Chapter 6

2529 Words
Chapter 6 *Abby* “Hello po,” nahihiyang wika ko sabay mano sa Mommy ni Jason. Nasorpresa pa ako dahil sobrang lambot ng kamay niya. Nahiya pa bigla ang palad ko dahil magaspang ang sa akin. Ako kasi ang tagahugas sa bahay at ako rin ang naglalaba ng mga damit ko. Tumawa naman siya ng mahina. Tumayo ako ng tuwid at tumabi kay Jason. “Mom, this is Abby, my girlfriend,” pakilala sa’kin ni Jason. Agad akong yumuko. Nahihiya ako. Isang araw lang naman kami pero bakit kailangan pang ipakilala ako? Si Mark ay kahit kailan, hindi niya ako dinala sa kanila. O kahit ipakilala sa mga magulang niya tulad ng ginawa ko. Pero si Jason ay hindi nag-alinlangan. “Come here, hija,” nakangiting saad ng Mommy niya kaya nahihiya akong lumapit. Niyakap niya ako ng mahigpit kaya hindi ko alam ang mararamdaman. Nahihiya ako dahil baka mabaho ako, siya ay amoy mamahalin talaga. Iyon bang amoy mayaman talaga. “Welcome ka dito, anytime,” nakangiting saad niya nang bumitaw sa pagkakayakap. Nahihiya akong tumango. “S-Salamat po,” nahihiya kong saad. “Nag-lunch na ba kayo?” tanong ng Mommy niya. Dito kasi sa bahay nila ay parang kakain pa lang dahil kakahanda lang ng mga pagkain na bagong luto. Maraming pagkain na nakahanda. Marami yatang tao dito sa bahay nila? O baka ganito lang sila maghanda, parang fiesta. Naramdaman ko ang paghila ni Jason sa beywang ko palapit sa kaniya. “Yes, Mom. Katatapos lang. By the way, today is her birthday,” wika ni Jason. “Wow! That’s great. Dito ka na mag-dinner, hija,” excited na wika ng Mommy niya. Tatanggi sana ako kaya lang ay si Jason na ang sumang-ayon. Pagkatapos ay nagpaalam na sa pool area muna raw kami. Hila-hila niya ako patungo sa pool area. Ako naman ay nagpatianod lang. “Hindi ka na sana pumayag na mag-dinner pa ako dito. Nakakahiya na,” mahinang boses ko habang naglalakad. Tinignan niya ako saglit. “Bukas, hindi na kita girlfriend. Masama bang mas mahabang oras kong makasama ang girlfriend ko?” tanong niya. Bigla namang lumakas ang t***k ng puso ko dahil sa tanong niyang ‘yon. “Bawal ba kita makasama kahit ilang oras pa? My girlfriend?” dagdag niya pa at nagkagulo na ang mga paru-paro sa tiyan ko. Nakatitig lang ako sa kaniya habang naglalakad. Kung titigan niya rin ako ay mas lalo akong kinakabahan. May kung ano sa titig niya na hindi ko maipaliwanag. Nahihirapan din akong huminga. Ang mga tuhod ko ay parang biglang lumambot. Kaya hindi sadyang natapilok ako. Nag-cross ang dalawang binti ko kaya nawalan ako ng balanse. Agad akong kumapit sa damit ni Jason dahil sa takot na baka matumba pero huli na. Natumba na ako at nahila ko siya. Nakapatong siya sa’kin at hindi sadyang mahalikan ang labi ko! Namilog ang mga mata ko sa gulat kasabay ng puso kong naghuhurumentado na naman. Ang labi niyang malambot ay nakakaantok. Para akong dinadala sa ulap. Pero agad akong natauhan nang gumalaw ang labi niya. Malakas ko siyang tinulak. Napaupo siya at ako ay mabilis na bumangon. Mabuti na lang at bermuda grass ang binagsakan ko. Kaya hindi ako nasaktan. “S-Sorry,” nauutal kong sabi. Hindi ko nga alam kung para saan ‘yon. Sa katangahan ko ba o sa halik na hindi sinadya pero nagustuhan ko? Bakit ba kasi ang tanga ng mga paa ko?! Kinilig lang ako, nakalimutan ko na maglakad ng maayos. “Are you okay?” tanong niya. Mabilis akong tumango. Kasing bilis ng t***k ng puso ko ngayon. Nakusot pa ang damit niya dahil sa paghila ko. “O-Oo, ayos lang ako. Pasensya ka na, may pagkatanga ‘tong girlfriend mo,” wika ko sabay tumawa para maibsan man lang ang awkwardness ng paligid. Tumawa naman siya kaya nakahinga na ako ng maluwag. Tinulungan niya akong makatayo. Pinagpagan niya pa ang likod ko dahil may ilang damo raw. Para akong nakuryente nang pagpagin niya rin sa bandang pwet ko. Hindi ko alam kung paano magre-react dahil natameme na ako. Pagkatapos ay hinapit niya ako sa beywang at naglakad papuntang pool. Tumitig na ako sa daan dahil baka matapilok na naman ako. Nang makarating ay nagandahan ako sa pool area nila. Malaki at malawak na swimming pool. May tambayan pa sa gilid. May ilang halaman din sa gilid na mas lalong nagpaganda ng paligid. Binitawan ni Jason ang beywang ko at nag-alis ng damit. Umawang ang labi ko nang mahubad niya ang pang itaas na damit. Wala sa sariling napalunok ako. Ang laki pala talaga ng katawan niya. Pinagpawisan ako bigla dahil doon. May abs pa talaga siya at v-line sa baba. Binaba niya rin ang itim na pantalon kaya tumalikod ako. Narinig ko naman siyang tumawa. At saka ko narinig ang malakas na tunog mula sa tubig. Nilingon ko siya at naroon na siya lumalangoy. Marunong siyang lumangoy. Ako ay hindi. “Tara!” sigaw niya. Niyayaya niya ako doon. Umiling ako. Baka malunod lang ako doon. Mahal ko pa ang buhay ko. Kung titignan kasi sa kaniya ay nasa dibdib na ang tubig. Paano pa sa akin na ang liit-liit ko. Baka kapag tumayo ako sa gitna ay nasa bunbunan ko na ang taas ng tubig. Umahon siya at lumapit. Napalunok ako ng sunod-sunod nang bumaba ang mga mata ko sa gitna niya. May nakaumbok doon at parang m-malaki? Agad kong winaksi ang nasa isip. Utak manyak na yata ako. Inalis niya ang sling bag ko at walang sabing hinila ako papunta sa pool. Agad akong nabasa at natakot na baka malunod kaya nahihirapan akong gumalaw sa tubig. “J-Jason! Hindi ako marunong lumangoy!” nahihirapang wika ko habang lulubog-lilitaw sa tubig. Nauubo pa ako dahil nakakainom na ako ng tubig. Agad niya akong binuhat. Nasa gitna pa rin kami ng pool. Marahas akong huminga-hinga at mahigpit na kumapit sa balikat niya. Pakiramdam ko kanina ay katapusan ko na. Akala ko talaga tuluyan na akong madededo. “Okay ka na?” tanong niya. Tumango ako. Buhat niya pa rin ako. “Tuturuan kita lumangoy,” wika niya nang nakita niyang okay na ako at nakakahinga na ng maluwag. Tatanggi na sana ako kaya lang ay bumaba siya sa ilalim ng tubig. Kapwa kami nasa ilalim ng tubig at kitang-kita ko ang malaking katawan niya doon. Nilapit niya ang mukha at inangkin ang labi ko. Para niya akong binibigyan ng hangin sa ilalim ng tubig. Pinulupot niya ang mga kamay ko sa katawan niya at siya ang nagsimulang gumalaw. Ako ang nasa ilalim at siya ang nasa ibabaw habang nakahalik sa labi ko. Gumagalaw ang dalawang paa niya at lumalangoy habang nakayakap ako sa kaniya. Nang marating namin ang dulo ng pool ay umahon kami pareho. Binitawan niya rin ang labi ko. Inangat niya ako at inupo sa gilid ng pool habang siya ay nasa tubig pa. Ang lakas ng t***k ng puso ko dahil sa nangyari sa ilalim ng tubig. “Parang gano’n lang, baby. Dapat may sarili kang hangin. At dapat relax ka lang,” wika niya. Napatango na lang ako. Relax daw? Papaano ako makaka-relax kung nakadalawang halik na siya sa’kin tapos nakayakap pa ako sa kaniya kanina sa ilalim ng tubig. Sa kabilang banda ay natuwa ako sa ginawa niya. Kakaibang experience para sakin na lumangoy na may kasama. Doon nga ba ako natutuwa o sa halik na ginawa niya? Damn it! Baka hanap-hanapin ko ang presensya niya kapag masyado akong ma-hook sa kaniya. “I love black,” biglang wika niya kaya nilingon ko siya at sa dibdib ko nakatingin! Agad nagbaga ang magkabilang pisngi ko dahil doon. Bakat na bakat ang itim na bra ko dahil puti ang damit ko at basang-basa pa. Agad ko ‘yong tinakpan gamit ang kamay. Problema ko tuloy kung paano uuwi dahil basa na ang damit ko. Wala akong dalang pamalit. Hindi naman kasi ako na-inform na may swimming pa lang magaganap. Kung alam ko lang ay baka nagdala pa ako ng salbabida para hindi malunod. Umahon siya at dinampot ang puting roba na nakalapag sa upuan. Lumapit siya sa’kin at iyon ang binalot sa basang katawan ko. “Baka lamigin ka. Wala ka kasi sa tubig,” saad niya. Pero hindi ko ramdam ang lamig dahil mainit na mainit ang mukha ko dahil sa pagkapahiya. Pangalawang beses na siyang tumitig sa dibdib ko. Nakakahiya, sobra! “Don’t worry about your clothes. We can buy new,” saad niya at umiling ako. “Naku, huwag na. Ayos lang,” nahihiyang tanggi ko. Nakakahiya na sobra. Ang dami na niyang binigay sa akin at nilibre pa ako sa date namin. “Ipalaba na lang natin ‘yang damit mo. Gamitin mo muna ‘yong sa’kin,” wika niya kaya tumango ako. Mas okay pa ‘yon kaysa bumili ng bago. Gastos lang ‘yon at wala akong pambayad sa kaniya. Magkano lang ang pera ko. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila paalis sa pool area. Umakyat kami sa pangalawang palapag. Nababasa na ang hagdanan dahil basa si Jason. May extra naman doon na bath robe pero hindi niya ginamit. Agad akong nilamig nang buksan ni Jason ang pinto ng kwarto niya. Sumalubong sa amin ang malamig na hangin mula sa aircon. Mas nag-aalala ako sa kaniya dahil siguradong lalamigin siya. “Mauna ka nang maligo. Kukuha lang ako ng damit pamalit mo,” saad niya. Tinuro niya pa kung saan ang banyo. “Ikaw na lang kaya mauna. Baka lamigin ka,” wika ko at ngumiti naman siya. Lumapit sa akin at hinapit ako sa beywang. Dinikit niya pa ako sa kaniya kaya hindi na naman ako mapakali. Nahihirapan pa akong huminga dahil sobrang lapit ko sa kaniya. Kahit basa siya ay naroon pa rin ang mabangong amoy niya. “Ang sweet naman ng girlfriend ko,” wika niya kaya napayuko ako. Wala naman akong ibang ibig sabihin doon pero binigyan niya ng malalim na kahulugan. Kung umasta siya ay parang matagal na kaming magkarelasyon. Hinalikan niya pa ang tuktok ng ulo ko na mas nagpabuhol lalo ng paghinga ko. Dinala niya ako sa banyo at pinagbuksan ng pinto. Tahimik akong pumasok doon. Huminga ako ng malalim para ikalma ang puso kong nagwawala. Baka bukas, may sakit na ako sa puso. Naligo ako at piniga ng maigi ang mga damit kong basa. Napatitig pa ako sa panty at bra ko. Nakakahiya ipalaba sa katulong nila ang mga panloob ko. Pero wala akong susuotin pag-uwi ko mamaya. Nahinto ako sa pag-iisip nang kumatok si Jason sa pinto. Sumilip ako doon at nakita ko siyang may hawak na damit. Nahihiya akong kinuha ‘yon. “Salamat,” mahinang boses ko at kinindatan naman ako. Kinagat ko na lang ang ibabang labi para itago ang kilig. Boxer short at v-neck t-shirt ang ibinigay niya sa’kin. Sinuot ko ‘yon at malaki sa akin ang damit. Wala rin akong bra kaya baka mahalata niya ang dibdib ko. Kaya nang lumabas ako ng banyo ay nakatakip ang kamay ko sa dibdib ko. Nang makita niya akong lumabas ay siya namang pasok niya sa banyo. Hindi pa rin siya bihis. Malamig pa rin ang silid niya. Baka sipunin siya. Paglabas niya sa banyo ay dala na niya ang mga basang damit ko. Lumabas siya ng kwarto at naiwan ako. Ipapalaba niya siguro ang mga damit ko. Matutuyo naman ‘yon kapag na-dryer. Hindi na ako nag-abalang maghanap ng suklay dahil nakakahiya mangialam sa gamit niya. Malawak ang kwarto niya at may ilang instruments pa. May keyboard piano siya, gitara at violin. Mahilig siguro siya sa music. Kumakanta kaya siya o tumutugtog lang? Hindi ko pa kasi siya nakitang humawak ng gitara o kahit anong music instruments. Hindi ko rin siya narinig na kumanta. Nakaupo lang ako sa gilid ng kama niya at pinagmamasdan ang kwarto niya. Parang sala at kusina na namin ito sa lawak. May sarili pa siyang flat screen tv. King size bed pa yata ang size ng kama niya dahil sobrang laki. Ang amoy ng kwarto niya ay naghahalo ang sarili niyang amoy at ang pabango niya. May malaki rin kurtina pero nakasara lang. Bukas lang ang ilaw niya dito sa loob. Itim at puti lang ang kulay dito sa kwarto niya. Panlalaki talaga. Naagaw ng pansin ko ang litrato na nakatayo sa may study table niya. Tumayo ako at nilapitan ang frame na naka-stand sa ibabaw ng lamesa. Nakita ko ang picture ni Vanessa. Mukhang stolen shot pero maganda ang kuha. Mukhang bago lang din dahil ganito na ang itsura ni Vanessa ngayon. Agad akong natigilan. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang apektado ako? Bakit nakakaramdam ako ng lungkot? Miss ko lang ba si Vanessa o dahil nakita ko ang litrato niya dito sa kwarto ni Jason? Umiling ako ng paulit-ulit. Ano itong nangyayari sa’kin? Hindi dapat ako makaramdam ng ganito. Hindi naman kami totoong magnobyo’t magnobya. Ngayon lang naman dahil birthday ko. At ang birthday ay isang araw lang. Kaya bukas, balik sa dati. Mabigat ang pakiramdam kong umupo ulit sa kama niya. Baka hanap-hanapin ko ang mga ‘to? Dahil sobra kong ninanamnam. Mali ba ang ginawa kong pagpayag kay Jason? Gusto ko lang naman maka-move on. At hindi ko naman akalain na ganito pala ang mga mararanasan ko kay Jason. Sa kaniya ko naranasan ang pagtrato na hindi ko naranasan kay Mark. At no’ng mahalikan ako ni Jason ay hindi ko naramdaman ang pagnanasa o ano man. Parang espesyal na halik na hindi ko rin naramdaman kay Mark tuwing hahalikan niya ako. Hindi gano’n kay Jason na parang may kakaiba. Umiling ako at winaksi ang nasa isip. Bakit ko sila pinagkukumpara? Mas matimbang ba ang isang araw kaysa sa halos dalawang taon namin ni Mark? Muling kumirot ang puso ko. Sa halos dalawang taon, kay Jason ko pa ito naramdaman at hindi sa kaniya. Pinahalagahan niya ba talaga ako? Kasi kung oo, hindi ako nagtatanong ng ganito. Hindi ko ikukumpara si Jason sa kaniya. Siya pa na minahal ko ay panloloko pa ang natanggap ko. Si Jason na hindi ay paglalambing ang pinapadama sa akin. Lumandas ang luha ko. Nagmumukha akong kaawa-awa. Nagmumukha akong nanlilimos ng paglalambing na hindi ko nararanasan. At kung magtatagal ba kami ni Jason ng mahigit isang araw ay posible bang makalimutan ko si Mark? Gustuhin ko man, kaya lang ay may Vanessa sa puso niya. Dahil hindi ako magsisinungaling sa sarili ko. Aaminin kong gusto ko. Nagustuhan ko ang lahat ng ginawa sa’kin ni Jason ngayon. Ngunit ayoko ring umasang may kasunod pa. Minsan lang ang birthday at hindi araw-araw. At dahil sa araw na ‘to ay baka mas mahirapan akong mag-move on. Bukas, hiwalay na kami. Wala na rin kami ni Mark. Dalawang lalaki ang magpapahirap sa akin para mag-move on. Ngayon pa lang ay nasasaktan na ako para bukas. Parang may taning ang relasyon namin. May hangganan at katapusan. Mas nakakatakot pala kapag alam mo kung kailan kayo maghihiwalay kaysa sa biglaan. Dahil alam mo kung kailan matatapos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD