan ng babae. Pero kahit na ganun ay hindi pa rin ma satisfied yung nararamdaman ko at parating pakiramdam ko may kulang at ang palaging sumasagi sa isipan ko ay ikaw lang Nadine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD