Chapter 7

2437 Words
Chapter 7 *Abby* Agad kong pinunasan ang luha nang bumukas ang pinto. Nakita ko si Jason na basa pa rin pero natutuyo na ang damit niya. Nag-aalala akong baka magkasipon siya. Dala na niya ang tuyong mga damit ko. Lumapit siya sa’kin at inabot ‘yon. Nahihiya akong kinuha ‘yon. Bagong laba na at tuyo na talaga. “Salamat,” wika ko at tinignan siya. Basa pa ang buhok niya. “Maligo ka na kaya. Baka magkasakit ka niyan. Natutuyuan ka na oh,” wika ko sa kaniya. Tumawa naman siya at lumapit sa akin. Binaba niya ang mukha at mabilis akong hinalikan. Tumalon yata ang puso ko sa pagkabigla. Naiwan akong tulala at siya naman ay pumasok na sa banyo. Dama ko pa ang malambot na labi niya sa akin. Nakakatatlo na siyang halik. Ang takaw naman niya humalik. Isang araw lang kami pero grabe, nakarami na si Jason. Maya-maya pa ay lumabas siya sa banyo na tanging puting tuwalya lang ang nasa ibabang bahagi ng katawan niya. Tumutulo pa ang butil ng tubig sa mga abs niya. Ang matipuno niyang dibdib at malapad na balikat na mas dumidipina sa pagiging matcho niya. He is so hot and sexy. Hindi ko maitanggi dahil aaminin kong nanginginig na ang mga tuhod ko habang nakatunghay sa kaniya. Nang matauhan ay tumalikod ako. Narinig ko naman siyang tumawa kaya napapikit na lang ako ng mariin. “Nakakahiya ka, Abby,” bulong ko sa isip. Matapos siyang magbihis ay nakita ko siyang kinuha ang gitara niya. Hindi pa siya nagsusuklay pero ang hot niya pa rin tignan. Mas lalo lang nakadagdag sa gwapong awra niya ang basa at magulong buhok. Nakasuot siya ng itim na sando na malaki ang hiwa sa magkabilang gilid. Kitang-kita doon ang sexy niyang katawan. Nasisilip ko pa ang tiyan niya doon. Naka-boxer short din siya ng itim. Nilingon niya ako at umupo sa tabi ko. Humarap ako sa kaniya dahil parang nae-excite akong marinig siyang maggitara. Ngumiti siya sa’kin at inayos ang pwesto ng gitara. “I want you to be happy, baby,” malambing niyang saad at nagsimulang tumugtog. Sana buhay pa ako bukas. Para na akong aatakihin sa puso dahil sa mga matatamis na salita ni Jason. “Minsan oo, minsan hindi. Minsan tama, minsan mali.” Unang kanta pa lang niya ay hindi ko na maialis ang mga mata sa kaniya. Sa akin siya nakatitig habang tumutugtog. Kabisado na niya ang chords ng gitara. Ang boses niyang malamig at kay sarap pakinggan. “Umaabante, umaatras. Kilos mong namimintas.” Patuloy niya sa pagkanta. “Kung tunay nga ang pag-ibig mo, kaya mo bang… isigaw… iparating… sa… mundo..” “Tumingin, sa’king mata… magtapat ng nadarama… ‘Di gusto ika’y mawala. Dahil… handa akong ibigin ka.” Habang kinakanta niya bawat lyrics ay pabilis nang pabilis ang t***k ng puso ko. Lalo na at gano’n pa ang lyrics niya. “Kung maging tayo, sa’yo na ang puso ko.” Parang kay lalim ng ibig sabihin bawat lirikong binitawan niya. Posible bang maging kami kahit malabo? Malabo dahil alam kong mahal niya pa si Vanessa. Ako naman ay mahal ko pa rin si Mark. Hindi gano’n kadaling lumimot. Mahirap limutin ang damdamin. Kaya alam kong hindi kami pwede hangga’t hindi kami nakaka-move on pareho. At isa pa, ayoko ring umasa na pwede. Alam kong walang pagtingin sa akin si Jason. Kahit noon pang nakilala ko siya. Si Vanessa talaga ang gusto niya. Hindi ko pa nobyo noon si Mark pero hindi naman ako napapansin ni Jason. Puro Vanessa ang bukang bibig niya. Si Vanessa lang palagi ang hinahanap niya sa’kin. Ngayon lang ulit kami nagkita. At hindi ko naman inaasahan na biglang ganito ang mangyayari. Wala kaming espesyal na feelings para sa isa’t isa. But today is very special. I feel so special. Na kahit hindi namin mahal ang isa’t isa ay parang totoong magkarelasyon kami. Nakakatawang isipin. Pero nadadala ang puso ko sa matatamis na ngiti at mga salita niya. Sa nakakakuryenteng paghawak niya sa kamay ko. Nadadala ang puso ko sa mga ginagawa niya. Kung paano niya ako tratuhin. Kung paano niya ako kausapin. Kung paano niya ako hawakan at ipakilala sa Mommy niya ay nadadala ako. Wala akong ganito kahit nagkanobyo ako. Ngayon lang, kay Jason lang. “Talaga?” pabirong tanong ko kaya lang ay seryoso naman siya. “Can I have your heart? Just for today?” bulong niya. Nagbibiro lang ako. Bakit ganito na naman siya? Hindi ako makapagsalita at nakatitig lang sa kaniya. Habang ang puso ko ay parang gusto ng lumabas sa lakas ng t***k. Hindi ko alam kung naririnig niya ba ‘yon o ako lang ang nakakarinig. Nang tangkain niya akong halikan ay umiwas ako. Natigilan siya. “Mali yata ito, Jason,” mahinang boses ko. Baka masiyado akong mahulog pagkatapos ay maiiwan naman ako bukas. “Why?” Tanong niya. “Bukas, hindi na kita boyfriend,” mahinang boses ko. Nakaramdam agad ako ng lungkot. Parang ayoko pang matapos ang araw na ‘to. “Kaya nga mas gusto kitang makasama pa. Kahit ilang oras pa,” wika niya. Kinukurot-kurot ko ang daliri dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdaman. Inangat niya ang mukha ko at pinaharap sa kaniya. “Hindi ko alam kung ano’ng meron sa’yo at nagkakaganito ako ngayon,” wika niya. Nilingon niya ang labi ko at hinalikan. Nakakalasing ang labi niya kaya kusang pumikit ang mga mata ko. Naramdaman ko pa ang kamay niya sa beywang ko. Nagsimulang gumalaw ang labi niya. Banayad at malambot bawat hagod ng labi niya sa labi ko. Bahagya niya pang sinisipsip. Hindi ko alam kung paano susuklian. Kaya hindi ko ginagalaw ang labi ko at hinahayaan lang siyang halikan niya ako. Nang ipasok niya ang dila ay halos mabaliw ako. Mentol ang hininga niya kaya nahihiya ako. Hanggang sa parang pati ako ay nadadala na sa mga halik niya. Sinuklian ko ‘yon at sandaling kinalimutan ang mga alinlangan sa isip ko. Ginagaya ko bawat ginagawa niya. Bigla siyang huminto kaya parang napahiya ako. Tinignan niya ako. “May respeto ako sa’yo kaya pipigilan ko ang sarili ko,” makahulugang wika niya. Napatulala lang ako sa kaniya. Ano bang ibig niyang sabihin? Pipigilan niya ang sariling halikan ako? Eh, paulit-ulit na nga niyang ginawa. O may mas lalim pang dahilan bukod doon. Tumayo siya at kinuha na lang ang remote ng tv at binuhay. Humiga siya sa kama at niyaya akong lumapit sa kaniya. Tahimik akong lumapit. Nakaupo lang ako at hindi humihiga. Naghahanap pa siya ng magandang panoorin. Nilingon niya ako. “Higa ka dito,” wika niya at tinuro ang braso niyang naghihintay. Gusto niya bang doon ako mag-unan? “O-Okay na ako dito,” nahihiyang sabi ko. Parang nakakahiya humiga malapit sa kaniya. Tapos ay mag-uunan pa ako sa braso niya. Pinagtaasan niya ako ng isang kilay. “Hindi kita ibabalik sa inyo,” panakot niya kaya agad akong humiga doon. Hinila niya pa ako palapit sa kaniya at nilagay niya ang kamay ko sa dibdib niya. Nakayakap ako sa kaniya habang nakahiga kami sa malaking kama niya. “That’s better,” wika niya at hinalikan ang tuktok ng ulo ko. Nagkagulo na naman ang mga paru-paro sa tiyan ko dahil sa ginawa niya. Sobrang bango niya pa at ang sarap yumakap. “Ano’ng gusto mong panuorin? Wala akong mahanap ‘e,” saad niya. “Maganda ‘yong horror,” wika ko. Tinignan niya ako at tumango. “Ano bang mga trip mong palabas?” tanong ko sa kaniya habang naghahanap siyan ng magandang horror movie. “Anything. Hindi naman ako mapili,” wika niya pero iba ang naramdaman ko sa huli niyang sinabi. O masiyado lang akong nag-iisip? Kaya masiyado kong nilalagyan ng kahulugan kahit wala naman. “Ikaw?” tanong niya. “Hindi ko alam. Hindi naman kasi ako nakakanuod masiyado. Wala kasi kaming tv,” wika ko. Minsan lang ako makanood sa tv. Doon pa ‘yon kina Vanessa. Hindi ako nahihiyang sabihin kay Jason na wala kaming tv. Nakapasok na siya sa maliit naming bahay at wala siyang nakitang tv doon. Mahirap lang kami. Allowance ko pa nga lang sa school ay hirap na sina Nanay at Tatay. Gusto kong makatapos para masuklian ang paghihirap nila para sa’kin. Dahil kahit sino naman, kung malagay sa kalagayan ko ay nanaisin talagang makaahon sa kahirapan. “Gusto mo, bili tayo ng tv niyo?” tanong niya at mabilis akong umiling. “Naku, huwag na. Malaking gastos lang ‘yon, Jason. At isa pa, dagdag lang sa kuryente namin ‘yon,” wika ko. Sobra naman si Jason magbitaw ng pera. Bibili raw ng tv, agad-agad? Nababaliw na yata siya. At saka, saan kami pupulot ng pambayad ng kuryente? Kawawa na nga ang Tatay sa kakakayod para mabuhay kami tapos lalaki pa ang bill namin sa kuryente? “Kung ayaw mo, palagi na lang kitang dadalhin dito para makanuod ka,” saad niya. “Sira! May pasok ako sa eskwela at malayo ang bahay niyo sa amin. Saka, magagalit si Nanay,” mabilis na wika ko. “Ako ang bahala sa Nanay mo. At kaya kitang ihatid sundo,” saad niya at tila siguradong-sigurado. Mukha pang ayaw magpatalo. Bumuntong-hininga ako. “Gastos lang sa gas mo,” wika ko. “I don’t care. Para sa’yo naman ‘e,” wika niya. Bumundol na naman ng malakas ang dibdib ko. “Ang gastos mo!” singhal ko sa kaniya kahit na hindi na naman mapakali ang mga paru-paro sa tiyan ko. “Is that a yes?” nakangiting tanong niya. “Ewan ko sa’yo,” sabi ko na lang at tinuon ang atensyon sa tv. Kanina pa pala nagsimula ang palabas. May kakulitan din pala si Jason. Napailing na lang ako sa isip. Ang hirap kontrahin kapag nagdedesisyon siya. Nakakatakot pala ang pinili niyang palabas. “Hala, ‘yong bata..” natatakot kong saad habang nakatakip ang isang kamay sa kabilang mata. Tumawa naman si Jason sa’kin. “Nakikita mo pa rin, baby,” saad niya. “Hinahabol na sila!” malakas kong boses at mas lalong tinakpan ang isang mata. Ayokong makita pero gusto ko. Ganito pala manuod ng nakakatakot. Naaawa ako at natatakot sa pinapanood ko. Naiyak pa ako sa parteng hinahanap ng nanay ‘yong anak niyang tumakbo. “Kawawa naman sila,” umiiyak kong saad. Mas lalong tumawa si Jason nang masilayan ako. “You look cute,” natatawang wika niya. Sumisinghot pa ako at agad ding napatakip noong nandiyan na naman ang humahabol sa kanila. “Gusto mo pa bang tapusin?” tanong ni Jason. Natatawa pa rin siya sa itsura ko. Tumango ako. Kahit takot ay gusto kong malaman ang ending. Gusto kong mahanap ng Nanay ‘yong anak niya. Ilang minuto pa ang tinagal ng palabas at natapos rin. Pero naiinis ako. “Kanina, umiiyak ka at takot na takot. Bakit ngayon nakasimangot ka?” natatawang tanong ni Jason. “Ang tanga kasi no’ng lalaki. Dapat binaril na niya ‘yong halimaw. Hindi ‘yong ang dami pang satsat. Patay tuloy siya. Nakakainis dahil patay pa silang lahat,” naiinis kong bulalas. Tumawa naman si Jason at naghanap ng panibagong palabas. Comedy movie ang pinili niya. Para raw hindi na ako mainis. Kaya habang nanunuod kami ay tawa ako nang tawa. Napapaluha pa ako sa kakatawa. Tumatawa kami pareho ni Jason sa palabas. Nahinto kami nang may kumatok sa pinto. “Yeah?” wika ni Jason at hindi pa rin bumabangon. “The dinner is ready, anak,” wika ng Mommy ni Jason kaya agad akong bumangon. Nakakahiya dahil baka isipin ng Mommy niya buhay hayahay ako dito. Pahiga-higa lang at panuod-nood. “Sige po,” saad ni Jason. “Magbibihis lang ako,” paalam ko kay Jason. Nakakahiyang lumabas na damit pa ni Jason ang suot ko. At ready na raw ag dinner? Ibig sabibin ay gabi na? Ihahatid naman ako ni Jason at alam naman ni Nanay na kasama ko siya. Nagmadali akong nagpalit ng damit at inayos ang sarili. Tinupi ko pa ng maayos ang ginamit kong damit ni Jason. Paglabas ng banyo ay nakita ko pa siyang nanunuod pa rin. Nang makita niya ako ay agad niyang pinatay ang tv at bumangon. Nilapitan niya ako at hinapit sa beywang palabas sa pinto. Hanggang sa pagbaba ng hagdan ay nakahawak siya sa beywang ko. Hanggang makarating kami sa kusina. Naamoy ko agad ang mabangong putahe na nakahain sa malaki at malawak na lamesa. Marami talaga sila magluto dahil iba’t ibang klase ang nakahain. Pinaghila ako ni Jason ng upuan. Nahihiya akong umupo doon. Nakita ko ring umupo ang Mommy niya kaya nahihiya akong ngumiti. Katabi ko si Jason sa hapag at napapangiti ang Mommy niya habang nakatunghay sa amin. “Huwag kang mahihiya, Abby. Niluto ko talaga ang mga ‘yan para sa’yo,” nakangiting wika ng Mommy ni Jason. “Naku, salamat po. Sobrang dami po nito,” nahihiyang saad ko. Nakita ko pang nilagyan ni Jason ang plato ko. Bago siya naglagay sa kaniya. “Ayos lang, hija. Birthday naman ng girlfriend ng anak ko. From now on, call me tita,” nakangiting saad niya kaya mas lalo akong nahiya. “S-Sige po, T-Tita,” nahihiyang wika ko at tumawa naman ang Mommy ni Jason. “Eat this, masarap ‘yan,” wika ni Jason. Kaya nagsimula na akong kumain. Ang dami kong nakain dahil ang sasarap ng mga nakahain. Pinagbaon pa ako ni Tita dahil masisira lang daw. Kaysa masayang, pumayag akong mag-uwi. Busog na busog ako at may dala pang dalawang malaking tupper wear na may lamang masasarap na ulam. Nakakahiya pero sayang. Grasya ito ng langit kaya huwag dapat magsayang ng pagkain. Ulam din namin ‘to sa bahay. Sayang naman kung masisira lang. Ang dami pa ngang natira kina Jason. Kasi aakalain talagang may fiesta kung magluto sila. Napakarami. Paulit-ulit akong nagpasalamat bago magpaalam na uuwi na. Sinabihan niya pa akong bumalik. Natutuwa raw kasi siya sa’kin. Hindi ko sigurado kung makakabalik pa ako. Isang araw lang kami ni Jason. Bukas ay hiwalay na kami. Mami-miss ko si boyfriend. Totoo talaga ang kasabihang… hindi sa lahat ng pagkakataon ay masaya ka. Lahat ay may hangganan at katapusan. Ang sa amin ngayon ni Jason, matatapos na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD