Chapter 5

2564 Words
Chapter 5 *Abby* Mabilis lang akong naligo at pumili ng damit. Pinili ko ang maong short na kalahati ng hita ang kita. Tinernohan ko ng long sleeve na puti. Puti talaga ang pinili ko para partner kami ni boyfriend. Humagikgik pa ako ng mahina dahil sa inisip. May boyfriend ako for my birthday. Niyaya pa ako mag-date. Nakakatuwa dahil kahit alam kong kunwari lang ay siya lang ang nagbigay halaga sa birthday ko. Siya lang ang pumunta at nag-abala pang bilhan ako ng maraming regalo. At ngayon magde-date pa kami. Pinusod ko ng mataas ang kulot at mahaba kong buhok. Kung kay Vanessa ay sobrang unat ako naman ay kulot. But I love my curls. Ito nga ang kinaiinggitan ni Vanessa sa’kin. Natural daw na kulot. Nagsuot ako ng rubber shoes na puti at kinuha ang paborito kong sling bag. Dinampot ko rin ang phone ko at pinasadahan muna ang sarili sa salamin. Naglagay din ako ng kaonting pulbo sa mukha. Nang ma-satisfied na ay lumabas na ako ng kwarto. Sa kusina ako dumiretso para magpaalam kay Nanay. Pero wala na siya sa kusina kaya tumungo ako sa sala. Nagulat pa ako nang nagtatawanan sila ni Jason. Nahinto sila sa pagtawa nang makita ako. Tumaas ang isang kilay ni Jason nang bumaba ang mga mata niya sa short na suot ko. Napalingon tuloy ako doon. Ayos naman at bagay sa suot ko. Nagkibit-balikat lang ako at lumapit kay Nanay. “Nay,” iyon pa lang ang nasasabi ko nang biglang magsalita si Nanay. “Oo, alam kong aalis kayo. Mag-enjoy kayo,” nakangiting wika niya. Tumawa pa siya bago magpaalam na babalik sa kusina. Hindi ko alam kung ano ang nakakatawa. At kung ano’ng topic nila kung bakit tawang-tawa si Nanay. Binalewala ko na lang at tinignan si Jason. “Tara?” wika ko kay Jason. Humalukipkip siya at pinakatitigan ako. “You’re my girlfriend for today. Kaya may karapatan ako sa’yo,” seryosong saad niya. Bigla naman akong kinabahan at agad na napalunok dahil sa sinabi niya. Ibig ba niyang sabihin, pag-aari niya ako ngayon? “Ano’ng ibig mong sabihin?” naguguluhan kong tanong. “Pwede kitang pagbawalan,” agad niyang sagot. “Saan naman?” agad ko ring tanong. Bumaba ang mga mata niya sa short ko. “Ayokong magsuot ka ng ganiyan sa labas. Kahit kasama mo pa ako, ayoko pa rin,” naiinis niyang saad. Tumaas ang isang kilay ko at masungit siyang tinignan. “Hoy! Grabe naman ‘yan. Pati ba naman suot ko, pagbawalan mo na lang ako sa ibang bagay pero huwag ang suot ko,” may diing wika ko. Umayos siya at tumayo sa harap ko. Napatingala pa ako sa kaniya dahil matangkad siya. Binaba niya ang mukha at nilapit sa akin. My heart beat fast. Sobrang bilis at nahihirapan akong huminga. Lalo pa at naaamoy ko na naman ang mabango niyang amoy. At sandali, hininga niya ba ‘yon? Sobrang bango rin kahit kumain ng palabok. Nilapit niya pa ang mukha at isang pulgada na lang ay mahahalikan na niya ako. Dahil sa kaba ay agad kong iniwas ang mukha. Umatras din ako. “S-Sige, magpapalit lang ako,” nauutal kong paalam at tinakbo ang kwarto ko. Napahawak ako sa dibdib kong parang kakawala na sa kulungan. “Ano ‘yon? Aatakihin ako sa puso nito. Ang hirap kapag malapit si Jason,” wika ko sa sarili. Hindi ko rin alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa kaniya. Dahil ba sa gwapo siya? Winasiwas ko ang nasa isip. Hindi kami bagay ni Jason. At isa pa, hindi ako trip no’n. Kinuha ko na lang ang skinny jeans ko at iyon ang pinalit sa maong short ko. Ang hirap niya maging boyfriend. Nakakakaba. Pero isang araw lang naman. Bukas ay wala na. Matatapos din ‘to. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa sala. Nakatayo siya at tila hinihintay ako. He look at me from head to toe at saka tumango. “Let’s go, girlfriend,” wika niya kaya tumawa ako. Para lang kaming naglalaro. At least nakakatawa ako kahit broken ako dahil ‘yon kay Jason. Ang gwapo ng boyfriend ko today. Sinuot niya ang shades na nakadagdag lalo ng kagwapuhan niya. Kung hindi ko lang mahal na mahal si Mark, baka ligawan ko si Jason. Napailing ako dahil malabo ‘yon. Si Vanessa ang gusto niya. Hindi ako. Nang makalapit ako ay agad niyang hinapit ang beywang ko at dinikit sa kaniya. Napasinghap pa ako dahil sa gulat. Ito na naman ang heart kong ayaw kumalma. Magkakasakit talaga ako sa puso nito ‘e. Hindi ako mapakali at pinilit kong umakto ng normal kahit hirap na hirap ako. Naglakad kami at nang makalapit sa magara niyang sasakyan ay pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger seat. Nahihiya akong umupo doon. Nagmumukha akong hampas lupa sa sasakyan niya. Nakakapanliit at parang hindi ako bagay doon. Ang bango at ang linis din ng sasakyan niya. Naghahalo ang amoy niya at pabango ng sasakyan. Sinara niya ang pinto at umikot para sumakay sa driver seat. Nilingon niya pa ako at agad nilapitan. Tila nanigas ang katawan ko. Hindi ako humihinga dahil ang lapit ng mukha niya sa mukha ko. “Safety first, girlfriend,” bulong niya pero nakakakilabot. Tila nagtayuan ang balahibo ko sa katawan dahil sa uri ng boses niya. Umalis siya sa harap ko at naiwan akong tulala. Nilagyan niya lang pala ako ng seatbelt. Pero bakit kailangan pa kasing gano’n kalapit? Baka bukas pagkatapos nito ay maospital na ako dahil sa sakit sa puso. Nag-uumpisa pa lang ang pagiging boyfriend niya sa’kin ay ganito na kahirap. Paano pa kaya mamaya? Nagsuot din siya ng seatbelt at pinaandar ang sasakyan. Ang gara pa ng tunog ng sasakyan niya. Nang nagsimula siyang magmaneho ay napakapit ako ng mahigpit sa seatbelt. Tumawa naman siya ng mahina. A sexy chuckled that gives me chill to my spine. “Relax, baby. I’ll be gentle,” malambing niyang saad. Puso, kailan ka titibok ng maayos? Ang hirap naman maging girlfriend ni Jason. Baby pa ang tinawag sa akin kaya ang mga paru-paro ko sa tiyan, nagkakagulo na. Ang hirap pang umaktong normal kapag naghuhurumentado ang puso. Tahimik na lang akong tumingin sa daan pero laking gulat ko nang kunin niya ang kamay ko at pinagsaklob sa malaking kamay niya. Bakit sobrang sweet niya masiyado? Kapag ganito siya ay baka hanap-hanapin ko. Halos tumalon ang puso ko nang dalhin niya sa labi ang kamay ko. Oh, Lord take me now. Ang sakit na ng dibdib ko sa sobrang kilig at lakas ng t***k. Gusto kong tumili nang tumili pero mas mahirap pala pigilan ang kilig. Kinagat ko na lang ang ibabang labi para pigilan ang sariling ngumiti. Kahit hindi seryoso ang nangyayaring ito ay gusto ko pa rin damhin. Gusto kong namnamin. Dahil sa halos dalawang taon namin ni Mark, hindi ko ito naranasan. Hindi ko naranasan ang mga ginagawa sa’kin ni Jason ngayon. Dahil ako lang ang palaging gumagawa no’n sa kaniya. Never niya akong tinawag sa sweet na paraan. Abby lang ang tawag sa akin. Nakuntento ako doon dahil mahal ko siya. Hindi ako naghangad ng sobra. Pero ang ginagawa ni Jason para sa’kin ngayon ay sobra-sobra na para sa’kin kaya nanamnamin ko ‘to. I know I deserve this. Deserve kong pahalagahan kahit isang araw lang. Kahit ngayon birthday ko lang. Hinigpitan ko ang kapit sa kamay ni Jason. He look at me and winked. Kinagat ko uli ang ibabang labi at lumingon na lang sa daan. Baka mahimatay na ako sa kilig dito kay Jason. Nakatanaw lang ako sa bintana habang nasa byahe. Hawak niya pa rin ang kamay ko at pinaglalaruan ang mga daliri. Maiihi na ako sa sobrang kilig. Kung ganito ba naman kagwapo ang ka-holding hands ko ay talagang mahirao itago ang kilig. Huminto ang sasakyan niya sa tapat ng isang restaurant. Raf Restaurant ang nakalagay na pangalan. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Inalis ko muna ang seatbelt at saka bumaba. Naramdaman ko ang kamay niyang nasa beywang ko. Bahagya pang hinahaplos doon kaya nakikiliti ako. Naglakad kami papasok doon. “Good day, Sir Jason,” bati sa kaniya no’ng guard. Tumango naman siya. So kilala siya? Baka palagi siyang kumakain sa sosyal na restaurant na ‘to. Tumungo kami sa isang table. Pinaghila niya pa ako ng upuan kaya nahihiya akong umupo doon. Agad namang may lumapit na waiter sa amin. Pangiti-ngiti pa ang waiter sa akin kaya naiilang ako. Hindi ako makapag-concentrate sa pagpili sa menu. Ang mamahal ng nasa menu pero lahat ay mukhang masarap. Nakakahiya um-order tapos nakakailang pa ang ngiti sa akin no’ng waiter. “Do you love your job?” may diing tanong sa kaniya ni Jason. Kaya napatingin agad ako kay Jason. Agad umayos ang waiter. “Y-Yes, Sir,” nautal niyang sagot. “Then stop staring my girlfriend. I know she’s gorgeous but she is mine. Mind your job, not my girlfriend,” mariing saad ni Jason sa kaniya. Pinagpawisan pa ang waiter nang titigan siya ni Jason ng masama. Walang ganang sinabi ni Jason ang order namin sa waiter. Siya na rin ang um-order para sa’kin. Nagmadaling umalis ‘yong kawawang waiter. Muntik pa yata matanggalan ng trabaho. “Kawawa naman ‘yong waiter. Bakit mo pinagalitan?” banayad kong saad. Sa akin naman siya tumingin ng masama. “You like that guy?” nakakatakot niyang tanong. Umiling ako. “H-Hindi,” natatakot kong sagot. “Then, huwag mo siyang ipagtanggol,” naiinis niyang saad. Mukhang nasira ang mood niya dahil doon sa waiter. Inabot ko ang kamay niya at hinawakan. “Sapat ka na sa’kin,” wika ko. Hindi ko nga alam kung bakit nasabi ko ‘yon. Ang mahalaga ay mawala ang pagka-bad trip niya. Umamo agad ang mukha niya. “Possessive ka rin pala ‘e,” natatawang saad ko sa kaniya. “No. I’m just protective,” depensa naman niya. “Gano’n na rin ‘yon,” wika ko at pailing-iling siya. Natatawa naman akong tinititigan siya. “Don’t look at me like that,” banta niya. “Bawal ba titigan ang boyfriend ko?” nakangiting tanong ko. “You are the possessive,” saad niya kaya pinalo ko ang kamay niya. “Hindi ‘a,” pagtatanggi ko. “Sus, kunwari ka pa,” nanunuksong wika niya kaya sumimangot ako. Nahinto kami pareho nang dumating ang waiter kanina. Nanginginig na nilapag no’ng waiter ang mga in-order ni Jason. Lahat ay masasarap. Pero sobrang dami yata. “Ang dami mo namang in-order?” tanong ko. Baka masiyadong malaki ang babayaran niya. Nakakahiya dahil wala akong pang abono. Magkano lang ang pera sa bag ko. Hindi pa yata kayang ipamasahe sa taxi. “Because it’s my girlfriend’s birthday. Gusto kong mabusog ka,” wika niya kaya hindi na naman mapakali ang mga paru-paro sa tiyan ko. “Marami ka ng nagastos,” mahinang boses ko. Sa katunayan ay nakakahiya. Hindi naman kami close ni Jason. At hindi niya rin ako nililigawan. “Don’t worry, it’s on me,” nakangiting wika niya sabay kindat sa akin. Yumuko ako at tinuon ang mga mata sa plato. Lihim akong ngumiti. Ang sarap pala kiligin ng ganito. Kami kasi ni Mark, tila ako lang ‘yong sweet. Umiling ako. Hindi ko dapat siya iniisip. Dapat masaya ako dahil birthday ko. Tinuon ko ang atensyon sa pagkain. Sobrang dami ko pang nakain kaya busog na busog ako. Ang sasarap lahat. “Sobrang sarap ng foods dito,” wika ko sabay inom ng tubig. “It’s my kuya’s recipe,” wika niya kaya namilog ang mga mata ko sa gulat. “Ibig mo bang sabihin, pagmamay-ari ‘to ng kuya mo?” tanong ko. Nagmumukha na yata akong tsismosa dahil sa pagtatanong kong ‘yon. Tumango siya kaya mas lalo akong nagulat. Wow! Big time pala ang kuya niya. Mabuti at maayos ang napangasawa ng best friend ko. Hindi na ako masiyadong mag-aalala para sa kaniya. Pagkatapos ng masarap na pagkain ay niyaya na ako ni Jason. May pupuntahan pa raw kami. Magkahawak uli ang kamay namin habang naglalakad patungo sa sasakyan niya. Pinagbuksan niya ako pinto at ako na ang nagkabit ng seatbelt ko. Sumakay siya sa driver seat at pinaandar ang sasakyan. Habang nagmamaneho siya ay nakangiti ako sa may bintana habang pinagmamasdan ang mga nadaraanan namin. Hindi pa natatapos ang araw na ‘to pero masaya na ako. Sandali kong nakakalimutan si Mark. Sandali kong hindi nararamdaman ang kirot sa puso ko. *** Dinala ako ni Jason sa isang malaking bahay. Sobrang laki at ang gandang bahay. Malaki ang gate at mataas ang bakod. Automatic pa ang gate kaya kusang bumukas. Pinasok ni Jason ang sasakyan doon at namangha ako sa itsura ng labas ng bahay. May garden pa at may malaking garahe ng kotse. May magarang fountain pa sa gitna. Iyon bang parang mga napapanood ko lang sa tv. “Nasaan tayo?” Tanong ko habang pinagmamasdan ang paligid. “Bahay namin,” wika niya sabay baba sa sasakyan. Umikot siya at pinagbuksan ako ng pinto. “Bahay nila ‘to?” bulong ko sa isip. Sobrang yaman pala talaga nila. Kanina ay dinala niya ako sa restaurant ng kuya niya. Ngayon naman ay dito sa bahay nila. Bakit nga ba dito? “Bakit dinala mo ‘ko dito?” tanong ko habang nakasunod sa kaniya sa likod niya. Nilingon niya ako at hinila ang kamay ko. Binuksan niya ang malaking pinto at hinila ako papasok. Nagpatianod naman ako pero ang mga mata ko ay parang hindi makapaniwala sa mga nakikita. Sosyalin ang bahay nila. Nakakahiya pumasok. Hindi ako nababagay. “Sana, hinatid mo na lang ako sa bahay kung gusto mo na pala umuwi,” mahinang boses ko. Baka kasi pagod na siya sa date namin. Kung hindi na niya ako kayang ihatid, kaya ko naman mag-commute. “You are my girlfriend kaya ipapakilala kita kay Mom,” wika naman niya. Agad kong binawi ang kamay ko kaya tinignan niya ako. Bakit naman niya ako ipapakilala? Kinakabahan akong tinignan siya. “I-Isang araw lang tayo, Jason. Hindi mo na kailangang ipakilala pa ako,” kinakabahang saad ko. “Iyon ang gusto ko, dahil boyfriend mo ‘ko,” may diing wika niya. Kaya wala na akong nagawa nang hilain niya ako patungo sa kusina. Seryoso ba talaga siya. Hindi bale, bukas tapos na lahat. Abot langit ang kaba sa dibdib ko habang nakatunghay sa isang babaeng naghahanda sa malawak na lamesa. May edad na siya pero ang ganda pa rin niya at kamukha ni Jason. Kaya pala hindi sila magkamukha ng kuya niya dahil kamukha ni Jason ang mommy nila. Siguro ‘yong isa sa Daddy nila. Lumapit si Jason habang hawak ako. “Hi, Mom,” bati niya sabay halik sa pisngi. Nagulat pa ang Mommy niya sa biglaang pagsulpot ni Jason. Mas lalo siyang nagulat nang makita ako. Alanganin akong ngumiti dahil sobra akong nahihiya. Hindi naman kasi kailangang gawin pa ‘to. Ang hirap maging boyfriend si Jason. Palagi akong pinapakaba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD