"Gising na, mahal ko..."
'Yun ang mga katagang paulit-ulit na nagpaalala kay Delilah na si Spartan pa rin ang lalaking hahanap-hanapin kahit na anong paglalaro sa isipan ang gawin sa kanya ng 'di kilalang kalaban.
Isang linggo rin pala siyang nawalan ng malay at nakipagsapalaran sa bangungot na ayaw na niyang maranasan kahit kailan. Nakakapanindig-balahibo na nga ang mga nasaksihan niya roon, mukha pang totoo ang mga pangitain na tila ba pasilip iyon sa masamang hinaharap.
"Nakakatakot," malungkot na naalala pa niya ang mga eksenang nakita lalo na sa parteng nasawi pa si Spartan sa kamay ni Samson. Kumirot pa ang kanyang ulo sa lalim ng kanyang iniisip.
"Sana, hindi magkatotoo...hindi ko kakayanin..."
Nagising man mula sa malabangungot na kulam at pinayagan nang makauwi ng mga doktor, hindi pa rin nakabawi nang lubusan ang kanyang katawan at isipan. May mga panahong natutulala pa rin siya at biglang nananamlay. Mabuti na lang at supportive ang kanyang pamilya at maalaga pa si Spartan kaya unti-unti na rin naman siyang lumalakas.
Mabigat man ang katawan ay sinikap na niyang bumangon. Hinawi niya ang kurtina at binuksan ang bintana. Pagdungaw, kaagad na siyang napangiti nang makitang nakatingala pala sa kanya ang binatang kinatutuwaan.
"Uy, Besh!" kaagad na pagbati ni Spartan mula sa ibaba. Nagdidilig siya sa may hardin kung saan naroon ang mga bulaklak na rosas. Kanina pa rin siya nakikiramdam kung gising na ang sinisinta dahil nais niyang kumustahin ang kalagayan nito.
"OK ka na ba?"
"Oo naman!" maligayang tugon ni Delilah. "Thank you sa TLC* niyong lahat!"
(Tender Loving Care)
Nagningning ang mga mata ng binata nang mapansing bumabalik na ang liksi at rosy cheeks ng sinusuyo. Malaki ang pasasalamat niya na nalabanan ni Delilah ang madilim na pwersang nais kumontrol sa kamalayan nito at muntikan pang ikapahamak. Nakaligtas man ito ay bantay-sarado pa rin siya sapagkat nakababahala na posibleng hindi pa tumigil ang kalaban.
"Pakibuksan naman saglit 'yan salamin," paninimula na niyang maglambing ulit sa nililigawan. Nais niyang pasayahin ito para mas lumakas ang katawan at tuluyan nang gumaling.
"OK, anong meron?" pagtataka ng kausap.
Gumupit siya ng mapupulang rosas at tinanggal ang mga tinik upang siguruhing hindi matutusok si Delilah. Namimilog ang mga matang pinagmasdan siya nito at naghintay sa plano.
"I-ready mo ang mga palad, ganern!" kasunod na panuto niya kasabay ng paglahad din ng mga kamay para ipakita sa dalaga kung paano.
"Bibigyan mo ba ako ng roses?" sabik na pagtatanong niya. Napahawak na siya sa mga namumulang pisngi at kinilig na parang bulateng nabuhusan ng sabong panglaba sa kinatatayuan.
"Mga kapitbahay! May magbibigay sa akin ng flowers!" pigil sa pagtili na pahayag niya mula sa bintana.
"Hindi, Besh! Sa akin itong roses! Asa ka much!" pagbibiro naman ni Spartan habang tinatali ang bouquet gamit ang napulot na dahon. Naglagay pa siya ng isang tangkay ng bulaklak sa itaas ng tainga at pakendeng-kendeng na lumakad palapit sa mansyon.
"Bruho ka talaga!" umiikot ang nga matang sinupladahan niya tuloy ang binata na pinagkakatuwaan lang naman siya. "Paasa! Hmph!"
"Ikaw naman, o! Tampo na kaagad! Heto na nga! Ready ka na ba?"
"Ay! Ready na!" pagbawi rin naman ni Delilah kaagad sa pagtataray kanina lamang. Walang pakipot-kipot na nilahad na niya ang mga palad bilang paghahanda na tanggapin ang binibigay na roses. "Akin na nga, mwehehe!"
"One, two...three!"
Bumwelo si Spartan at ihinagis ang bulaklak sa direksyon ng dalaga na excited na matanggap ang munting regalo. Pagkadampi pa lang ng mga rosas, kakaibang tuwa na ang naramdaman niya. Hindi man ito mamahalin katulad ng karaniwang natatanggap mula sa mga manliligaw, para sa kanya ay mas mahalaga pa ito sa ginto at diamante dahil nagmula sa lalaking iniibig.
"Hahaha! I like!" kilig na kilig na pag-appreciate niya habang yakap-yakap ang bunton ng mga rosas.
"Pakiramdam ko, ako si Miss Universe! I thank you! Bow!" tuwang-tuwa na deklarasyon niya. Kumaway-kaway pa siya gamit ang kanang kamay na tila ba nanalo nga sa paligsahan ng pagandahan.
Pumalakpak naman si Spartan nang dahil sa paghanga. Para sa kanya, si Delilah talaga ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa, apoy, dagat at himpapawid, maging sa labas pa ng planetang Earth.
"Wait ka lang, ha? Ipanghahanda lang kita ng maaalmusal," pagpapaalam muna niya bago pumasok muli sa bahay upang magluto.
"Sure! Bilisan mo, ha!" sinambit niya habang hinahatid ng tingin ang kaibigan.
"Awww, ang sweet!" paggambala bigla ni Barbarella, ang ate ni Delilah. Kanina pa siya naroon at magmamasid sa suyuan ng dalawa pero mukhang hindi man lang siya napansin ng nakababata.
"Ngi!" napatili tuloy si Delilah sa biglaang pagsulpot ng kapatid. "Kanina ka pa riyan?"
"Oo." Humikab pa ito at humiga sa malambot na kutson. "Kanina ko pa nasasaksihan ang landian niyo! Eeew!"
"Landi? Excuse me! Ibahin mo kami!" pagtatanggol niya sa turingan nila ni Spartan. "We're just being sweet!"
"Paglalandi or being sweet, pareho lang 'yun," umiikot ang mga matang pang-aasar nito sa kapatid.
"Hmph! Inggit ka lang!"
"Hay, oo, siguro nga, inggit nga ako," pag-amin din naman kaagad ni Barbarella. Napabuntong-hininga tuloy siya nang maalala ang ex-boyfriend na tinakbuhan st inayawan niya tatlong araw bago ang kasal.
Napag-alaman kasi niya na pumatol ito sa sexy starlet na naba-blind item na nabuntis daw ng mayamang businessman. Hindi niya aakalain na totoo pala ang tsismis at fiance pa ang nakadisgrasya. Ang mas masama, matagal na pala siyang niloloko ng dalawa. Akala talaga niya, dream guy na ang ex kasi gwapo, may umiigting na panga at six-pack abs na, CEO pa ng malaking kumpanya sa Pilipinas. 'Yun pala, mega disaster kaya kahit preparado na ang lahat sa kasal, pina-cancel pa rin niya.
Kahit magdadalawang taon na ang lumipas, dala pa rin niya ang trauma na naloko ng lalaking minahal at pinaglaban pa kahit kontrang-kontra ang mga magulang sa relasyon nila. Dinadaan na lang niya sa katatawanan ang naging karanasan pero ang totoo, broken-hearted pa rin siya. Ayaw niya sanang maranasan ni Delilah ang sakit sa pagiging sawi sa pag-ibig kaya nang masaksihan mismo ang magagandang katangian ni Spartan lalo nang naospital ang kapatid, botong-boto na siya. Sa katunayan, unang kita pa lang niya rito ay positive vibes na ang naramdaman niya lalo na at magalang at masayahin pa ito. Salat man sa kayamanan ang binata, alam niya na mabuting tao naman at wala sa tipo ang manloko ng babae.
"Kung ako sa iyo, huwag mo nang pakakawalan ang ganyang klaseng lalaki," pagpapayo niya sa nakababata. "Huwag kang tumulad sa akin na tumingin sa social status at umiigting na panga. Sa kakabasa ko ng love stories at katigasan ng ulo ko, ayan ang napala ko. Akala ko, makakatikim na ako ng heaven sa seven to twelve inches ng CEO, 'yun pala, heartbreak ang makukuha ko."
"Grabe ka, Ate! Talagang 'yun umiigting na panga at...seven inches? 'Yun ang dahilan kung bakit ka magpapakasal sana? Hahaha!" nagawa pa siyang pagtawanan ni Delilah sa kasawian nito sa pag-ibig. "Baliw ka talaga!"
"Che! Aminin mo, hindi ba ideal 'yun guy na ganoon?"
"Hmmm, OK na ako kay Bebe Spartan, kahit hindi umiigting ang panga! Ayos na ako sa sweet at caring!"
"Pero parang may laban sa inches!" pagbibiro naman ni Barbarella. "Kapag naka-shorts siya, parang may bumabakat! Pakisabi nga sa kanya, doblehin 'yun suot na brief, parang kulang e! O kaya bilhan mo na lang ng makapal-kapal na pang-ibaba kasi mukhang sa ukay-ukay lang nakukuha ang sinusuot. Pati mga ibang kasambahay, nadi-distract!"
"Huy, walang ganyanan!" hiyang-hiya na napabulalas niya sa pilyang ate. Biglang uminit tuloy ang mga pisngi niya at nahiya pa para kay Spartan sa pinagsasabi ng kapatid. Hindi maipagkakailang observant nga si Barbarella at mabilis ang mga mata sa kahit maliit na bagay kaya malamang, totoo ang sinasabi nito.
"Salamat sa pag-reveal! Dahil diyan, hindi na ako makakatingin nang diretso sa kanya!" paninisi pa niya. "Baka mainsulto pa 'yun kapag binilhan ko kaya hayaan na natin kung saan siya masaya!'
"Weh? Nahuhuli kaya kitang nakatingin din lalo na kapag basang-basa siya sa pawis under the sun at nananabas ng d**o!" pangangantyaw pa rin ni Barbarella. "Luwa nga ang mga mata mo sa abs niya!"
"Hindi man!" pagde-deny pa rin ni Delilah kahit huling-huli na ng kausap. "Maiwan ka na nga! Bad influence ka talaga! Hmph!"
Huminga nang malalim si Barbarella at pinigil ang sarili na pagtawanan ang kapatid na halatadong napipikon na. Inabot niya ang kamay nito at inakay sa may higaan upang maupo katabi niya.
"Hindi ka na mabiro, e!" paglalambing na niya rito. "Halika nga, baby namin!"
Siya rin ay masaya na unti-unti nang lumalakas ang bunso at bumabalik na ang kakulitan. Isang linggo rin itong nawalan ng malay at magtatatlong araw pa lang na gising kaya katulad ni Spartan, hindi niya maiwasang mag-alala pa rin. Nag-leave na muna rin siya sa trabaho upang matutukan ang pag-aalaga sa nakababata.
"Alam mo ba, hindi ka iniwan niyang si Spartan e," pagtatapat niya habang hinahaplos ang buhok ng kaisa-isa at pinakamamahal na kapatid. "May pinapahid siya madalas na langis sa ulo mo at palaging bumubulong sa may tainga mo na tila ba kinakausap ka. Ang sabi kasi niya, baka raw nakulam ka kaya tinutulungan kang makawala roon."
"Magdamagan ka nang naka-confine noon pero hindi masabi ng mga doktor kung ano ang sakit mo," pagpapatuloy niya. "Tests have been done pero negative, walang lumalabas na kahit anong abnormality sa katawan mo. Wala naman mawawala kaya hinayaan na namin si Spartan na gawin kung ano ang sa tingin niya na magpapagaling sa iyo. Ang tiyaga nga, wala pang tulog 'yan sa kakabantay sa iyo. Hanggang ngayon, kapag gabi ay nakikita ko na may insensong nilalagay sa may pintuan mo. Pangontra siguro iyon sa masamang elemento."
"Ginawa niya iyon para sa akin?" namimilog ang mga matang paniniguro niya sa sakripisyong ginawa ni Spartan. Napagtanto rin niya na tunay pala ang lahat na narinig mula rito noong walang malay. Napahagikgik pa siya nang maalala ang mga salitang "Mahal ko".
"Oo. Ang masasabi ko lang sa iyo, huwag mo nang pakakawalan ang lalaking 'yan," pag-uulit ni Barbarella sa kanya. "Maswerte ka at nakatagpo ka ng ganyan kahit na medyo kumekendeng-kendeng nga lang."
"Mas gusto ko na ang kumekendeng, basta loyal at faithful!" Inabot ni Delilah ang mga rosas at inamoy. Napangiti siya nang malanghap ang samyo niyon at naalala ang extra sweetness ni Spartan. Kakatwa man ang ugali at kilos nito, alam ng puso niya na mahal nga siya talaga nito. "Siya na ang love of my life!"
May ngiting pang-out-of this word na na-imagine niya na kapag twenty-five years old na silang dalawa, ikakasal na ng bongga sa Manila Cathedral at magha-honeymoon sa Italy. Pagkatapos, magkakaanak sila ng lima at kung may mga little girls ay aayusan naman ni Spartan para pang-Miss Little Philippines ang datingan. Maligayang maglalaro ang mga anak nila sa malaking hardin ng future house nila habang silang mag-asawa ay magba-barbeque sa may swimming pool. Happy ever after ang pinapangarap niya sa mag-anak na Catacutan-Dimatinag.
"Mabuti na lang at nailigtas ka niya. Akala nga namin noong una, buntis ka!" pagsingit ni Barbarella sa pagde-daydream niya.
"B-Buntis?" lumilipad pa rin ang isipan na napabulalas niya. "Ako? Paano?"
"Oo, kasi 'di ba kapag buntis, kung minsan nahihilo at naduduwal daw?"
"Advanced kang mag-isip, Ate! Buntis kaagad-"
Walang anu-ano ay bumukas ang pintuan ng silid at lumantad ang isang ginoo na may edad na. Halos napatalon pa ang magkapatid nang dahil sa gulat. Hindi nila inaasahan ang biglaang paggambala nito sa girl talk nila.
Mabilis na gumalaw ang mapupungay na mga mata nito sa direksyon ng magkapatid. Nasa edad man na limampu't lima na, bakas pa rin ang ganda ng itsura nito na karamihan ay namana raw ng mga anak kaya hindi maipagkakailang siya nga ang ama. Makisig at malakas pa rin ang pangangatawan nito kaya napagkakamalan pa na nasa forties lamang. Katulad ni Delilah, black belter din ito at naging kampeon sa taekwondo noong kabataan pa.
"Sinong buntis?" pagtatanong niya, gamit ang baritono at makapanidig-balahibong boses na halos maitutulad sa dagundong ng kulog.
"Daddy?" sabay pang napabulalas nina Barbarella at Delilah.