Kirsten Kinabahan ako bigla sa naging asal nito. B-Bakit? Hindi ba siya masaya? Nakita ko ang marahan nitong paglunok at tumitig sa mga labi ko na ikinailang ko. Maging ako man ay napalunok din dahil tila may bumabara sa lalamunan ko. Ano ba ang nais niya? Bakit tumahimik siya nang ganito? Sa hitsura niya ay para siyang may masamang balak. Ngunit nang haplusin niya ang labi ko gamit ang hinlalaki ay sandaling napaawang ang mga labi ko. A-Ano ba’ng ginagawa niya? “Manika,” paos nitong tinig. Muli akong napalunok. “B-Bakit ba?” kinakabahan ko nang tanong. Kakaiba na ang ipinapahiwatig ng mga titig nito sa akin at sa labi ko. Hindi rin nakaligtas sa mga mata ko ang pamumungay ng mga mata nitong kulay lupa. “Pasensiya ka na sa gagawin ko,” namamaos pa rin nitong sambit. Nagimb

